Kabanata 24

41.6K 1.9K 63
                                    

ENJOY

Ngayon ay ang unang araw namin bilang magkasintahan. Hindi ko pa rin ma-imagine na siya ay boyfriend ko na. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na sinagot ko na siya na walang pag-alinlangan. Hindi rin ako makapaniwala na wala ng puwang sa puso ko si Gregory.

Hawak-hawak ni Brent ang kamay ko habang nag-aagahan kami sa may lamesa, malapit lamang sa may pool area. Hindi ko maiwasan ang mamula lalo na’t kay aga-aga ay may pabulaklak na siya sa akin.

“Kinikilig ka ba?” nang-aasar na tanong niya.

Tumindig ang balahibo ko sa tanong niya. Nasa pagkain lang ang tingin ko at tanging isang kamay ko lang ang gamit ko kasi hindi niya binibitiwan ang kaliwang kamay ko. Sumimsim siya sa kanyang kape habang ako ay kumakain ng almusal. Nasa gilid naman ng pinggan ko ang tatlong sobrang pula na rosas. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at natigilan nang nakita ko ang kanyang magandang mata.

“Uhm…” Bumaba muli ang tingin ko sa pinggan at mahinang tumango. Of course, kinikilig ako. Sino naman ang hindi?

“Let’s have some fun today. You want to swim?” tanong niya at nang tumingin ako sa kanya ay ibinaba niya ang mug na hawak niya.

Nginuya ko na ang kinain ko at saka ininom ang gatas. Ibinalingan ko ang tingin sa pool na punong-puno ng tubig. Gusto ko rin maglibot pero ayoko rin kasi delikado. Narito kami para lang magtago sa totoo lang, pero iniisip ko na lang na bakasyon namin itong dalawa.

“Baby…”

Nanindig ang balahibo ko nang tinawag niya ako sa gano’n. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ay tumayo na siya at dinala ang upuan patungo sa tabi ko at umupo. Napalunok tuloy ako at napatingin sa kamay niyang nasa likuran na ng upuan ko, malapit lamang sa balikat ko.

Bumuntonghininga siya at kinuha ang tissue na nakahanda sa lamesa sabay usog palapit sa akin. Walang pag-alinlangang hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ako sa kanya. Bumilis ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit naming dalawa.

“Tsk.” He smirked.

Punasan niya ang gilid ng labi ko ng tissue. Napatingin tuloy ako sa kanya habang siya ay busy sa pagpupunas sa labi ko.

“Why are you acting like a baby, huh?” nakanguso niyang tanong habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. “You didn’t even notice na may gatas na ang gilid ng labi mo.”

Napalunok ako at inagaw sa kanya ang tissue sa sobrang awkward.

“A-Ako n-na…”

Bago ko pa man makuha ay ninakawan niya ako ng halik sa labi na siyang ikinagulat ko. Tinakpan ko agad ang labi ko at uminit ang pisngi ko. Halos hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa hiya. Nagbaba ako ng tingin at napalunok.

“Why are you shy? I am your boyfriend.” Hinalikan niya pa ako sa kanang pisngi ko na mas lalong ikinayuko ko.

“B-Baka may m-makakita…” nauutal na sagot ko at pumikit.

“It doesn’t matter. Nakakaadik talaga iyang lips mo. Kung tayo lang dalawa, hindi ko na iyan titigilan hanggang sa mamaga.”

Napangiwi ako at biglang napaisip. Naisip ko na kung maghahalikan kami, baka mapudpod ang labi ko. Napansin yata ni Brent ang pagngiwi ko kaya bigla siyang tumawa nang malakas. Napasimangot tuloy ako at nag-angat ng tingin sa kanya.

“Bakit mo ako tinatawanan?” nagtataka kong tanong.

Tinikom niya ang kanyang bibig pero kita ko pa rin ang kanyang pagngiti. Hindi ko tuloy maiwasan ang mainis sa kanya.

“Ang inosente mo talaga,” aniya at napailing. Tila, naaliw yata siya sa akin.

“Masama bang maging inosente?” nagtatakang tanong ko.

Sumeryoso na ang mukha niya. “Hindi.”

Tumayo na siya at napahawak pa sa bewang. Sinuot niya rin ang kanyang shades at naglakad na patungo sa may gilid ng pool. Tinapos ko naman ang kinain ko bago sumunod sa kanya.

“Gusto mong maligo?” tanong ko habang nakasunod sa kanya.

“Why? You want to swim?” tanong niya pabalik sabay lingon sa akin.

Ngumiti ako at tumango. Humarap siya ng tuluyan sa akin at saka nilapitan ako. Hinawakan niya rin ang kamay ko at pinagsalikop ito.

“I still can’t believe na girlfriend na kita. Pangarap ko ito, Louise,” aniya at napasinghap ako sa gulat nang bigla niyang hinalikan ang kamay ko na hinawakan niya. “Ikaw ang pangarap ko at ngayon na akin ka na, hindi na kita pakakawalan pa.”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kapag kami lang dalawa. Ganito pala kapag na in-love ulit. Ganito pala…

Marahan niya akong hinila at niyakap. Dinama ko ang kanyang yakap habang papasikat na ang araw. Brent is so sweet. Ito ang gusto ko na side niya pero kadalasan, masungit talaga siya at halos hindi namamansin ng iba bukod sa akin. Pumikit ako nang naramdaman ko ang kanyang labi sa aking noo.

“Let’s enjoy our vacation, baby. I know you want it too. Let’s change first,” aniya at hinila na ako pabalik sa loob.

***

I am wearing a baby pink swimsuit. Expose na expose ang likod ko. Gusto kong ma-try na magsuot ng swimsuit. Nang lumabas ako sa banyo ay nakita ko si Brent na nakaupo sa kama niya. Nakasuot na siya ng beach board shorts at wala siyang pang-ibabaw na damit kaya kitang-kita ang abs niya. Nang napansin niya ako ay natigil siya sa pagtutupi ng damit at tulalang pinagmasdan ako. Bigla tuloy akong namula sa kanyang mapanuring tingin. Agad kong tinakpan ang bewang ko ng tuwalya sa hiya.

“P-Pangit b-ba?” nauutal kong tanong.

Napalunok siya at tumayo. Bigla akong kinabahan lalo na’t nasa akin pa rin ang kanyang tingin at hindi man lang umiwas. Nang nasa harapan ko na siya ramdam na ramdam ko na ang hininga niya. Naramdaman ko ang paggapang ng palad niya sa likod ko at marahan na inihapit palapit sa kanya.

Hindi sinadya na lumapat ang kamay ko sa katawan niya, sa matigas niyang abs. Para akong napaso kaya agad kong inilayo ang kamay ko at ikinuyom ito sa gilid ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sobrang lapit na niya sa akin.

“Sobrang bagay…” bulong niya sa mapang-akit na boses.

Namula ako at napaangat ng tingin sa kanya. Ang kanyang mata ay namumungay habang nasa akin pa rin ang tingin.

“Ano—” Hindi ko na naituloy nang bigla na lamang akong napaangat sa ere kaya agad akong napahawak sa magkabilang balikat niya.

Napatili ako nang ibinagsak niya ako sa kama at dinaganan. Bumilis ang paghinga ko at nagtama ang paningin naming dalawa. 

“Brent…” Napasinghap ako.

Halos bulong na lamang ang boses ko dahil sa sobrang kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tanaw siya na nakadagan sa akin. Ang kanyang magkabilang kamay ay nasa gilid na ng ulo ko at nagtaas-baba pa ang adam’s apple niya.

Ilang saglit na titigan, hindi na siguro siya nakatiis kaya sinunggaban na ako ng halik. Wala sa sariling napahawak ako sa braso niya at tinugon ang kanyang mainit na halik. Napatingala pa ako nang naging agresibo siya at bumaba sa panga ko ang kanyang halik. Biglang nag-init ang katawan ko at parang gustong-gusto ko ang ginawa sa akin ni Brent.

Nang bumaba ang mainit niyang halik sa leeg ko ay hindi ko maiwasan na tawagin siya sa kanyang pangalan dahil hindi na niya tinantanan ang leeg ko. Akmang itutulak ko na sana siya nang kinagat niya ang leeg ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Tumawa-tawa siyang lumayo sa akin at tinanaw akong napakapa sa leeg ko. Ito ang first time na may kumagat sa leeg ko at tuwang-tuwa pa talaga siya. Sinimangutan ko siya at mahinang pinalo ang balikat niya.

“Hindi na tayo bababa pa. Ang honeymoon ay sa kasal pa. Mag-jowa pa lang tayo. Kung gagawin man natin ang bagay na iyon, sisiguraduhin kong mabubuntis ka sa akin,” aniya at hinalikan ako ng ilang segundo sa labi bago umalis sa pagkadagan.

Natulala ako saglit sa kanyang sinabi bago bumangon.

“Let’s go. Let’s enjoy our vacation, baby.” Kumindat siya sa akin at tinulungan ako sa pagtayo.

Namula ako at nag-iwas ng tingin. Mukhang ma-e-enjoy ko nga ang bakasyon ko rito, Brent.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon