33

647 33 5
                                    


"Naku Ninang, parang mga last week lang, nagkita tayo sa simbahan, tapos ngayon sasabihin mong ang laki na ng nilaki ko?" Tanong ni Junghwan kay Mama na kasalukuyang nakangiti.

Kumakain na kami ng hapunan ngayon. Niluto ni Mama ang paboritong ulam ni Junghwan, kasali daw kasi 'yon sa deal nila: papayag lang si Junghwan kapag ang uulamin namin ay 'yung gusto niya.

Nandito na din si Won, nadaanan kasi namin siya nang pabalik na kami sa bahay.

"Hindi naman kasi malaki na malaki na talaga, alam mo, 'yung may nagbago na? Dati nga nagkakasal-kasalan pa kayo ni Ree sa dati naming baku-"

"Ma naman. Dati nga e. Kaya dati. Hindi na ngayon!" Tumawa ang lahat sa naging reaksyon ko. Halos masigawan ko na si Mama dahil sa hiya.

"Talaga po Tita? So may asawa ka na ngayon Ree?" Pabirong tanong ni Yura.

Naghahanap ng kakampi, nilingon ko si Kuya sa tapat. Akala ko siya ang kakampi ko dito, 'yon pala ay pagtatawanan niya rin ako.

"Basta 'wag niyong gawin 'yon ngayon ha? Malalaki na kayo. Alam niyo na ang mga bawal."

"Yes po Tita!"

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now