Kabanata 25

45.1K 2K 83
                                    

BABY

Umawang ang labi ko nang tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakita ko ang pamumula ng leeg ko kung saan kinagat ni Brent. Hindi ko maiwasan ang mamula sa nakita. Unti-unti kong inilapat ang isang daliri ko roon at pinakiramdaman ito. Napangiwi ako nang nakaramdam ako ng kaunting hapdi. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aming kwarto at nakita ko ulit si Brent mula sa salamin. Nang napansin niyang nakasimangot ako ay nilapag niya sa lamesa ang dala niyang lotion at lumapit sa akin.

“Why?” tanong niya at napasinghap ako nang yumakap siya mula sa likuran ko at nilagay ang ulo sa kanang balikat ko.

Kaming dalawa ay nakatingin na sa salamin. Nang magkatinginan kami roon ay mas lalo lamang akong namula.

“Bakit ka nakasimangot?” tanong niya at hinalikan ang balikat ko.

“Pumula ang leeg ko,” ani ko at kinagat ang ibabang labi. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga na mas lalo lamang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

“And then?” Mas lalo siyang sumiksik sa leeg ko kaya hinawakan ko na ang braso niyang nakapulupot sa akin.

“W-Wala lang. B-Bakit mo ginawa iyon?” inosenteng tanong ko.

Mahina siyang natawa habang hinahalik-halikan ang balikat ko.

“None. Palatandaan lang iyan na akin ka na. Para wala nang lalapit sa iyo na ibang lalaki habang nakasuot ka ng ganitong kaganda at ka-seksing panligo.”

“Palatandaan?” nagtatakang tanong ko habang pinagmamasdan siya sa salamin.

Nag-angat siya ng tingin sa salamin kaya nagtama ang tingin namin. Ngumiti siya sa akin at mabilisang hinalikan ang kanang pisngi ko bago kumawala sa yakap.

“Yup,” sagot niya at bumalik na sa kama niya. “That’s a kiss mark, baby.”

Sumimangot ako at nilagyan na lang ng band aid ang leeg kung saan niya ako kinagat. Nang nakalabas na kami ay mukha akong bata na nagdadala ng floater samantalang si Brent ay hawak ang kamay ko habang papatungo kami sa dalampasigan.

Napalingon ako sa paligid at napansin ko na sobrang dami palang tao rito. Hindi ko akalain na ang Boracay ang unang mapuntahan ko kasama si Brent. Sandali kong nakalimutan ang totoong dahilan kung bakit kami narito. Huminto kami sa nakatayo na surf board na kulay dark blue na may disenyo na niyog. Binitiwan niya ang kamay ko at lumapit doon.

“Mag-su-surfing ka? Alam mo kung paano iyon?” mangha kong tanong.

Tiningnan ko ang mga naliligo. Meron ding nag-surfing sa malayong parte at kitang-kita ang mga malalaking alon.

“Yup, I am more than just Brent,” proud niyang sambit at kinindatan pa ako.  

Ngumiti na lamang ako at naunang tumakbo patungo sa may sea shore. Inilapag ko ang floater doon at nilingon si Brent na nakatingin na sa akin.

“Maliligo na ako. Enjoy your surfing…baby,” mahinang pagkasabi ko sa huli pero sadyang malakas yata ang pandinig ni Brent dahil narinig niya pa rin.

“Can you say it again?” tanong niya habang naglalakad patungo sa akin.

Umiling agad ako sa hiya at itinulak ang floater palayo.  

“Narinig mo na iyon, eh,” nahihiyang wika ko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa napunta na ako sa malalim na parte.

Naramdaman ko ang kanyang pagsunod kaya kinakabahan ako. Sinabi ko na iyon, eh, at alam ko na narinig niya iyon. Nang nilingon ko siya ay salubong na ang kanyang kilay at mabilis ang paghakbang niya dahil na rin sa matangkad siya.  

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon