Chapter 12

142K 4.3K 377
                                    

Jennifer

Sa wakas at oras na para mag-dinner.  For the mean time ay kakalimutan ko na muna ang atraso ni Dustin at sisiguraduhin kong mabubusog ako ngayong gabi.  Kaya lang, ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin tapos si Dustin sa pagtitig sa mukha ko.  At bakit ba kasi siya nakatitig?  Nagagandahan ba siya sa'kin?

"Puwede na bang kumain?"  Tanong ko sa kanya.

"Ah...  Yeah.  O-oo kain na."  Nauutal niyang sagot.  Tss!  Ayaw pa kasing aminin na nagagandahan siya sa akin eh!

Dahil sa sobrang gutom ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paglamon.  Wala na akong pakialam kahit tingnan pa nila 'ko, sa gutom ako eh!

"Ayusin mo nga 'yang pagkain mo, para kang bata."  Saway sa akin ni Dustin pagkatapos isungalngal sa bibig ko ang tissue.  Take note isinungalngal!  Grabe siya!  Hindi man lang marunong magdahan-dahan.  "Hindi ka ba pinapakain sa inyo?"

"Pinapakain naman."  Sagot ko kahit may laman pa ang bibig ko.  I'm done with the main course kaya 'yong dessert naman ang uupakan ko.  Hindi ko sinunod ang sinabi ni Dustin na ayusin ko ang pagkain, uubusan ko siya ng desert haha!

Pero kahit busy sa pagkain ay pansin ko pa rin ang panay na pagtitig sa akin ni Dustin.  Hindi kaya, talagang nagagandahan siya sa'kin?  Siguro nga totoo ang sabi ng bestfriend ko na maganda raw ako kapag nakalugay at walang suot na eye glasses. 

Halos hindi na ako makagalaw nang maubos ko ang mga pagkain.  Nagpahinga lang kami saglit at lumabas na ng restaurant, pagkatapos ay nakasalubong namin si Kuya Derek.

"How's your dinner, did you enjoy the food?"  Tanong ni Kuya.

"Opo, masarap po ang mga pagkain."  Sagot ko naman.

"I'm glad you liked it.  By the way, maganda ka pala kapag nakalugay ang buhok mo at wala kang suot na salamin."

"Talaga po?  Sabi nga rin ni Dustin."  Naalala ko lang kasi na madalas sabihin sa akin ni bestfriend na maganda raw ako kapag nakalugay at walang suot na eye glasses.  Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami kay Kuya.

"Kailan ko sinabi na maganda ka kapag nakalugay ang buhok mo at walang kang suot na salamin?"  Tanong bigla ni Dustin habang naglalakad na kami papalabas ng hotel.  Napahinto ako sa paglakad at gano'n din siya.  "Kahit anong ayos pa ang gawin mo ay panget na nerd ka pa rin sa paningin ko." 

Pagkatapos sabihin 'yon ay tumalikod na siya at humakbang palayo.

"Dustin."  Sabi ko at humarap naman siya sa akin.

"What?"

"Hindi ikaw, 'yong bestfriend ko.  Ang nagsabing maganda ako kapag nakalugay at walang suot na salamin." Paglilinaw ko sa mali niyang akala.  "Pero salamat sa sinabi mo.  Ngayon alam ko nang hindi pala totoo 'yong mga sinabi niya.  Baka nasabi lang niya yon para pagaanin ang loob ko dahil kaibigan ko siya." 

Tumalikod ako para punasan ang mga tumulo kong luha.  "Naiwan ko ang uniform at salamin ko sa kuwarto, babalikan ko lang.  Pero kung nagmamadali ka puwede ka nang mauna, kaya ko namang umuwi mag-isa."

Sobra na talaga siya.  Una, tatlong oras niya akong pinaghintay.  Pangalawa hindi man lang siya nag-sorry sa pagpapahintay na ginawa niya.  Pangatlo nilait niya ako ng harap-harapan. 

Ang akala ko pa naman ay nagagandahan siya sa akin kaya siya nakatitig kanina.  Ang sama niya!



Dustin Villaverde

Alam kong nasaktan ko si Jen sa sinabi ko.  The thing is, ayokong sabihin sa kanya na maganda talaga siya kapag nakalugay ang buhok at walang suot na salamin.  Baka lumaki pa ulo niya.

Tumalikod siya para siguro itago ang luha niya pero huli na dahil nakita ko na.  Hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng babaeng umiiyak pero bakit ang laki ng epekto nito sa akin?  Nakakakonsensya.

"Jen?"  Sabi ni Kuya Charles pagsakay ni Jen sa unahang bahagi ng kotse.  Aba, ayaw tumabi sa'kin!  Di wag!  "Ang ganda mo pala kapag nakalugay ka at kapag walang salamin."

"Naku kuya, huwag na po kayong mangbola ang panget ko kaya."

"Anong panget?  Sinong nagsabing pangit ka?  Kung sino man ang nagsabi no'n ay may deperensya 'yon sa mata.  Hindi lang 'yon, bobo pa siya at walang utak.  Di ba Sir?"

"Kuya, drive ka na."  Utos ko sa aking driver.

Oo na, ako na ang bobo at walang utak!

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon