Chapter 7: Now I Know.

Start from the beginning
                                    

"Hindi" tsaka ko binawi yung kamay ko. Kumunot naman yung noo niya.

"Bakit?! Nasabi ko ----"

"-----minsan lang naman! Eto naman kung umasta parang boyfriend ko na!" namula naman siya sa sinabi ko at napa kamot ng batok niya. "Gusto ko talaga kasi maging kaibigan. Nasabi ko naman kung bakit 'di ba? Tsaka 'di ko na yun maiiwasan kasi katabi ko nga siya. Pansin ko ha, demanding ka! 'Di pa nga kita sinasagot eh."

Naglakad na ulit kami. Pero hindi na niya hinawakan yung kamay ko. Hahaha! Buti naman nahiya siya. ;D

"Para sayo naman yun ah! Para hindi ka na niya masaktan."

"Oo na po." Tinitingnan ko naman yung orasan sa cellphone ko, 6:45 na pala. "6:45 na. Uwi na 'ko"

"Hatid na kita."

"'Wag na, kaya ko naman. Hindi ako lumpo noh."

"Sigurado ka? Baka mamaya may mang-holdap sa jeep na sasakyan mo. Walang proprotekta sayo. Sige ka." katakot. Sobra. *insert sarcasm here* XD

"Sinong tinakot mo? 'Wag na kasi. Babye na."

"Ingat ka ah. Text ka kaagad pag kadating mo." itay ikaw ba yan?! XD

"Opo ITAY." nagsimula na akong lumakad papuntang sakayan ng jeep kaso hinabol niya naman ako at hinarap sakanya

"Hindi mo 'ko tatay" seryoso niyang sabi "BOYFRIEND mo AKO"

*tsup*

Hinalikan niya ako sa cheeks at tumakbo na siya palayo. Loko yun ah! Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Grabe! Kulit niya kasama! Nakasakay na ako ngayon sa jeep. Mahal taxi eh.

Ang dami nangyari ngayon. Clear na yung thing samin ni Zack. Except doon sa nililigawan niya. Hindi ko pa rin siya kilala. Siguro kaya nga ni Lucas palitan 'tong nararamdaman ko. Sana.

Biglang tumigil yung jeep kaya medyo napasubsob ako doon sa katabi ko. Ambaho pa naman! Ewwwness. Tiningnan ko naman yung sumakay, familiar yung uniform nung sumakay, lalake. Pag-upo niya, gwapooo! Hahaha! Landi much. Hindi seryoso, ang appeal niya sa uniform niya. Ay shete! Lagpas na 'ko! (>o<)/

"Para po! Para!" takte naman oh! Maglalakad pa tuloy ako.

Saang school nga yun? Aish! Nakalimutan ko na. Fortunately, wala naman nang holdap sakin kagaya ng sinabi ni Lucas.

"Pa, maaga ka yata?" madalas kasi late na siya nakaka-uwi dahil sa trabaho

"Magbihis ka na at kakain na tayo. Tawagin mo na din si Jenny." sungit ni pa! meron siguro? XD

Nagbihis na nga ako at pumunta na sa kwarto ni Jenny. Naisip ko lang, rebound ko ba si Lucas? Kasi 'di ba may nararamdaman na ako ki Zack, tapos sabi niya gagawin niya lahat para mawala yun. Pano naman yun? Aish! Matanong nga mamaya kila Riyel.

"Jen? Kakain na daw. Nasa baba na si papa. Jen?" pumasok na ako sa kwarto niya kaso wala pa naman pala siya kaya bumaba na 'ko

"Pa, wala pa yata si Jenny eh"

"Mauna na tayo. Halika na."

Umupo na ng kami sa dining table nang may kumatok sa gate namin

"Ate? Ate Mae! Pabukas naman." ayan na pala eh. Aba nauna pa 'ko sakanya umuwi!

"Buksan mo na Mae"

"Opo"

Lumabas na 'ko at pinagbuksan ng gate si Jen. May kasama pa nga siya eh, lalake, nakapants eh. Kaso 'di ko makita ang mukha niya kasi medyo madilim na.

"Jen sino yun?" sabi ko habang papasok si Jen

"H-ha? S-si ano . . ." lumabas naman sa dilim yung lalake

My Crush and My SeatmateWhere stories live. Discover now