Kabanata 16

405 15 2
                                    

Zariyah



Nakaupo pa rin ako at pinakikinggan lang sila habang nag-uusap nakakabagot ang ganito pakiramdam ko sayang sa oras ito ang umupo at makinig sa bagay na hindi mo alam.

Nasaan kaya sila Mama at Papa? Si kuya Zachary? Kuya Zoran? Akala ko ba andito sila?

Pinatong ko ang ulo ko sa mesa na nakaagaw sa atensyon nilang tatlo. Nakataas ang isang kilay ni Cole ng tingnan niya ako ang dalawa naman ay ganoon din.

Kailangan pa kaya naging close 'tong tatlong 'to? Sa pagkakaalam ko sa mundo namin ay we share the same feelings kumbaga ayaw nila kay Linus ayaw ko din dahil sa parehong dahilan.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" Tanong ko habang nakapatong pa rin ang ulo sa mesa.

"Zariyah you should erm... Held up your head when you're talking." Ani ni Shia. Right. Princess and their etiquettes. Kaya ayoko maging tunay na prinsesa eh, pwera lang sa pamilya ko.

Inangat ko ang ulo at pinagkrus ang dalawang braso. Huli ko si Linux na nakatitig saakin na para bang binabasa ang utak ko. Nakalock 'yan wala kang makikita dyan pagbinuksan mo 'yan kuya mo ang makikita mo, charot.

"Okay, sorry. Uhm Cole where's Mama and Papa? I thought they're waiting?" Omg I'm spokening dollars nakakahawa kase si Shia hehe.

"Umalis sila pumunta sa dalawa mong nakakatandang kapatid."

"Strange... I couldn't see anything in Zariyah's mind it seems to be lock or someone's blocking me." Ani niti habang hawak-hawak ang baba na para bang naghahanap ng kasagutan sa sarili niyang katanungan.

"Bakit naman? Atsaka bakit gusto mo malaman ang nasa isip ko, aber?" Tinaasan ko ito ng kilay kaya napakamot ito sa kanyang batok at ngumiti na para bang sinasabi niyang wala siyang magandang dahilan o maisasagot.

Magsasalita sana si Shia ng pumunta ang apat na babaeng nakasuot ng uniporme na pangmaid at naghain ng masasarap na pagkain.

"Enjoy yourself Lady's and Gentleman. And welcome back Lady Zariyah." Nagbow ang apat na babae saakin kaya tumayo ako at nagbow din sa kanila, nakita ko naman silang napangiti bago umalis.

"Mamaya na ang mga tanong kumain na muna tayo, shall we?" Nagsitanguan naman kaming tatlo nila Shia at Linux kay Cole.

Kumuha ako ng maliit na cake na kasing laki lang ng tasa ng tsaa at hot chocolate coffee. Hindi ko alam kung normal ba na ganito ang hinahain sa kanila o hindi.

Habang kumakain ay kinain na rin kami ng katahimikan na parang kanina lang ay nag-uusap sila ngayon ay hindi na. Nakaupo ng maayos hawak-hawak ang tinidor at kutsilyo at marahang ginagamit pati ang pagnguya ay marahan din. Samantalang ako ay hindi na ako sigurado sa itsura ko dahil sa icing ng cake na napupunta sa mukha ko, akala ko ay pupunain pa nila 'yon pero hindi na nila pinansin.

Sa loob ng ilang minuto na nilamon kami ng katahimikan ay isang hindi inaasahang boses ang sumira sa katahimikan naming apat.

"Linux why took you so long to stay here." Nanigas ako sa kinauupuan ko at napalunok. Boses lang 'yan Zariyah, boses lang. I should be a good pretender 'til the end hanggang sa makaalis ako dito para walang problema. Get rid of it,self! Kaya mo 'yan!

Umayos ako ng upo at pinagpatuloy ang pagkain ko. Paki ko ba sa nagsasalita hindi naman ako ang kausap ano, Zariyah ang pangalan ko hindi Linux. Nang sumubo ako ay napagawi ang tingin ko kay Cole na ngayon ay nakatingin saakin. Ineexpect niya siguro na magtatalon ako sa tuwa ng makita si Laxus ngayon.

"Sorry brother I'm waiting for Zari to come back because you know... Valid reason for not attending my birthday?" Nagkibit balikat pa si Linux habang nakatingin sa katapid. Hindi ko makita si Laxus dahil nakatalikod ako sa kanya.


"Laxus have a seat first. Nakikita mo namang nakain kami at paalisin mo si Linux hindi ba't nakakawalang galang 'yon?" Bilib ako sa tapang ni Cole ngayon alam ko sa mundong ito ay prinsipe si Laxus pero kita niyo naman sinagot niya! 10 points for Cole!

Mga ilang sandali ay nakarinig ako ng yapak ng sapatos at pag-usog ng upuan sa tabi ni Linux. Katabi ko si Linux dahil lumipat siya kanina noong binubusisi niya ang itsura ko at hindi na umalis hanggang ngayon. Bago pa mausog ng tuluyan ang upuan ay biglang nawalan ng ilaw kaya napatili sila Shia at Cole.

"What happened?!" Base sa sigaw ay si Shia iyon. Hindi ko makita dahil nakapikit ako. Takot ako sa dilim.

Bakit ngayon pa? Kung kailan dapat makita niyang ayos ako magkakaganito pa?

"What just happened brother?" Tanong ni Linux pero hindi siya sinagot ng kanyang kapatid.

Narinig ko ang pag-usog ng mga upuan indikasyon na tumayo sila kaya tumayo din ako. Ano bang nangyayari?

Hoohoo nasaan ba ang mga maid? Mga guard baka may kung anong lumitaw dito!

"Cole nasaan ka?" Sinubukan kong kapain ang taong nasa dulo ng lamesa kaso iba ata ang nahawakan ko.

Mabalahibo ngunit hindi sobrang kapal katulad ng sa hayop. Mabalahibong braso ng... Isang matipunong katawan.

"Hello milady..." Narinig kong bulong sa kanan kong tainga. Nainindig ang balahibo ko at binitawan ang nahawakan kong kung ano.

"W-who are you?" Nanginginig ang boses pati na rin ang mga kamay ko na tumitungin kung saan-saan kahit wala akong makita. Bakit parang ako lang mag-isang andito bakit parang wala akong kasama?


"Milady I'll get you this time..." Naramdaman ko ang paghaplos saaking leeg at nakita ang pulang mga mata sa loob ng daliman.

"Ahh!" Napasigaw ako ng maramdaman ko ang sakit sa hinaplos na bahagi ng kung sino man.


"Zariyah!" Rinig kong sigaw ni Cole.

Napaupo ako sa sahig at tinakip ang mga kamay sa mukha ko. Hindi ko alam pero mah kakaiba sa pagkakahawak niya... parang may ginawa siya saakin na hindi ko alam hindk ko maintindihan.

May dalawang mainit na kamay ang humawak sa aking braso at itinayo.

"C-cole..." Biglang nagliwanag muli. Nag-adjust pa ang mga mata ko sa liwanag at tinitigan ang taong may hawak sa aking braso... Laxus.

Nakita ko ang mga mata nito na titig na titig sa mga mata ko na parang may binabasa. Bumitaw ako sa pagkakahawak nito at tumakbo kay Cole at yumakap hindi ko alam pagkayakap na pagkayakap ko kay Cole ay naiyak ako at biglang sumakit ang parte ng leeg ko na hinaplos ng kung sino.

"Zariyah!" Bumitaw ito sa pagkakayakap ko sa kanya at tinitigan ang leeg ko.

"That's..." Napaawang ang labi ni Shia habang nakatingin sa leeg ko.

Tumingin ako kay Laxus at ngayon ko lang napansin ang itsura nito at pananamit. No words can describe him in this state. Sobrang iba. Kakaiba sa pananamit pero hindi nawala ang malalamig na titig.

Teka bakit ganito pa ang iniisip ko? Magfocus ka Zariyah!

____________________________

Sabaw ang isip ko ngayon. •_•

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Laxus The Cold Prince (On Hold)Where stories live. Discover now