Chapter 29

117K 3.5K 37
                                    

Dustin Melendez

Naging mabilis ang pangyayari kaya hindi na ako nakaiwas nang bigla akong halikan ni Faith.  I don't want to be rude pero kailangan ko siyang itulak palayo dahil mali ito.  Mabuti na lang at walang tao sa paligid.

"What are you doing?"  Tanong ko habang nanlalaki pa ang mga mata ko sa gulat.

"I like you Dustin."  Tugon ni Faith sabay ngiti.  "Why don't we go out sometimes?"

"Sorry Faith but I'm not interested.  May girlfriend ako and I love her."  Giit ko naman.
 
"Eh di huwag nating ipaalam kay Ashley."  Aniya na para bang gano'n lang 'yon kadali.

"Huwag ipaalam ang alin?"  Tanong ni Ashley na hindi ko namalayang nandito na pala.  Kinabahan ako, sana naman ay hindi niya nakita 'yong kanina.

"Babe kanina ka pa ba diyan?"  Natataranra kong tanong kay Babe.

"Hindi naman, kararating ko lang."  Sagot niya.  "Ano 'yong hindi ipapaalam sa'kin?"

Nagkunwari na lang akong umubo para iwasang sagutin ang tanong niya.

"Babe okay ka lang?  Are you sick?"  Nag-aalalang tanong ni Ash.

"Huwag ipaalam sa'yo na may sakit siya."  Wika ni Faith at tumango naman si Ashley.

"Babe naman, kung may sakit ka, you have to tell me.  Don't practice today.  Umuwi ka na at ko na ang bahala kay coach."  Ani Ashley na paniwalang paniwala na may sakit ako.  I'm not the type na nagsisinungaling sa girlfriend ko but I have no choice.  Kaya kahit wala naman talaga akong sakit ay napilitan akong umuwi at mag-skip ng basketball practice.



Elisa

"May assignment na kayo?"  Malakas na tanong ni Stella sa classroom.

"Wala pa nga, eh."  Tugon sa kanya ni Tanya.

"Ako, meron na. Gusto n'yo kumopya?"  Prisinta ng mabait na si Ashley.

"Ikaw ang gumawa?"  Si Stella.

"Oo. Pinagpuyatan ko kaya ‘to. Ano kopya ka? Okay lang sa'kin."

“Ay, huwag na lang. May oras pa naman, eh. Ako na lang siguro ang gagawa. Kung ako at least sigurado ako na may tama kahit isa lang."  Ani Stella at pagkatapos nagtawanan sila ni Tanya.

Gusto ko ring tumawa pero pinigilan ko lang. Hindi sa panlalait pero bopols kasi ‘yang si Ashley. Tiyak mali-mali ang assignment na ipinagmamalaki niya.

Saktong dumating na rin 'yong apat na feeling gorgeous at narinig nila 'yong sinabi nina Stella.

"Kayo..."  Sabi ni Dustin doon sa dalawa.  "Expel na kayo."

"Bes? Bakit?"  Tanong ng ubod ng slow na si Ashley.  Hindi ba niya alam na siya ang dahilan?

"Anong bakit?  They just insulted you."

"Hindi naman, ah. Ang bait nga nila, eh. Hindi na sila kokopya sa'kin at sila na ang gagawa ng assignment nila."  Si Ashley na talaga ang may hawak ng korona bilang reyna ng mga slow!

"Kaya ayaw nilang kumopya sa'yo kasi iniisip nila na walang tama sa mga sagot mo."  Paliwanag ni Kyle.

"Naku, hindi, ah! Ashley, please puwede pakopya ng assignment mo. I’m sure perfect score 'yan.” Ang bilis kumambyo ni Stella.

"Oo ba, sure."  Pagpayag ni Ashley at saka ibinigay ang notebook niya rito.

"Makinig kayong lahat."  Mukhang balak mag-speech ni Dustin kaya nakinig kami.  "Ang sinumang mag-make fun dito kay Ash. Ipapa-expell ko. Walang puwedeng mamahiya o mang-api sa kanya. Naintindihan n’yo?"

"Tumigil ka nga, bes. Ang OA mo."  Ani Ashley.

"I mean it, Ash. Walang puwedeng mang-api sa ‘yo.  Tandaan mo 'yan."  Ang bait namang best friend ni Dustin.  But I was sure na hindi lang iyon concern ng isang bestfriend. 

---

Naglalakad kami nina at Eunice at Maureen sa hallway nang makita namin ang bruhildang si Faith.  Gusto ko na siyang sugurin at sabunutan nang makita kong bigla na lang niyang  hinalikan si Dustin, My Loves. Ugh!

Nang umalis na sina Ashley at Dustin Melendez ay bigla saka namin sinugod si Faith

"Ano 'yon ha?"  Tanong ko sa kanya.

"Ang alin?"  Kunwari pa siyang walang alam.

"Bakit mo hinalikan si Dustin My Loves?  And you like him?  Hindi nga Faith?  Eh kung hindi ko pa alam hindi ka pa talaga nakaka-move on doon sa isang Dustin.  Am I right?"

"Anong problema mo Elisa?  Siguro inggit ka lang kasi nahalikan ko 'yong crush niyo."

"Tama ka inggit kami."  Straight to the point na saad ni Eunice. 

"Eunice, tumahimik ka."  Saway ko sa kanya.

"Bakit Elisa, totoo naman ah.  Basta ako gusto ko rin maka-kiss kay Dustin."  Hirit pa ni Eunice.

"Ako din."  Si Maureen naman 'yon na binatukan kong bigla.

"Ang daldal mo Mau. Eh kung isumbong ka ni Faith kay Exel." 

"So Maureen is still into Dustin pala kahit na girlfriend na siya ni Exel.  Naughty ka Maureen ha.  But don't worry hindi ako magsusumbong."  Sabi ni Faith pero hindi ako naniniwala.  I don't trust this girl.  "Girls we all like Dustin M, so can't we be friends?"

"Hinde!"  Intense kong sinabi.  "Pwede ba Faith.  Tantanan mo nga si Dustin.  Kapag sila nag-away ni Ashley ha dahil sa'yo..."

"Ano?" 

"Lagot ka kay Dustin Villaverde.  Ayaw pa naman niyang may nanloloko sa bestfriend niya."  Pagbabanta ko sa kanya.

"Whatever."  Umirap muna si Faith bago nag-walk out.  Masama ang kutob ko sa kanya, feeling ko ay may gagawin siyang hindi maganda.

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. 

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon