Kabanata 15

192 9 0
                                    

Zariyah

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Cole dahil hindi naman mukhang ito ang bahay namin. Isang malawak na pamilihan mas malawak sa unang bayan na napuntahan ko kila Seshat.

"Nasaan ba tayo? I-ibig kong sabihin bakit tayo andito? Bibili ka ba?" Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa pagkakamali ko. Nakahalata na kaya siya?

Napansin ko lang ha o baka napansin niyo rin mas mukhang elegante ang mga tao dito—hindi sa panghuhusga pero mukha silang sophisticated-yet-judgemental-people-charot lang halos magkaparehas lang Kasi sila sa anyo pero sa pananamit ay sobrang magkaiba.

"Hoy!" Napasigaw ako dahil sa biglang paghatak saakin ni Cole mabuti nalang at naayos ko ang sarili. Nag mo-monologue ako panira eh.

Nakatakip saaking ulo ang balabal na binigay saakin ni Evien dahil baka raw ay pagkaguluhan ako HAHAHHA. Si Evien talaga masyadong honest, biro lang.

Huminto kami sa isang bakery na maraming taong nabili akala ko ay pipila pa kami para makapasok pero mukhang hindi na kailangan, humawi ang mga tao at pinadaan kami hawak-hawak ni Cole ang braso ko habang namimili sa mga naka-display na cakes. Nag-iimport ba sila? Goldilocks? Red Ribbon? Pero mukhang malayo mas maganda ang disenyo dito at mas mukhang masarap.

"Anong gusto mo dito?" Turo niya sa cake na naka-display. Naririnig ko ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid kanina pa kesyo sino ba daw ang kasama ni Lady Cole, wow lady mukha lang siyang sopistikada dito pero sa mundo namin tsk tsk tsk.

"Itong maraming chocolate pati itong red velvet tsaka sama mo na 'yong cheesecake." Minsan lang manlibre 'to, kaso ibang tak ngalang.

"Hindi ka naman gutom niyan?"

"Pinapili mo ako diba?" Tumalikod ako sa kanya at tumingin sa mga tao hindi nila makikita ang kabuuan ng mukha ko dahil sa balabal na suot ko. Tuwang tuwa ang ibang nag-uusap habang sinusulyapan si Cole ang iba naman ay nakanganga na sa pagtingin kay Cole at ang iba naman ay ako ang inuusisa.

"Sino kaya ang kasama ni Lady Cole?"

"Hindi kaya ay tagapagsilbi niya?"

"Mukha siyang maharlika base sa tindig niya."

"Excuse me miss? Ako si Sara Heldibrin isa sa mga taga hanga ni Lady Cole at Lady Zariyah maari ko bang malaman kung sino ka?" Napalunok ako. Ano sasabihin ko? Isa akong kabayo?

"A-eh ako ang... A-ako ang..." Malikot na ang mata ko sa loob ng balabal. Mabuti nalang at hindi niya nakikita.

"Ikaw ang?"

"Ako ang... Adivino! Adivino ng dalawang maharlika heheh." Napakamot ako ulo ko. Ayon na ata ang pinakapanget na palusot ko.

"Adivino... Fortune teller! Nakakabilib! Ngayon lamang kita nakita."

"D-dahil ngayon lang ako lumabas kasama si Lady Cole." Ngumiti ako sakanya makikita niya naman dahil itaas ng bahagi ng mukha ko ang natatakpan at hindi ang baba.

"C-can you tell my future, adivino?" Nagulat ako sa bigla nitong sinabi. Papahula siya?! Anong gagawin ko? Hahawakan siya sabihin ay magiging successful siya balang araw at babagsak din?

Napalunok ako at hinawakan ang kamay niya. I'll try, para naman pagnatapos 'to sasabihin kong 'atleast I tried' diba. Pagkahawak na pagkahawak ko sa kamay niya ay wala akong nakita o naramdaman man lang sa kanya kaya hinimas himas ko ito. Napapangiti na lang ako ng pilit dahil wala talaga kaya habang hawak hawak ko ang kamay niya ay tumingin ako sa mga mata siya para sabihing wala akong nakikita future sayo—

Habang nakatitig sa mga mata niya ay nakita ko ang isang senaryo na mangyayari sa araw ng pagpapakilala sa isang prinsipe at naroon siya nakikisaya sa pagkilala at...
Sumama siya sa mga babae't lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay mga kaibigan niya at... At pagkatapos—

Napabitaw ako sa pagkakagawak sa kamay ni Sara at sa pagkakatitig sa kanya ng may isang kamay ang humatak saakin.

"Anong ginagawa mo? Halika na." Habang hinahatak ni Cole ay nakita ko si Sara na ngumiti saakin at kumaway. Hindi. Ano 'yong nakita ko. Hindi 'yon pwedeng mangyari!

•••

"Are you ready? Mahabang kwento ang ikwekwento mo sa kanila." Nakapasok na kami sa isang kastilyo na hindi kalayuan sa bayan na pinuntahan namin kanina andito na kami sa kastilyo kung saan kami nakatira... Kung saan ako nakatira.

"Cole!" Sigaw ng isang lalaki na sobrang hawig kay... Laxus.

Siya ba si Linus?

Pwede bang siya nalang? Wag na kapatid niya! Mabait naman at siya dito kaysa sa mundo namin!

"Miss na miss mo na agad ako." Sabay tawa ng malakas ni Cole.

Namukhaan ko ang isang babae na nakaupo sa kaliwang bahagi ng lamesa at nakangisi ito habang sumisipsip ng tsaa, si Shia.

Umupo ako sa katapat ng upuan ni Shia, ang kaliwang bahagi. Mukhang naramdaman na rin nila ang presensya ko kaya saakin na sila nakatingin. Nakapikit ako ng inalis ko ang balabal at nilapag ito sa napakakintab na lamesa, wag ko na kaya ilapag baka magasgasan joke.

"Sino ka naman?" Ako ang nanay mo bro.

"Who are you lady?" Aba Englishera si Shia!

"Ano ba naman kayo. Hindi niyo mamukhaan? Si Zariyah!" Napadilat ako dahil may narinig akong paghampas sa lamesa nakita ko si Shia at Linus na nakatayo at hindi makapaniwalang nakatingin saakin, tinitigan ko silang dalawa at mas lalo silang nagulat at dinuro-duro.

"S-she's Zariyah?! How?!" Gulat na gulat na tanong ni Shia.

"What happened?! She looks different!" Bawal ba magbago? Bawal ba magbago pagkatapos masaktan? Change for the better, bro. Sinaktan ako ng kuya mo kaya nasa moving on process na ako.

"Ingay niyo, mas gumanda lang ako kaya wag na kayo magulat." Tawang na tawa tawa na ako sa isip ko dahil sa sinabi ko. Hayst para matahimik.

Naging seryoso ang dalawa at tumitig saakin nakikita ko ang kinang sa mga mata nila habang nakatingin sa mga mata ko. Baka magka-inlove-an tayo niyan HAHAHAHAH.

Chasing Laxus The Cold Prince (On Hold)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin