63

612 28 1
                                    


Mag-iisang oras na kami dito pero masaya nang nagkuwekuwentuhan ang mga magulang namin. 'Yung Mama ni Junghwan, hindi nauubusan ng kuwento. Gusto ko din sana makinig, kaso kaming mga bata, naiwan sa tabi ng swimming pool.

Umuwi na kasi ang iba pang mga imbitado. Kami-kami na lang ang andito. Nagulat nga ako dahil hindi pa kami uuwi. Gabi na kasi at malayo pa sa'min.

"Tara. Gusto ko pa ng brownies. May mga reserba pa naman kayo sa loob diba?" Tanong ni Junghwan kay Jeongwoo na binubuksan na ang mga regalong natanggap niya.

"Meron, pero hindi ka ba mahihiya? Nand'on ang mga magulang natin. Tapos kukuha ka sa hindi mo naman bahay?" Tanong ni Jeongwoo.

"E kaya ka nga sasama sa'min. Ikaw na ang kumuha birthday boy." Tugon ni Junghwan habang hinihimas-himas ang buhok ni Jeongwoo dahil nakatayo na siya.

"Gusto mo lang ma-solo si Ree kaya gusto mo kami na lang ang kumuha." Pagdadahilan ni Yura.

"Tsaka baka may gusto siyang sabihin. Ayiie." Sambit ni Won.

"Kayo nga inuutusan ako kahit birthday ko!" Depensa ni Jeongwoo.

Basta ako, walang komento. Hindi magsasalita. Makikinig lang.

"Ang aarte niyo. Yura, Junghwan, Won, pagbigyan niyo na 'yang birthday boy." Sambit ni Kuya na tumayo na rin. Maayos man ang tono ng pananalita niya, halatado namang biro ang mga sinasabi niya.

Nanatili akong tahimik. Hindi naman ako nagtatampo o galit sa kanila, pero ewan. Bahala na. Kasama ko naman si Jeongwoo, ang crush ko.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now