Chapter Six

11 0 0
                                    


"Sorry, it's late and I have to go home." Malamig na sabi habang pilit kong tinanggal ang pagkakahaw ng isang lalaki sa braso ko.

"Jeannica, I am so sorry kung hanggang ngayon galit ka pa sa akin. Naiintindihan ko pero sana naman anak bigyan mo pa ako ng chance." Opo. Tama po ang basa nyo. Sa kasamaang palad anak ako ng lalaking nasa harapan ko ngayon. He is Eduardo Alcaraz. My dad. Nakita ko na lang ang kotse sa labas ng university at bago pa ko mapasok ulit sa loob, hawak nya na ang braso ko. Malamang pinaalis nya si tatay peds para sya maghatid sa akin. Hah! Dream on!

"Wow! Chance. hah! Binigyan kita ng chance noon. Namin ni mommy! Pero anong ginawa mo? Palagay mo makukuha mo pa ang chance na sinasabi mo daddy? ha?!" Alam ko gumagawa na kami ng eksena dito but who cares?

"Anak, please.. Alam ko sinayang ko ang tiwala nyo pero anak please. This time aayusin ko na lahat." Sabi ni daddy habang pansin ko na malapit ng pumatak ang luha nya. Tss! Mukha syang tanga sa ginagawa nya. Hindi bagay sa suot nyang mamahaling business suit at sa kagalang galang nyang tindig.

I smiled bitterly tapos tinaas ko ang kilay ko. "Dad, mukha kang tanga sa ginagawa mo. Hindi kaba nag aalala na baka makita ka ng ibang babae mo sa ganyang hitsura? C'mon dad! panatilihin mo naman ang poise mo." Sabi ko habang tinitingnan ko sya mula ulo hanggang paa.

"Wala akong pakialam kung magmukha akong kawawa sa harapan mo. anak, pagkakataon lang ang hinihingi ko." Sabi nya habang inaabot ako. Syempre kelangan papalag ako.

"Wala kang pakialam kung magmukha kang tanga at kaawa awa? Wow." I smirked. "But dad. Sorry to say, wala din akong pakialam sayo at sa kagustuhan mo!" Sabi ko sabay layas at tumawag ng taxi!

Pagpasok ko ng taxi sinabi ko na yung address ng bahay namin at dun ako umiyak ng umiyak habang daan papauwi.

Ang kapal ng mukha nyang magpakita! ang kapal ng mukha nyang humingi ng chance! Para saan? Para masanay nanaman kami ni mama na andyan sya tapos bigla nya nanaman kaming iiwan? Para umasa nanaman kami ni mama ganun ba? ANG KAPAL NG MUKHA NYA!

Nung mapansin ko na papasok na kami sa subdivision namin, inayos ko na ang sarili ko. Ayokong malaman ni mama na nagkita kami ni daddy. Ayokong umasa nanaman sya.. Pagpasok ko ng bahay, dun ko binuhos lahat ng luha ko. Ang sakit sakit! Ang sakit ng ginawa nya sa amin. Anim na taon palang ako nun.

"Daddy, wag mo po kaming iwan nina mama. Daddy san ka po pupunta?" iyak ako ng iyak habang pilit kong inaagaw ang maletang dala dala ni daddy.

"Anak, patawarin mo ang daddypero mas lalo lamang magugulo kung hindi ako aalis."

"Hindi na po ako mang aaway ng kalaro, hindi na po kami mag aaway ni Micho lagi. Daddy wag kanang umalis pleaseee." Laalong lumalakas ang agos ng luha ko sa ktotohanang iiwan ulit kami ni daddy. Nakita ko na umiiyak na din si daddy pero ayaw nyang magpapigil. Si micho nasa isang sulok lamang na umiiyak at si mama nasa itaas lamang ng hagdan at umiiyak habang kalong ang isang sanggol na walang alam sa nangyayari.

"Daddy susunod na po ako sa utos nyo ni mama! Kakain na din po ako ng gulay at aalagaan ko na din po si baby Annica para di na masyadong mapagod asi mama! Wag po kayong umalis." Sa pagkakataong yun, niyakap ko na and daddy ko sa kanyang isang binti habang nakaluhod akong umiiyak. "Daddy, dito ka lang.." Pero tinggal lang nya ang mga kamay ko sa binti nya at nagpatuloy paglabas ng bahay. Akmang hahabulin ko sya pero may maliliit na kamay na yumakap sa akin.

"Ate, dito ka na lang hayaan mo na sya." Paglingon ko, mukha ng kapatid ko ang bumungad sa akin, umiiyak pero pinipilit ngumiti. Apat na taong gulang lang sya pero noong panahon na iyon, yakap nya ang nagbigay lakas sa akin. Maya maya naramdaman ko na din ang isang bisig ni mama na bumalot samin ni micho. Karga pa din nya ang pitong buwan naming kapatid. Si Annica.

Simula noong araw na yon, tinatak ko sa murang isipan ko na kaya naming mabuhay ng kami lang apat. Sa kasamaang palad, maaga saming binawi si Annica ng Diyos. May congenital heart desease kasi sya. Si daddy ang sumagot sa gamutan nya, pwes dapat lang dahil responsibilidad nya yon. Hanggang ngayon naman nakakatanggap pa din ako ng pera galing sa kanya. May contact kaming dalawa pero yun ay para lang sa sustento nya. Dapat nya lang akong tustusan dahil hindi man halata, isa syang ama

Bitch Goddess loves Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now