29. Squeeze my hand

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hindi ako sumuko, Hermes. Ipinaglaban ko hanggang sa huli ang mama mo – it’s just that – it was her time. But I never let her go. And that’s what you have to do, Hermes. Nina is fighting. She is cause if she’s not – wala siya diyan ngayon at wala tayo dito ngayon. Fight with her, son. Make her feel that she’s not alone.”

“How can she ever feel that, Pa? Ni wala siyang galaw.”

Tumingin sa akin si Papa. Napangisi siya. He sighed after and tapped my shoulder again.

“Why do you think I go to your mom’s grave every day?”

Hindi na ako nag-isip. Alam ko na agad kung bakit siya nagpupunta doon araw-araw. It’s because Papa didn’t want mama to feel alone. Lalo akong humanga sa kanya. I realized that my father is a strong man – no matter how weak he is now inside because of our loss – nakakatayo pa rin siya. Naalala ko noong bata ako – I wanted to be like him. And that’s what I should be doing now, I should be like my father. Kahit na bagyo na ang pinagdaanan, nananatiling nakatayo.

“You’re not alone, Hermes. You have us – your family and our angel in Italy. She is watching over you.” Tumango na lang ako. Muli kong tiningnan si Nina. She was still asleep. I wonder if she could really hear. Naalala ko na ganoon si Mama noon, tuwing kinakausap namin siya ay itinataas niya ang index finger niya bilang sagot. Kung gagawin ko ba iyon kay Nina ay sasagot siya?

Hindi nagtagal ay dumating na si Hera kasama si Hades at si Artie. They all greeted Papa matapos iyon ay kumandong sa akin ang anak ko.

“Papa, pwede ba ako sa loob? Karga mo ako…” Nakangusong wika niya. Tumango naman ako. Bawal ang bata sa ICU pero kasama naman niya ako at sandal lang kami. Gusto ko rin na malaman ni Nina na nandito ang anak namin.

Noong nakaraang araw ay tinawagan ko ang Mama ni Nina para sabihin ang nangyari sa kanya. Umiyak ang mama niya pero malinaw na sinabi nita sa akin na hindi niya kayang makita si Nina sa ganoong sitwasyon. Noong araw na iyon ay si Nita ang pinapunta niya para sumilip. Hindi rin naman siya nagtagal at umalis na rin. Hindi ko siya kinausap – hinayaan ko na lang siya na tingnan ang kapatid niya. She was crying. Sabagay, kapatid niya rin si Nina kahit na paano – mahal niya rin si Nina.

Nasa bisig ko si Artie habang papasok kami sa loob. Tumabi kami kay Nina. Artie was just looking at her with so much longing in her eyes. Napakapit siya sa balikat ko.

“Mama, kailan k aba tatayo diyan? Sobra na iyong rest mo, baka di ka na maka-sleep!” Artie even hissed. Nagulat ako nang maya-maya ay umiiyak na siya. “Papa, alam ko may sakit siya napanood ko sa tv iyong babaeng kamukha ni Mama madami din siyang ganyan tapos tulog tapos namatay. Mamamatay na ba si mama?!” Humikbi siya. Yumakap siya sa akin. I hope – I really hope that Nina could hear us – alam kong ayaw niyang nahihirapan si Artie. Ayaw niyang umiiyak ang bata kaya alam ko na gagawa siya ng paraan para dumilat.

“You heard that, babe?” I asked her. “Artie misses you. I miss you so wake up.” Inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon. “Squeeze my hand if you can hear me, babe. Please…” I was almost pleading. I was waiting with so much anticipation. Pipisilin niya baa ng kamay ko? Didilat na ba niya ang mga mata niya? I was praying so hard – I waited and waited but there was no response. I just sighed.

“Nina… came back, babe…”

------------------

“Again, her vitals are normal. The swelling have stopped pero namamaga pa rin ang parteng iyon ng utak niya but the medications are helping her.”

Mataman lang akong nakikinig sa dalawang doctor na nakatayo sa harapan ko. Danelle Varres was standing beside me. Sa kaliwa niya ay ang renowned neurosurgeon Nathaniel Varres – siya ang doctor ni Nina. The hospital are giving my wife the best care she could ever have. Malaki na daw ang improvement ni Nina. Inilabas na siya ng ICU at nasa private room na siya ngayon. Halata na rin ang umbok ng tyan niya.

Who you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon