Chapter 13:The Truth

116 3 5
                                    

Momo

"Wait, are you crying??"

"O-Obvious b-ba! Bwisit."

"You're really one weird girl. Umiiyak na nga ang sungit pa rin."

"Teka, s-sino ka-"

Tinanggal na yung pagkakatakip sa mata ko at tumambad ang isang mukha ng . . . sapatos.

"Can I get your number, now?" nakangiting sabi niya at naglabas ng isang panyo. Tinanggap ko naman. Nakakahiya itchura ko noh. Baka may mga uhog na ako dahil sa Lucas na yon.

"'D-Di ba sabi ko bukas nalang! Tatanong ko pa ki-" Doc, este Lucas. Tatanungin ko muna pala kung totoo yung mga sinabi ng mga ugok na yon. Mamaya nyan iyak ako ng iyak para lang sa wala. Sayang ng pa ng luha ko.

"Lucas?" dugtong niya. Tumango lang ako. Nararamdaman ko na kasing lalabas nanaman mga luha ko. Ano ba?! Nagkakarera ba tong mga luhang to??

"So dahil sakanya you're crying. "

I'm crying in front of a guy I barely knew instead na ki Niko na matagal ko nang kilala. May sapak ba 'tong isip ko??!

"Miss cute, upo ka muna."

"'Wag na. M-May *hik* naghihintay pa sakin. *hik*" hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. Ba't ba ki Nyke pa ko napadpad???

"Kung may naghihintay sayo, why didn't you go to him instead of just walking around the campus?" Sabi niya habang naka-upo at nakatingin sakin. "Base sa mga naririnig ko, you've always been so proud and strong. Takot nga ibang boys sayo level mo di ba? Now with all that facade gone, you can't let anyone see this vulnerable side of you. So you try to hide that side of yours from them. Tama ba ko?"

"N-Nakakainis ka!"

Nakilala niya lang ako kanina pero parang ilang taon niya na ako kilala sa mga sinabi niya. Now I look like a child hugging her knees and crying because her favorite toy got stolen by this guy in front of me. Ano ba yan! Napapasabak ako sa english eh. Ba't ba kasi inglesero ang isang 'to.

Nasense ko namang naglakad siya papalapit sakin kaya napatingin ako sakanya "Here." Anak ng! Alam mo yung distansya niya kanina sakin sa gym? Ganon nanaman ngayon. Pero ngayon, pinunasan niya mga luha ko gamit ng panyo niya.

"Don't cry, just be happy dahil natuto kang magmahal ng totoo dahil sakanya." Kaya naman pala nitong magtagalog eh.

"Thanks." Tumayo na ko at inayos ang sarili ko. Bruha na nga eh. Dagdagan mo pa ng mga uhog. "Kailangan ko ng umalis. Salamat ulit." Sabi ko at ngumiti saka umalis. Joke lang pala.

"Sabay ka nalang sakin. My car's outside."

"Wag na. Hinihintay ako ni Niko sa labasan."

"Then I'll just walk with you."

"Makulit ka rin eh."

"Gwapo naman."

"Mukha ka ngang sapatos sa gwapo eh" bulong ko sa sarili ko. Buti nalang bingi 'tong kasama ko.

"What??"

"Wala"

Kung titignan mo si Nyke, gwapo nga. Matangos ang ilong, maputi, at matangkad. Malaman este may muscles. Langya, kaya naman pala sama ng tingin ng iba kanina ah. Mlamang sikat rin siya kasi varsity player din siya sa volleyball.

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon