Chapter Four- Dito lang pala

4.4K 102 1
                                    

I dedicate this chapter to hasenjuvy. (Tnx for adding MPBB to your reading list)

***********

Haaay naku!!! Dito lang pala sa isang Botique. -_-

"Ano naman ang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng tanga-ka-ba look.

Totoo nga naman, tanga lang ang magtatanong ng ganyan klaseng tanong. O__O OMG !! Ibig sabihin tanga ako ??

Pero instead na pilosopohin ako, sinagot niya nalang yung tanong ko.

"Mamimili tayo ng damit na susuotin para sa pupuntahan natin mamaya." sagot niya. Tiningnan ko yung suot namin. Naka-uniform pa pala kami.

"Bakit, saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta. Sumunod ka na lang sa mga sinasabi ko." sagot niya.

"Huh? May lugar ba na ganun?" Tanong ko at nagkunwari pa na parang nag-iisip kung may ganun nga bang lugar. He looked at me na parang hindi makapaniwala.

"What? Bawal na bang magtanong ngayon?" I asked him flashing an innocent look XD

"Papalit ka ba ng damit o hindi?" He snapped at me and then glared.

Dali-dali naman akong pumunta sa mga nakahanger na damit at nagsimulang mamili.

"Oo na, ito na nga oh naghahanap na! Sungit talaga. Teka libre mo ba 'to?" Tanong ko sa kanya. Ewan ko lang parang ang bilis mapanatag ng loob ko sa kanya. Kakaiba sa feeling. Para bang napaka gaan niyang kasama kahit ang sungit niya feeling ko safe ako pag siya ang kasama ko. Hayss ewan.

Hindi siya sumagot sa tanong ko at namili na rin siya ng damit na susuotin niya.

Maya-maya may hinagis siya sa'kin na damit.

"Yan ang suotin mo." sabi niya. Tiningnan ko yung damit . Isang black dress na tube at hanggang tuhod yung haba niya. Hindi na lang ako nag reklamo kahit para sakin maiksi na yung dress, baka kasi bumalik nanaman yung pagiging incredible hulk niya kung susuwayin ko pa siya.

Pumunta na lang ako sa may dressing room at nagpalit ng damit. Hinubad ko yung uniform ko at sinuot yung damit na pinapasuot niya sakin. Tiningnan ko yung reflection ko sa salamin. Mula ulo hanggang paa, Perfe--- ayyy !! Ano ba yan. Perfect na sana kaso pagtingin ko sa paa ko, suot ko pa pala yung school shoes ko. Mamimili nalang siguro ako mamaya ng sandals na bagay sa damit ko. Bago ako lumabas ng Dressing room, inayos ko muna yung buhok ko na nagulo nung sinuot ko yung damit. Kinuha ko yung uniform ko sa may gilid at lumabas na. Nakita kong naka upo siya at nakabihis na rin sya. Infareness ha !! Ang astig nyang tingnan sa suot nya. Black na top at nakatupi yung sa braso. Kahit simple suot niya astig pa rin tingnan.

"Chase !!! Saan ko ba ilalagay 'tong uniform ko?" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa direction ko. But instead na sagutin ako, tumayo lang siya at may kinuha don sa gilid. Bigla nyang hinagis sa akin yung kinuha nya mabuti nalang at nasalo ko. Pagtingin ko isang red sandals na 3 inch ang haba. Ouch! Toture ata to ang taas naman nito.

"Suotin mo rin yan." sabi niya. Pagkasuot ko ng sandals lumapit ako sa kanya dala yung school shoes at uniform ko. Uulitin ko na sana yung tanong ko kanina pero hindi na natuloy dahil nagsalita na sya.

"Humingi ka ng paper bag sa sales lady at don mo ilagay yung uniform mo. Isama mo na rin yung sakin. Sabihin mong inutusan kita." Sinunod ko yung utos niya at humingi ng paper bag don sa saleslady. Mahirap ng makipagtalo pag ganyan ka seryoso yung boses nya.

Pagkatapos kong ayusin yung mga damit namin pumunta na sya don sa may counter at binayaran yung mga pinamili namin gamit ang credit card nya.

Lumabas na kami ng mall at pumunta sa parking lot kung saan niya pinark yung mamahalin nyang kotse. Pumasok na sya sa driver seat habang ako naiwan sa labas at nilalagay yung paper bag na dala namin sa likod ng kotse niya. Oo, ganyan sya ka bait. -__-

"Faster!!" I rolled my eyes. Napakabossy talaga. At ginawa pa akong alipin. Bwesit talaga.

"Duhh!! Ikaw kaya mag suot ng ganitong damit tingnan natin kung makakakilos ka ba ng maayos. Tss." Bulong ko sa sarili ko.

        Pagkatapos kong ayusin yung mga paperbag na dala namin pumasok na ako sa passenger seat and make sure na nakasuot ang seatbelt ko, hirap na baka maulit pa yung nangyari kanina. He start the engine and drove to our next destination. Saan na naman kaya kami pupunta.

****************************

Maya-maya he stopped the car sa harap ng isang .. O___O!! ano na naman kaya ito ??

Haaay naku !! Sa dinami-daming pweding puntahan, dito pa talaga sa isang .. Wait !! Saan nga ba kami ?? Tumingin ako sa paligid, wala akong ibang makita kundi isang napakalaki at napakataas na gate. At dahil sa taas nito, talagang hindi mo makikita kung ano yung nasa loob.

Lumabas si Chase ng kotse at naglakad papunta sa may gate. May maliit na screen ang biglang lumabas sa gilid ng gate nong tumayo sya sa harap nito. Wooow !!

He typed something on the screen and then swiped something, i supposed it was a card. The gate automatically opened. I can't believe what I'm seeing right now. Ano ba tong pinuntahan namin?? Bakit kailangang may password para makapasok ??

Bumalik na siya sa kotse. Pagpasok niya, he started the engine at pinasok yung kotse sa loob ng gate. Paglagpas ng kotse nya sa gate bigla itong nagsara. Natatakot na ako. Baka isa itong hideout ng mga killer at dinala niya ako dito upang patayin, oh no! 😱

Huminto yung kotse sa harap ng isang ..

         Lumang warehouse ?? Ibig sabihin isang warehouse ang nasa likod ng napakataas at napakalaking gate na iyon ?? Hindi ako makapaniwala. Pero bakit kailangan pa ng password para makapasok sa warehouse na ito ?? Haaay !! Ano ba itong napasukan ko ??

*****************************

A/N : HI ^___^ SHORT CHAPTER BUT I HOPE YOU STILL ENJOY THE CHAPTER.

COMMENT NAMAN KAYO DYAN !! MAG-VOTE NA RIN KAYO.

TNX FOR READING!!

My Possessive Badass Boyfriend [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon