Chapter Forty

15.7K 405 22
                                    

Chapter Forty: The war and her Sacrifice

'Czaqary's pov'

Naalimpungatan ako ng may marinig akong mga pagsabog... Kaya dali dali akong lumabas ng silid at tinungo ang aking mga kasamahan...

"Nagsisimula na sila!!!!..."- sigaw ko kaya agad naman silang lumabas ng silid...

"A-ano kamo?"- tanong ni Volt..

"Nagsimula na ang digmaan.. Maghanda na kayo... Please mag-iingat kayo... Siguraduhin niyo na matapos ang laban na kompleto parin tayo. Naintindihan niyo?!"- pasigaw kong sabi at agad naman silang tumango...at kanya kanya ng pasok ng silid nila upang maghanda...

"Please , Daniel. Para sa akin at sa pamilya mo mag-iingat ka ha... Magpakasal pa tayo..."- sabi ni Ice sa akin habang tumutulo ang luha...

"Ikaw rin, Ice. Ipangako mo sa akin na mag-iingat ka.."- sabi ko at niyakap siya ng mahigpit at hinalikan sa labi..

"Pangako..."- sabi niya... At umalis na...

Bathala gabayan po ninyo kami. Huwag po ninyong hayaan na manalo ang kasamaan...

'Third person's pov'

Lumabas na sa dorm ang mga royalty at nakasuot na ito ng armor suit... Hindi pa tuluyang nabasag ang barrier dahil napalakas nila ito gamit ng itlog na binigay ni Dragonia... Patuloy pa rin sa pagpasabog ang mga black sapphirian..

Sa Palasyo naman ay inatake na sila ng Black Sapphirian. Ang bawat kaharian ay kanya kanyang protekta sa kanilang sarili at sa mga tao na nakapalibot dito... Nagtulong tulong na rin ang bawat tribo..

'Dannaya's pov'

Nagsimula na ang digmaan at oras na rin para kumilos ang aking mga ka alyansa...

Agad akong nag teleport sa Dragons Realm...

"Queen.."- sabi ni Draco ang namuno sa mga Dragons at asawa ni Dragonia...

"Nagsimula na ang laban, Draco. Kaya maghanda na kayo.. Protektahan ninyo ang Diamond kingdom. Ang aking tahanan.. Ngunit siguraduhin din ninyo na walang mamatay ni isa sa inyo..."- sabi ko sa kanila...

"Masusunod, Queen.. Kayo rin mag-iingat kayo..."- sabi ni Draco...

"Maraming salamat at pumayag kayo na maging ka Alyansa ko, Draco at karangalan ko na naging inyong Reyna... Mag-iingat ka naghihintay sa iyo si Dragonia.."- bilin ko sa kanya at nag teleport na papuntang Wolves Realm...

"Magpigay pugay sa mahal na reyna.."- sabi ni Wolverine...(sorry🤣)

"Salamat.."- ani ko...

"Anong aming maipaglilingkod sa iyo, Queen?"- tanong nito...

"Kailangan ko na ang tulong ninyo.. Nagsimula na ang digmaan sa ating daigdig at nais ko na inyong protektahan ang Earthious kingdom."- sabi ko sa kanila...

"Wala pong problema, Queen. Nakahanda na kami sa para sa digmaan... Kaya makakaasa ka sa amin. Lalaban kami hanggang kamatayan..."- sabi nito...

"Maraming salamat. At hangga't maaari wala sanang mamatay sa inyo... Hanggang sa muli...."- sabi ko at nilisan ang kanilang realm at ang sunod kong pinuntahan ay ang may pinakamalaking populasyon sa mundo ng animal realm... Ang mga bampira...

"Nagbalik ka aming reyna.."- sabi ni Albino...

"Ngayon ko na kailangan ang tulong ninyo.. Pero Albino ang inyong patayin ay ang mga black Sapphirian hindi ang light mages nagkaintindihan ba tayo?!"- tanong ko dito na may halong banta sa tinig... Baka kasi matukso sila sa dugo ng light mages...

Sapphire Diamond academy: The Long Lost Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now