By the way, bumili pala ako ng mga souvenirs para kay Pempem at sa mga sisters niya. May T-shirt na may print na 'I love Boracay' at mga key chains. At binilhan ko rin si Brent ng isang pendant pero hindi ko pinaalam sa kanya. Balak ko kasing ibigay sa birthday niya kasi malapit na ang birthday niya. Magpapatulong ako kay Manang. Palihim akong gagawa ng cake. Kailan kaya siya magiging busy? Bumangon ako mula sa pagkahiga at binalingan siya.

Tumikhim ako. "Brent, magiging busy ka ba pagbalik natin?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Well, sort of. Pero may oras pa naman ako sa iyo. Ayaw mo bang maging busy ako? I can reschedule my meetings if you don't like."

Nanlaki ang mata ko dahil kaya niya iyon gawin. Pero hindi ako gano'n na girlfriend. I am the understanding one. Hindi ako clingy at hindi rin ako masyadong obsess kasi hindi naman kapag may girlfriend, sa girlfriend na lahat ng oras. Hindi ako gano'n.

Umiiling ako at mahinang tumawa. "Of course, hindi! You can do whatever you want!"

"Then, why are you laughing? You want me busy because?" Niliitan niya ako ng mata.

"Huh? I didn't say that!" maang-maangan ko. "Nagtatanong lang ako so that I can go to Pempem! You know, I bought some souvenirs for her and for her sisters kaya pupunta ako sa kanya kapag busy ka!"

"Tsk!"

Nilagay niya ang newspaper sa gilid niya bago tumayo at naglakad patungo sa akin. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko. Nang nakaupo si Brent ay nilagay niya ang kanyang kamay sa likuran ko at hinapit ako nang marahan palapit sa kanya. He rested his chin on my shoulder at naglakbay ang kanyang kamay sa aking kamay. Kinuha niya ito at pinagsalikop. Napalunok ako dahil sa kanyang ginawa.

"Being your boyfriend was once my dream, Louise, at ngayong akin ka na, hindi na kita ibibigay sa kanya," seryosong sambit niya.

"You're quite territorial," biro ko.

"Yes, that's what I am. Ayaw mo ba sa gano'n?" mahinanong tanong niya.

"Ikaw naman iyan..Bakit hindi ko magugustuhan? Ikaw naman ang gusto ko ngayon." Ngumuso ako.

"Then, can we kiss?" mahinahong tanong niya.

Namula ako sa tanong niya. Napalingon pa ako sa paligid at nakita ko na may tao. Hindi ko maiwasan ang mahiya.

"May tao eh..." nahihiya kong sabi.

Lumayo siya sa akin at pinisil ang ilong ko. Tumayo siya at nginisian ako. "I have a solution for that, though."

Napasinghap ako nang nakita ko na hinawi niya ang kurtina at sinara para tuluyan kaming matakpan

"Don't come in here, Rolan," mariin niyang sinabi sabay lapit sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na't nakita ko sa kanyang mga mata ang pananabik. Hindi na kami kita at sigurado ako na mangyayari na ang gusto niya. Lumuhod siya sa harapan ko at sinandal ang kamay sa likuran ko. Kahit nakaluhod siya, matangkad pa rin siya sa akin. Napalunok ako.

Napasinghap ako nang kinuha niya ang binti ko at inilagay niya sa kanyang bewang at saka niya inilapit ang katawan sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at inilapit sa kanya.

"I will kiss you."

At napapikit ako nang siniil niya ako ng isang marahan na halik. Inilagay ko ang aking mga kamay sa likod ng kanyang leeg. Tumugon ako sa kanyang halik kahit hindi ako masyado marunong. Ang kanyang mga halik ay bumaba sa aking leeg at doon niya ako hinalikan kaya napatingala ako at mahinang napaungol.

Naghahabol ako ng hininga at napakapit nang husto sa kanya. Ang kanyang isang kamay ay humaplos sa aking binti pataas hanggang sa nakarating sa ilalim ng shorts ko. Natigilan ako at parang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa kanyang ginawa. Tumigil din siya nang napansing tumigil ako. Namula ako at saka napayuko sa hiya.

"Why? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya at sinilip ako.

"G-Gusto ko..." nanginginig kong sagot. Kinagat ko ang labi ko dahil ramdam na ramdam ko ang init ng aking katawan dahil sa kanyang ginawa. "P-Pero m-may t-tao sa plane. Hindi natin iyan gagawin dito."

Natigilan ako nang humalakhak siya. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko na malaki na ngisi niya sa akin at napadila pa sa labi.

"B-Bakit ka tumatawa?" nanlulumong tanong ko.

"Baby..." Tumatawa pa rin siya. "What are you thinking?"

Nag-init ang pisngi ko sa tanong niya.

We can't just do it here!

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sa sobrang hiya.

"Oh...my baby is so cute..."pang-aasar niya sabay yakap at halik sa pisngi ko. "Alam ko kung ano ang gusto mong iparating. And we are not gonna do it here, baby...Relax. I was just kissing you and touching you a little bit. But I am not going to do that with you if you're not ready, okay?" Hinawakan niya ang mukha ko para magtama ang tingin namin. "Relax, gagawin lang natin iyon kapag ready ka na. You can't just give yourself to me. Hindi iyon ang habol ko. We can do it naturally. Walang pilit at gustong-gusto natin, okay?"

Tumango ako at napatingin sa kanya. "Nakikiliti kasi ako..."

Bumuntonghininga siya at saka ngumuso."Me too, baby. If I can just make my buddy steady, shit! You're making me turn on always!"

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

"Never mind." At hinalikan niya muli ako.

Nang nakauwi kami ay nagpahinga na ako sa kwarto. Pero ang paghinga ko ay hindi nangyari. Tili at pagpapadyak sa kama ang tanging ginawa ko. Hindi ko akalain na mangyayari ito sa buhay ko. Ngayon lang ako naging masaya ulit at sobrang blessing sa akin si Brent. Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko at mahinang tumili. Parang nagbalik ako sa high school. Napailing na lang ako at sinubsob ang mukha sa unan.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Where stories live. Discover now