Beautiful in white

11 1 0
                                        

🎶Not sure if you know this but when we first met I got so nervous I couldn't speak
In that very moment I've found the one and my life had found it's missing piece🎶

Nakatingin ako sa magandang mukha ng babaeng matagal ko ng gustong makasama habang buhay. Tila ba hindi na maubos ang aking mga luha na kanina ko pa pinupunasan. Hindi ako makapaniwalang matapos ang napakaraming pagsubok na aming pinagdaanan ay dito rin pala ang aming hantungan.

Ang mga taong mahahalaga sa amin ay nakangiti ring umiiyak habang kami'y pinagmamasdan. Ramdam ko ang kanilang simpatya sa aming nararamdaman. Naririnig ko rin ang malakas na tunog mula sa aking puso na animo'y gusto ng lumabas sa kanyang kinalalagyan.

Ito na yata ang isa sa mga araw na hindi ko malilimutan. Ang araw kung kailan ang taong mahal ko ay akin ng magiging ganap na asawa.

🎶So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white tonight🎶

Pinagmasdan ko ang babaeng nagpatibok ng aking puso. Ilang taon na kaming magkarelasyon ngunit parang wala pa ring nagbago sa kanyang itsura.Para bang hindi sya tumatanda.

Mahaba parin ang kanyang malambot na buhok. Ang makapal nyang kilay na lagi nyang itinataas kapag sya'y may pinagseselosan. Ang kanyang mapupulang labi na lagi nyang kinakagat kapag naiiyak sya dahil nagtatampo ako sa kanya. Ang noo nya na hindi gaanong malapad ngunit madalas naman nyang ikinukunot kapag ako naman ang may pinagseselosan at higit sa lahat, ang pinakapaborito ko sa kanya...ang kanyang matangos na ilong na lagi kong pinipindot kapag ako'y naglalambing sa kanya.

Habang pinagmamasdan ko ang babaeng nagnakaw ng aking puso ay naalala ko ang aming nakaraan.Kung paano nagsimula ang lahat at nahantong sa araw na ito na pinakainiintay naming lahat.

~~~~~~

"ANO BA,CHING!?Hindi ka ba titigil!?" naiinis na ako sa kakasunod ng babaeng ito sa akin!

"Titigil ako" seryosong sabi nya ng magkatapat na kami.Buti na lamang at wala ng tao sa corridor dahil baka kung anong isipin ng mga istudyanteng makakakita sa amin

"Kailan?" magkadugtong na yata ang aking kilay habang nakatingin sa babaeng sumisira ng araw ko

"Kapag minahal mo na'ko yiiiiiiiieeeee" bigla syang ngumiti at umaktong kinikilig pa habang sinusundot ang aking tagiliran. Napailing na lamang ako at naiinis na inaalis ang kamay nya sa bawat sundot sa akin.

"Pwede ba,Ching?!"

"Pwedeng ano?Pwede tayo na lang ganon?" nakangisi sya habang sinasabi iyon.Para syang bulateng kinikilig habang nagpapadyak pa ng paa. Parang sya lang din ang kinikilig sa mga pinag-gagawa nya. Naiinis na tinalikuran ko na lang ang babaeng baliw na iyon.

~~~~~~~

NARITO ako ngayon sa paborito kong lugar.Sa isang parke na kakaunti lang ang tao at maraming puno kang makikita. Nakasandal lamang ako sa puno habang nakaupo at tahimik lang na nakikinig ng music sa aking headset habang nagdodrawing sa sketchpad ko ng biglang may nagtanggal ng headset ko sa aking tenga.

Kumunot ang aking noo at sisigawan na dapat ang taong gumawa non ngunit nung aking sya'y tingalain ay si Ching lang pala

"Ano na naman?" napairap na lamang ako sa hangin habang matamlay kong sinabi iyon.

"Anong dinodrawing mo?" usisa nya pa at umupo sa tabi ko sabay silip sa iginuguhit ko.

"Pati ba naman iyon gusto mo pang malaman?" pagsusungit ko

Short Stories(How Song Defines Love)Stories to obsess over. Discover now