Chapter 9: One Happy Family?

184 1 0
                                    

Momo 

Kaya I have decided na ngayon ko siya sasagutin. Mabilis ba? Chapter 9 pa lang oh. Haha. Joke lang. If you ask me why now. . . .why later right? Haha. Naloloka nanaman ako. Excited lang talaga kasi ako. Siguro dahil first ko siya 'di ba? Wait

"Hello! Earth to Momo! Momo to Earth!" kasama ko pala si Riyel ngayon sa cafeteria. Tinamad kami mag-SM eh."Mukha kang ewan alam mo yun? Kanina pa ako dito dak dak ng dak dak 'di ka rin naman pala nakikinig." hala nagtampo si bestfriend ko. Haha.

"Uy tampo na yan. Sorry na. May iniisip lang kasi ako. Ano ba kasi yang sinasabi mo?"

"Ang sinasabi ko lang naman, kung gusto mo bumuo ng banda. Kasi 'di ba, tignan mo. Ikaw magaling kang kumanta. Ako naman magaling naman ako sa keyboard. Si Rhian pwede nang bassist. Kulang na lang sa atin drummer eh." nanuod nanaman 'to ng K-On kagabi.

"Pustahan! Nanuod ka nanaman ng K-On kagabi." sabi naman ni Ren. Si Rhian at Zack at Niko lang naman wala pa. Si Doc pa pala. Hehe.

"Pero Riyel, baka maging hassle pa yun sa'tin. Kasi ako magiging busy sa team. Si Rhian, alam mo naman yun, grade conscious. Ikaw, 'di ba may sinalihan kang club?" nakapout na siya ngayon. Haha. Alam niya kasing busy kami masyado.

"Pero, maganda din yun! Please! Pagnagustuhan ng madlang people ang performance natin,  gagawa tayo. Ano? Game?" 'di talaga 'to tumitigil dyan eh. Last year niya pa yan prinopropose.

"'Di ko talaga sure. Tanungin mo muna si Rhian. Kapag pumayag siya, payag na rin ako." mapapasubo ako nito

"Sure! Ayan na si Rhian oh!" at eto na nga siya. Mukhang good mood si Rhian ah. Yari tayo.

"Oh. Ba't ang tahimik niyo?"

"Ah, wala naman. Ikaw, ba't ang saya mo ata?" tanong ko sakanya

"Kanina kasi, kinausap ako ni ma'am. Tapos sabi niya . . . "

"Ano?"

"Candidate daw ako for honors! Kahit daw ang aga pa, keep it up lang daw." ang saya saya niya dahil lang dun. Grade conscious talaga oh. Pero hindi naman siya nerd. Haha. Slight lang. XD

"Talaga? Congrats. Uhm. May tatanong pala sayo si Riyel. 'Di ba Riyel?"

"Ay! Oo! 'Di ba gusto ko bumuo ng banda?"

"at kasali kami dun ni Momo at kulang na lang drummer. Sige na payag na ko."

"Talaga?! Seryoso?"

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGG!*

"Oo. Sige na. Bago pa magbago ang isip ko."

At umalis na nga kami. Hapon na pero absent pa rin si Doc. Yup, absent siya. Kanina pang umaga. Ewan ko nga kung anong nangyari dun eh. 'Di man lang nagpasabi. Teka, ba't ko ba yun prinoproblema???

"Lalim ng iniisip natin ah."

"Zack. Wala naman 'to."

"Si Lucas noh." ngumiti lang ako. Slight lang naman XD

"Miss mo 'ko noh!"

Napatingin naman kami sa likod. Abah, nagpakita na ang kapre. Shems. Narinig niya yung short convo namin ni Zack??? Napablush tuloy ako.

"Yieee namumula siya." piningot niya naman yung ilong ko.

"Che! Tigilan mo nga 'ko. Kararating mo lang nang-aasar ka nanaman."

"Hala ka Lucas. Tampo na si Momo." napatingin naman siya ki Zack nun na hindi naman sakanya nakatingin, kundi sa akin. Haha.

"Uy, 'di joke lang! Ito naman. 'Di na mabiro." siniko-siko niya pa ako. Haha. Okay tama na. Haha. Natatawa ako sa itsura ni Doc parang nagpapacute na 'di mo mawari.

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon