Chapter 1: Cute Face

1.1K 17 18
                                    

"Momo may importante akong sasabihin sayo."

"Ano yun Zack?" grabe! Ang romantic ng feeling!

"Alam kong masyadong mabilis pero . . ."

"HOY!!! GUMISING KA NA!!! ANONG ORAS NA?! DI KA PA RIN NALILIGO???"

(O_O)

(-__-)

"Opo, maliligo na po" yan na lang nasabi ko.

Nakakainis naman si mommy eh! Yun na eh! Ano kaya yung sasabihin sana ni Zack? (*o*)

"Ma, pwedeng wag mo na lang po ako gigisingin sa umaga?" para naman matapos ko yung panaginip ko!

"Para ano? Malate ka?! Kumain ka na nga dyan."

Makaalis na nga at baka mahuli pa ko. Baka naghihintay na din yung dalawang bruha. Panigurado late nanaman yung isa!

Nakarating naman ako agad sa school. Nakakamiss din pala 'tong school na 'to. (^.^)

"Bruha. Pasok na tayo?"

"PALAKANG BALIW!" bigla-bigla ka namang sumusulpot! =_=

"Makasalita naman 'to! Pasok na nga tayo."

"Nanggugulat ka ba naman. Lika na nga."

Andito kami sa may third year classrooms. Hahanapin pa kasi namin ang pangalan namin doon sa tatlong classrooms.

Third Year Leo

Wala. Pinagpapaiwasan ako nito eh. Wagas ba namang makipagtulakan 'tong mga taong 'to.

Third Year Gemini

1. Anna Batumbakal

2. Florida Austria

3. Diana Carino

Ok. Nasaan ako??? Nakakapagod din maghanap ah! Makipagsiksikan ka ba naman dito sa mga taong 'to!

14. Molly Mae Garcia

15. Hilary Kalokohan

16. Rhian Kateleen Molina

17. Julia Orosco

Sa wakas nahanap ko na! Fortunately, magkaklase kami ni Rhian! Habang tinitingnan ko pa kung sino magiging kaklase ko, natulak ako ng isang estudyante. Kala mo naman kasi kasali sa sumo wrestling! (>o<)

"ARAY NAMAN!!!" sigaw ko. Natapakan yung paa ko eh! (T_T)

(O.O)

"Sorry, may nanunulak kasi sa likod ko. Ok ka lang? . . . Garcia?"

Si cute face!!! (>/////<)

"A-Ah eh. O-Ok lang ako"

"Okay. Sige hanapin ko pa section ko."

". . ." tumango na lang ako

Nung makaalis na siya, pumunta na ako ki Rhian. Asan na nga ba yun?!

"Oh? Ano na? Nakita mo na ba pangalan natin dun?" nagsusungit nanaman 'to oh!

"Ang sungit nito. OO at magkaklase tayo." NR lang siya. "Huy! Sabi ko-"

My Crush and My SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon