CHAPTER 3

22.3K 472 5
                                    

"Anak, isa na lang akong elemental spirit ngayon. Kaya ikaw lang ang nakakakita sa akin dahil isa kang elemental ... isang tao ang iyong ama pero patay na siya noong ipinagbubuntis pa lang kita. Pinatay siya ng mga rogue. Hina-hunting naman ako ng mga hunters para patayin. Tumakas ako at kung saan-saang lugar ako ng Europe napadpad para maging ligtas ka ... tayong dalawa, ikaw na lang kasi ang tanging alaala na iniwan ng iyong ama sa akin. Kamukhang-kamukha mo siya, Avery ... Isang matandang babae na may magandang loob ang kumupkop sa akin. Isa siyang white witch. Apat na buwan mula ng ipinanganak kita, nalaman ng mga rogue at hunters kung nasaan ako. Pinatakas ako ng white witch pero naabutan ako ng isang hunter,ginawa ko ang lahat para mailigtas kita. Nanghihina na ako at duguan. Mabuti na lang at nakita ako ng mag-asawang kumukop sayo at nagpapasalamat ako na pinalaki ka ng maayos ..." Hinaplos nito ang kanyang buhok.

"Bakit po gusto tayong patayin?" Tanong niya at hindi niya napigilan ang pagtakas ng kanyang luha.

"Dahil sa kakayahan na meron ang isang elemental,anak. Isa akong Earth elemental, kaya nitong kontrolin ang halaman o bato dito sa lupa. At tayo ang mga taga protekta ng mga taong-lobo. Alam kong hindi ko maintindihan pero sa oras na dumating ang tamang panahon ay maiintindihan mo rin ang lahat." Hinalikan siya nito sa noo.

"I-ina ..."

"Paalam, anak. Magpakatatag ka. Marahil ito na ang huli nating pagkikita ... mahal na mahal kita, Avery ..."

At unti-unti itong naglaho sa hangin.

Hindi alam ni Avery kung ilang oras na siyang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto. Napukaw na lang siya nang may kumatok sa kanyang kwarto at pumasok ang kanyang ina.

Mula ng magkausap sila ng kanyang totoong ina ay naging matamlay siya.

"Anak, okay ka lang ba?" Tanong nito at umupo sa gilid ng kanyang kama. "Ilang araw ka ng parang wala ka sa sarili mo. Nag-aalala na kami ng papa mo. Ano bang problema?"

Umiling siya. "Wala po, Ma. Okay lang po ako."

Muli siyang tumitig sa kisame. She heard her mother sighed. "Papasok ka ba ngayon?" Tanong nito.

"Hindi po, Ma. Wala akong gana. I feel I'm not in the mood. Maybe I'll absent today." She said and closed her eyes.

"Pero bukas, papasok ka ba?"

Avery nodded her head. "Yes, Ma."

"Okay. Oo nga pala. Ito ang pinapabili mong sketch pad sa papa mo. Ilalagay ko dito sa bedside table mo."

"Thank you, Ma."

"Sige, bababa na ako. Kapag nagutom ka,bumaba ka na lang para kumain, okay?" Harley kissed her forehead.

"Okay."

Nang narinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng kanyang kwarto ay iminulat niya ang kanyang mata. Bumangon siya at kinuha ang sketch pad na nasa bedside table niya. Habang hawak ang pencil ay ipinikit niya ang kanyang mata at inalala ang buong detalye mg mukha ng kanyang tunay na ina. Si Amanda. Kusang gumagalaw ang kanyang kamay para iguhit ang mukha ng kanyang ina. At nang matapos ay nagmulat siya ng mata. Tinitigan niya ang naiguhit niyang mukha ni Amanda.

"I-ina ..."

Pumatak ang luha niya.





"PAPASOK ba siya?" Tanong ni William kay Harley.

Umiling si Harley at napabuntong-hininga. "Ano bang nangyayari kay Avery? Ilang araw na siyang parang wala siya sa kanyang sarili."

And William sighed. "Nagsimula lang naman yun noong sinabi niya ang tungkol sa matandang babae."

Nangalumbaba si Harley at tumingin kay Dorris. "Dorris, kapag hindi lumabas si Avery sa kwarto niya, please, pakihatiran siya ng pagkain."

MATE OF THE WEREWOLF KING (Incomplete)Where stories live. Discover now