Kabanata 5

239 9 0
                                    

Zariyah

"Congratulations everyone naibenta niyo lahat ng gawa niyo at alam kong masasarap ang mga 'yon." Sabi ni Ma'am Sanchez.

"Syempre ma'am masarap talaga! Pero mas masarap 'yong gumawa." Nagsitawanan sila. Siraulo talaga'tong si Chiang wala na talagang hiya sa katawan.

Tinawanan lang siya ni Ma'am Sanchez at nagpatuloy magsalita.

"I will congratulate you all again dahil kayo ang magluluto ng desserts sa Foundation Day! And as I promise madadagdaggan ang grades niyo." Nagsihiyawan naman ang mga kaklase ko.

Well nakakatuwa naman talaga bukod sa napili kami dagdag grades pa.

"Mabuti naman! Pero nakakapagod din 'yon diba? Isipin mo tayo magluluto ng desserts." Sabi ni Cole habang kinakain ang tinabi niyang Yema.

Hindi nakakapagod 'yon para saakin kung alam kong isa si Laxus sa mga kakain feeling ko habang kinakain niya 'yong gawa ko kinakain niya na rin ak- erase erase lintek na pag-iisip 'to! Ang halay.

...

NAGLILINIS na kami ng classroom lima nalang kaming natira, as usual maraming tumakas magpo-floor wax sila kapag nalaman 'to ni ma'am nyahhaha.

"Mga batugan! Pagod kesho nagbenta nagluto. Puto sila! Mga Putong hilaw. Tingin ba nila hindi din tayo pagod?!" Sigaw ko habang nagwawalis. Wala naiinis na ako bwiset kase pare-parehas kaming pagod ano.

"Wala ng magagawa 'yang laway mo-este sinasabi mo nakaalis na sila." Sabi ni Cole habang prenteng nakaupo. Lima na ngalang kaming natira tatamad tamad pa siya!

"Eh kung tumulong ka din?!" Dinakot ko ang huling kalat at nilagay sa cabinet ang dust pan at walis.

"Kaya niyo na 'yan." Ani ni Cole.

"Puto ka din Cole isumbong ka din namin kay ma'am." Ani ni Shia habang binubura ang nakasulat sa blackboard. Mas gusto ko na 'tong best friend kaysa kay Cole buti pa si Shia may ambag, boset.

"Close tayo Shia? " Inirapan ni Cole si Shia.

"Duh." Sabi ni Shia. Lumapit ako dito at kumapit sa braso.

"Ikaw nalang best friend ko? Walang kwenta kase 'yong isa." Sabay kaming tumawa ni Shia at tumingin kay Cole inirapan lang kami nito at tumawa din.

"Sira."

Bukod kay Cole si Shia din ang isa sa matatawag kong best friend. Actually kaming tatlo talaga ang magkakaibigan kaso busy palagi si Shia dahil sa class Vice president namin siya. Shiandriel Garcia full name niya pang sosyal diba? Kainggit lang diba. Mayaman ang pamilya ni Shia pero gusto niya ng tumayo sa sarili niyang paa at wag umasa sa pamilya kaya nagpapart time job siya. Magaling na bata diba sipag pa kaya tularan niyo.

"Uuwi na kayo?" Tanong ko kila Cole at Shia.

"Anong gagawin namin dito? Mag-oovernight? Magcacamping?" Inismiran ko lang si Cole at sinenyasan sila na umalis na.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ko munang umuwi ngayon. Umuwi na naman si Laxus kanina pa dahil nakita ko'tong sumakay kanina sa kotse nila.

"Argh! Ano bang gagawin ko?" Lumabas nalang ako ng classroom at naglakad lakad.

Kakabagot pero ayos na'to ayaw ko lang muna umuwi.

Napadpad ako sa music room noong una ayaw ko pang pumasok dahil prohibited pero sabi nga nila 'break the rules' kaya ako ito ngayon pumasok na sa loob.

Naghila ako ng isang upuan para makaupo sa tapat ng piano. Hindi naman ako magaling tumugtog marunong lang syempre pahumble.

Niready ko ang piano pati na rin ang sarili ko syempre. Ip-play ko ngayon ay First Love piano version ni Riyandi Kusuma (Utada Hikaru- First Love).

Bawat pindot na ginagawa ko ay kasama ang puso ko. Gusto ko kase ramdam ng nakikinig saakin ang ginagawa ko.

Nagha-hmmm ako habang tumutugtog. Nililipat kase 'yong piano sa music room ko sa bahay.

"Nakakagaan ng loob." Ngumiti ako at nag-unat unat habang nakatayo.

Nagbow pa ako kunwari ay may nanonood saakin mangangarap muna ako ngayon na maging pianist, hindi naman pwedeng si Laxus lang ang pangarap ko ano para din ito sa future namin.

"She's good!" Napatingin ako sa taas ng may nagsalita pero wala namang tao.

"She's like Athanasia!" Isang maliit na boses pa ang narinig ko.

Ini-engkanto na ba ako?!

"Hoy sinong andyan?! May tao ba dyan? Multo? Engkanto?!" Sigaw ko sa buong music room nag-echo naman ang boses ko.

May nakita akong lumabas sa bintana ng music room. Hala what is that? Bakit kumikinang?

Lumabas ako at dumiretso sa likod ng building nasa ground floor kase ang music room.

What the hell is that? Gutom ba ako? Nakahithit ba ako? Baliw na ba ako? Kase may dalawang maliit na tao o ewan na may pakpak at kumikinang.

"Look she's here!" Sabi ng isang fairy na kulay silver ang buhok, Oo fairy kase diba gano'n ang fairy maliit may pakpak... Basta!

"She sees us! Is that Okay?" Sabi ng isang fairy na black ang buhok.

Wait lang natatakot na ako ah.

"It's Okay Evien. Makikilala din naman niya tayo soon. Hi Zariyah!" Kumaway saakin ang fairy na may silver na buhok.

Napalunok ako at tumakbo. Anak ng pitong baka! Anong nangyayari sa earth? Bakit may fairy? Fairy o engkanto?

Is this some kind of fantasy?!

Habang tumatakbo ay sumisilip ako sa likod ng may mabangga ako-

"Asdfghjklsakit!" Naumpog ako sa pader.

Katangahan mo self! Naiiyak ako ng maramdaman ko tuhod ko na sumasakit tumama ang buto ko sa pader.

"Dahil 'to sa dalawang fairy o engkanto na 'yon! Bwiset sana gutom lang 'to dahil kung hindi iisipin kong magugunaw na ang mundo!"

Chasing Laxus The Cold Prince (On Hold)Where stories live. Discover now