Chapter 2: Meet my Best friend

Start from the beginning
                                    

"And if 'di mo mapagbigyan si Ms. Kim...si Daddy na lang ang kakausap sayo, ayaw mo nun diba?"mas nagulat pa ako sa mga binitawan nyang salita ngayon.

Pinagbantaan ba nya si Proffesor nang dahil lang sakin?

Bigla akong napatingin sa kanya at ginalaw ko ang ulo ko nasign na tumigil na sya, pero sa katigasan ng ulo nya kinindatan nya na lang ako at bumalik ulit ang tingin nya kay prof.

'Di talaga ako makapaniwala sa mga pinangagawa nya ngayon, nagawa nya narin ito sa mga nambully sakin noon, pero iba na ito eh, si professor na ang kinakalaban nya. Pero magugulat pa ba ako eh anak lang naman din sya ng pinakamayamang negosyante ng bansang ito na kaibigan pa ni Lolo, pero pinakiusapan ko si Sora na isekreto niya na dito ako nagaaral dahil alam nya lahat ng mga pinagdaanan ko. Best friend since birth kaya kami nito, at ito pa ang sweet na ginawa nya para sakin sinundan pa nya ako dito sa school na ito at dito pa sa public ah at tinulungan n'ya rin kami ni Bon-bon sa mga expenses noong naghahanap pa lang ako ng trabaho magpahanggang ngayon pa din. 'Di talaga ako makapaniwala sa mga ginawa nyang iyon, mahal na mahal talaga ako ng best friend ko na'to. Tinuring ko na rin syang kapatid ko at parehas pa kaming fan ng bts kaya mas lalo pa akong napalapit sa kanya. Kapag palagi akong umiiyak dahil sa mga pangyayari sa buhay ko sya lang lagi ang nasasandalan ko. Kaya I'm so blessed to have her too.

"Ano po, Mr. Kim?"

Nagising na lang ako sa katotohanan nang magsalita ulit si Sora at nandito parin ako nakastuck sa kanilang dalawa at di alam ang gagawin. Nakita ko na lang na nanginginig at pinapawisan na si Mr. Kim, I know the reason na kung bakit sya nagkakaganyan. Of course takot lang naman sya sa Dad ni Sora kasi may atraso sya noon sa kanila, business related, sikreto na namin iyon.

"Both of you...p-please take your seats."

Makakaupo narin sa wakas.

Napatingin ulit ako sa kinatatayuan ni Sora then I mouth her saying ''Thanks!"

Kinindatan nya na lang ako as a sign of welcome sabay ngiti at umupo na kami. Nagpatuloy na rin si prof. Nam sa lesson na naudlot dahil lang sakin. Napansin ko rin kay Mr. Nam na nauutal sya sa pagsasalita at napatawa tuloy ako ng marahan para di nila marinig, napatingin ako kay Sora na tumatawa din pala, nagkatinginan tuloy kaming dalawa at nagsimula ng magtawanan na parang mga baliw.  Bigla itong narinig ni prof. Nam, "Ano yung naririnig ko?!" Napahinto kaming dalawa at tumigil na baka dito na talaga kami magkakaroon ng detention.

*After class

"Hana!"bigla na lang tinawag ni Sora ang pangalan ko mula sa kinauupuan nya, kakabell lang it means uwian na namin kaya inayos ko na ang gamit ko ganun din si Sora. Pagkatapos n'yang magayos pinuntahan n'ya agad ako at inipit sa napakahigpit niyang yakap na kala mo ilang linggo ng di nagkikita, eh ang last na magkasama kami ay kahapon lang.

"Tara, sumabay kana sakin ngayon. Sunduin na natin si Bon-bon!"

"Hindi, umuwi kana baka magalala pa ang Dad mo sayo."

Ito kasing Dad ni Sora o si Tito Eman napakastrikto sa kanya lalo na kapag late s'ya umuwi at kapag may nahuli s'yang may kasamang lalaki si Sora. Lalo na nung last time na kasama n'ya  yung classmate n'yana lalaki para gumawa ng project, nahuli sila ni Tito Eman na magkasama nung bumisita sya dito sa school at akala nito magkasintahan ang dalawa. Nagulat na lang ako nang biglang hinila ni Tito si Sora para umuwi na at di na ito nagpumiglas pa baka mas lalong gumulo. 'Di ko na rin natulungan si Sora kasi nasa alanganin ang sitwasyon ko ngayon, kapag nagpakita ako kay Tito baka sabihin n'ya ito kay Lolo, kaya nagtago na lang ako that time. Pero ipinaliwag na ni Sora ng maayos kay Tito kaya okay na sila. At meron pa, noong dismiss na ang klase namin at umuwi na kami, nagyaya si Sora na magshopping kaming dalawa at para na'rin bumili ng bts merchandise. Sa pagkakataon na iyon 'di pala nakapagpaalam si Sora sa Dad n'ya, kaya ayan grounded sya ng ilang days.

"Don't worry, nagtext na ako kay Dad ngayon na late na'ko makakauwi kasi mamamasyal ako with a friend and that is you and Bon-bon. Day off mo naman ngayon diba kaya perfect timing lang 'to para makapagbonding naman tayong tatlo!"masaya n'yang sabi habang hawak-hawak n'ya ang phone n'ya at pinakita sakin ang text message.

"Sige na nga, basta siguraduhin mo lang na 'di ka na naman mapapagalitan ni tito Eman."

"Of course Sis! For sure magugulat ka mamaya sa surprise ko sayo! Let's go na!"she grin at me like a crazy young lady. Napatawa na lang ako sa kanya sabay hawak n'ya sa braso ko at hinila n'ya na lang ako papunta sa kotse n'ya pero may sarili s'yang driver.

Ano na naman kaya ang surprise sa'kin nito. Pero 'di na ako magugulat, baka bts merchandise lang 'yan.napatawa na lang ako sa kanya habang papunta na kami sa school ni Bon-bon.


SORA'S POV

"Hana!"mahina kung tinawag ang pangalan n'ya sabay kalabit sa braso nya.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala d'yan." Medyo nagulat s'ya sakin, 'di naman napalakas ang pagkasabi ko, malalim ata ang iniisip n'ya ngayon.

"Okay lang ako!"mabilis n'yang pagkasabi sakin at binigyan n'ya na lang ako ng medyo pilit n'yang ngiti. Tungkol na naman ata ito sa lagi n'yang napapanaginipan kaya s'ya nalate kanina.

"Sabihin mo nga sakin, bakit ka na naman nahuli sa klase kanina? Dahil na naman ba'to doon sa lagi mong ikinikwento sa akin na panaginip about jeongguk?"
Mahinahon kong tinanong sa kanya.

Alam kong nagdadalawang-isip s'ya kung sasabihin ba n'ya o hindi kasi alam ko na ang mga sasabihin n'ya at isa lang naman din ang sasabihin ko sa kanya kung bakit lagi n'ya syang napapanaginipan at dahil obsessed lang talaga kaming dalawa sa bts kaya pati sa panaginip nakikita n'ya si jeongguk.

"Oo, tama ka. Napanaginipan ko na naman si Jeongguk kanina...pero kasi pagkagising na pagkagising ko nakita ko na lang na umiiyak ako at parang totoo ang mga nangyari eh, ewan ko..basta, napasobra lang ata ako sa kapapanood ng mga mv's nila."

'Di na ako nabigla pa sa mga sinabi nya, napatawa na lang tuloy ako. "Uy, ano ba? Yan ka na naman eh, pinagtatawanan mo na naman ako dahil ba sa tingin mo nababaliw na 'ko?!"

Naiinis na s'ya sakin kaya bumalik ulit s'ya sa bintana para tumingin sa labas at binabalewala ang mga tawa ko. Pero inaasar ko lang naman sya eh.

"Hana nagbibiro lang naman ako! Sorry na. Seryosong- seryoso ka kasi d'yan, ngumiti ka naman at kalimutan mo na yang mga panaginip mo. Nakakapangit ang mastress lalo na kung panaginip lang ang dahilan." 'Di na s'ya nagsalita pa at ang sinagot nya na lang sakin ay ang mga ngiti nya kaya niyakap ko na naman s'ya ng mahigpit.

"S-sora, dahan-dahan naman papatayin mo ba ako sa sobrang higpit ng yakap mo!" Sabi n'ya sakin pero binalewala ko lang ang mga sinabi n'ya at tuloy parin sa pagyakap sa kanya.
"Bakit kasi sobrang cute mo!"ngumisi kong sabi sa kanya, habang ito'y iritang-irita na.

'Di moko rin masisisi, I just can't resist your cuteness my best friend!

Protect Him: As A Fan? Or As An Ordinary Girl?   (STILL ON-GOING & EDITING)Where stories live. Discover now