Chapter 55

119K 4.1K 441
                                    

Jennifer

"Jen anak may bisita ka."  Sabi ni Papa nang puntahan niya ako sa kuwarto.  Nagtaka naman ako, sino kaya ang bibisita sa akin sa dis oras ng gabi.  Paglabas namin ni Papa sa may gate ay nakita ko si Kuya Chales, ang driver ni Dustin. Villaverde.

"Jen pinapasundo ka ni Sir Dustin."

"Po? Bakit daw po?"

"Basta kailangan ni Sir ang tulong mo."

Pumayag naman si Papa na sumama ako kay Kuya Charles, nag-alala din kasi siya para kay Dustin.

"Kuya ano ba talagang nangyari?" Tanong ko habang nasa biyahe kami.  Nakaupo ako sa may front seat.

"Di ba Jen genius ka?"

"Bakit po?"

"'Yon kasi ang sabi ni Sir Dustin eh. Matalino ka raw."

"Opo pero..."

"Pagdating doon ay malalaman mo."

---

Hindi ko mapigilang mamangha nang makarating na ako dito sa bahay nina Dustin Villaverde.  Napakalaki at napaka-gara dito.

"Siya na ba 'yon?" Isang babaeng nasa edad bente ang sumalubong sa amin.  Agad naman siyang nagpakilala sa akin.  "Ako pala si Neri, totoo bang girlfriend ka dati ni sir Dustin?"

"Opo ako po pala si Jen."  Pagpapakilala ko at nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.  "Teka lang po, tumayo po kayo." 

"Tulungan niyo po kami Ma'am."  Pagmamakaawa ni Ate Neri.  Bakit kailangan niya ng tulong at bakit ako?

"Jen."  Biglang dumating si Dustin.  "Sorry, ha naistorbo ko ba ang tulog mo?" 

Did he say sorry?  Dati-rati kahit siya ang may kasalanan ay hirap na hirap siyang mag-sorry pero ngayon iba na.

"Wala 'yon Dustin.  Hindi pa naman talaga 'ko tulog.  Please lang patayuin mo na siya."  Sabi ko at sa wakas ay tumayo na si Ate Neri.

"Jen we need your help."  Ani Dustin.

"Dustin ano ba talaga ang nangyari ah?  Paano ko kayo matutulungan?  Bakit ako?"

"Tara sumunod ka sa'kin."  Sabi niya sabay hawak sa kamay ko upang i-lead ako sa pupuntahan namin.  Bibitaw sana 'ko kaso nakakahiya naman kaya hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko.  Pumasok kami sa isang malaqak na opisina kung saan namataan ko agad ang mga nakakalat na jigzaw puzzle pices sa sahig.

"Jen ito 'yong sinasabi ko.  Pwede mo ba 'to buuin?"  Request ni Dustin.

"Bakit ba kasi nagulo 'tong puzzle?"

"Aksidente lang, habang naglilinis ako."  Sagot ni Ate Neri.

"Paborito ni Dad itong artwork na 'to at kapag hindi 'to nabuo pagbalik niya ay siguradong matatanggal si Ate Neri sa trabaho."  Paliwanag ni Dustin.

"Kaya Ma'am Jen nakikiusap po kami sa inyo.  Sana po maayos niyo 'tong puzzle para hindi kami mawalan ng trabaho."  Pagsusumamo ni Ate.

"Oo nga po Ma'am."  At ni Kuya Charles.

Nakakaawa naman kaya kahit hindi ko alam kung kaya ko ba 'to ay sinubukan ko pa rin.  After fifteen minutes ay malapit ko na itong mabuo.  Hindi naman pala ito mahirap o baka dahil genius lang talaga 'ko.  Haha!

Anyway, one piece na lang ng puzzle at buo na ito kaso ay hindi namin mahanap ang natitirang piraso na siyang bubuo sa Mona Lisa na Jigsaw Puzzle na ito.

"Ah Dustin, since okay na 'yong puzzle siguro naman puwede na 'kong umuwi."  Sabi ko.

"Huwag ka munang umuwi.  Paano kapag nahanap 'yong nawawalang piece sinong magkakabit no'n?"
 
Nawindang ako sa sinabi niya, problemahin ba ang pagkabit ng isang pirasong puzzle piece?

"Pasensya na sa abala Ma'am ha.  Sige pwede na po kayong umuiwi."  Sabi ni Ate Neri, tapos napansin ko na ang sama ng tingin sa kanya nu Dustin.  Problema ng lalaking 'to?

"Pinagod at inabala niyo si Jen ang mabuti pa paki-handaan siya ng meryenda."  Utos ni Dustin kay Ate sinunod naman nito.

"Huwag na Dustin okay lang, uwi na lang ako."  Pagtanggi ko pero hindi nila 'yon pinansin.  Sa engrandeng dinning area nila ko kinain ang meyandang inihanda ni Ate.

"Gusto mo?"  Alok ko kay Dustin na kanina pa nakatingin sa akin habang kumakain ako ng cake.

"Huwag na, busog pa 'ko.  Thanks sa pagpunta ah."  Si Dustin Villaverde ba talaga siya?  Ang weird lang.  Una ay marunong na siyang mag-sorry tapos ngayon marunong na siyang mag-thank you.

"Wala 'yon."  Tugon ko at kumain na ulit habang pinapanood niya naman ako.  Nakakailang na ang pagtitig niya kaya naisip kong mag-bukas ng topic para may pag-usapan kami.  "Dustin ang laki nitong bahay niyo, bukod sa mga katulong ilan kayo na nakatira dito."

"My Dad, step mom and my half sister."  Sagot niya.  Gusto ko sana makilala ang kapatid niyang babae kaso tulog na daw.

"Jen may dumi ka sa bibig oh.  Ikaw talaga para kang bata kumain."  Aniya sabay kuha ng tissue at pinunasan ang dumi sa bibig ko.  Ibang-iba ito sa ginawa niya dati.  Pinunasan din niya noon ang marumi kong bibig pero isinungalngal naman niya sa bibig ko ang tissue.  Feeling ko tuloy ay ibang tao na ang nasa harap ko.  Parang hindi na siya ‘yong ex kong cold at masama ang ugali.

“Bakit, Jen, sobrang guwapo ko ba?”  Pagyayabang niya.  Sige na nga, guwapo ka na.  Pero hindi ko aaminin.

"Kapal mo ha.  Mas pogi pa rin bestfriend ko sa'yo?"  Nang sabihin ko 'yon ay bigla siyang sumimangot.  Kinabahan naman ako dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.  "Joke lang...  Oo na pogi ka na ikaw nga pinaka-gorgeous sa school di ba?" 

Sa kasamaang palad nanatili pa rin siyang nakasimangot.

"Umalis ka na nga."  Sabi niya na parang nagtatampong bata.  Sa pagtayo niya ay biglang nahulog sa sahig ang nawawalang jigsaw puzzle na kanina pa namin hinahanap.

"Teka, ito 'yon ah."  Sambit ko matapos pulutin ang puzzle piece.  "Dustin kanina pa ba 'to na sa'yo?"

"Oo bakit."

"Asar ka talaga!  Nahilo kami ng kakahanap nito tapos na sa'yo ng pala.  Kung nilabas mo na 'to kanina pa eh di sana nasa bahay na 'ko ngayon at mahimbing na natutulog.  Hay naku maka-uwi na nga."

Dustin Villaverde

Habang nasa biyahe pauwi ay nakatulog na si Jen sa balikat ko.  Hinayaan ko lang siya sa gano’ng posisyon ‘tapos ay hinawakan ko ang kamay niya.

“Sorry, Jen. Itinago ko ang puzzle piece para magtagal ka pa sa bahay. Gusto pa kasi kita makasama.”

PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.

GRAB YOUR COPY NOW!

When Miss Genius Gone MadΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα