Chapter Thirty-seven

14.7K 341 5
                                    

Chapter Thirty-seven: The truth

'Dannaya's pov'

Maaga akong ginising ni Agua dahil hindi na daw nila ako nakita kagabi kaya nag-alala na sila... Kaya ngayon habang nag agahan kami ay tinadtad ako ng tanong....

"Dannaya, bakit ka ba bigla na lang umalis kagabi?"- tanong ng reyna.. Hay yan din ang tanong ni Agua sa akin kanina...

"Kasi po ahm na bored ako eh..."- at nasaktan na rin... Hay

"Ganoon ba? Sana nilapitan mo ako..."- sabi ulit ng reyna...

"Oo nga naman. Sana tinawag mo kami.."- singit naman ni Airiella..

"Hello nag i-enjoy na kayo noh.. At ayos lang naman. Hindi naman talaga ako mahilig sa party.."- sabi ko...

"Bakit ba big deal sa inyo ang pag-alis sa babaeng yan ha?!"- tsk. Sumabad pa...

"Stop it.. Act like a princess , Czaquia.."- saway ng hari...

"Kasi naman , dad. Tapos na yun and now big deal sa inyo? Hindi naman siya importante ah.. Hindi natin siya ka ano-ano..."- tsk... Para namang kadugo siya ng hari at reyna...

"Czaquia! Ganyan ka ba pinalaki sa mga naka ampon sayo? Hindi ka ba tinuruan nila ng good manners and right conduct? Kung ganoon sana man lang sa paaralan mo ito natutunan.."- galit na wika ng hari...

"Mas mabuti pa na bumalik ka na sa academy, Czquia."- sabi naman ni tita..

"What?! Ako ang anak tapos ako ang pinagtabuyan? How dare you ! Ikaw na babae ka inagaw mo na lahat pati mga magulang ko...!!"- nagwawala na hahaha...

"I don't know what are you talking about... Tsk.. Attention seeker.."- sabi ko dito na lalo pang nagwawala..

"I said stop it... Para kang hindi prinsesa.. Go back to your room. Now!"- sigaw ng hari...

Agad namang tumalima ang baliw na impostor.. Kaloka tong babaeng to ang aga aga....

"Pasensya na po nagkagulo pa tuloy kayo ng dahil sa akin.."- sabi ko...

"No. Wala kang kasalanan, iha.."- sabi ng hari at sinang ayunan pa ng reyna...

"Ahm kuya Czaqary? Pwede mo ba akong samahan sa sinasabi mong dead forest dito?"- i just want to clarify something...

"Oo naman.. Ngayon na ba?"- tanong naman niya...

"Opo.. Ahm mauna na po kami sa inyo tita tito.. Guys masyal mo na kami tour guide ko naman si kuya..."- sabi ko... Tumango lang naman sila...

Lumabas na kami sa palasyo at naglakad patungo sa dead forest...

"Ano ba ang gagawin mo doon, Yanna?"- tanong ni kuya habang naglalakad kami...

"May gusto lang akong i clarify kuya.."- sabi ko... Tumango lang naman siya...

Patuloy lang kami sa paglalakad at bawat pag apak ko sa damuhan ay lalong tumingkad ito at namulaklak ang bawat bulaklaking halaman na aming dinadaanan...

"Nandito na tayo sa Entrance ng forest, Yanna..."- sabi ni kuya.. Agad ko namang nilibot ang aking paningin.. Patay na ang mga puno at tuyo na ang mga dahon ng mga damo at halaman... Kung buhay lang ito siguro napakaganda dito...

Naglakad naman ako papasok at unti unting nabubuhay ang mga halaman at puno na aking inaapakan at dinadaanan...

"W-what the?! Yanna? I-ito ba ang gusto mong i clarify?"- nauutal na tanong ni kuya... Hindi ko lang siya pinasin at nagpatuloy ako sa pag lalakad...

Sapphire Diamond academy: The Long Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon