Wish 30: Special Chapter

213 9 36
                                    

[Chantelle]
Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga pictures sa album na hawak ko.

Tinitingnan mo na naman ang wedding pictures natin. Agad akong napatingin nang marinig ko siyang magsalita.

Nakangiti ito habang nakasandal sa may pintuan at pinapanood lamang ako.

Hubby. Nakangiti kong tawag sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

How's my wife? Malambing na tanong nito sa akin at tinabihan ako dito sa sofa kung saan ako nakaupo.

Okay naman medyo malikot at sumisipa lang siya. Patungkol ko sa tyan ko.

Hinawakan naman niya ang malaki kong tyan. Baby, wag papahirapan si Mommy mo ah. Mahinang kausap niya sa tyan ko. Napangiti naman ako dahil sa ginawa ni Jimmy.

Kamusta ang business meeting mo? Tanong ko.

Okay naman. Naclose ko yung deal sa malaking investor. Masayang balita nito sa akin habang busy parin ito sa tyan ko.

Congrats hubby. Masayang bati ko dito. Kamusta na nga pala si Axel? Pag-usisa ko dito.

Okay naman siya. Sabi ni Mom and Dad successful yung mga business meetings niya. Why? You're worried about him?

Tumango naman ako sa naging tanong niya.

Wife, malakas si Axel, alam kong balang-araw magiging okay din siya. Just give him more time. Malambing na sabi ni Jimmy sa akin.

Syempre hindi ko maiwasan mag-alala hubby. Malaking bahagi si Axel sa kung ano tayo ngayon. Sana talaga mahanap na niya yung tamang tao para sa kanya.

2 years na nakalipas mula ng ikasal kami ni Jimmy. Madami na nagbago.

Si Ann at Johann may dalawa ng anak. Mas lalo pang naging successful ang business nilang mag-asawa.

Si Axel naman ay nasa Europe ngayon. Dun na siya nakabased dahil sa bagong branch ng company niya. Hindi ko pa siya nakakausap at nakikita mula noong gabing nag-usap kami.

Nirerespeto ko naman iyon, dahil alam kong nahihirapan pa siya. Pero nung kasal naman namin ni Jimmy ay nagpadala siya ng regalo. Kahit ngayon na magkakababy na kami ni Jimmy ay nagbigay din siya ng regalo.

Iintayin ko nalang ang araw na maging handa siya.

Hubby may binake ako kanina na cake. Tara tikman mo. Tumayo na ako para hatakin siya dahil naexcite akong ipatikim sa kanya yung cake na binake ko.

Wife, careful. Hindi mo na ako kailangang hatakin pa. Baka mapano ka pa. Inalalayan naman ako ni Jimmy at hinawakan ang kamay ko.

Bigla naman akong natigilan dahil biglang sumakit ang tyan ko.

Wife, anong nangyayari sayo? Natatarantang tanong ni Jimmy. Napasigaw na ako sa sobrang sakit kaya lalo siyang nataranta.

Jimmy!!! Manganganak na ata ako!! Naramdaman ko naman na parang may tumutulo sa paanan ko. Kaya parehas kaming napatingin dito.

Sh*t!! Wife!!! Anong gagawin ko?!! Natatarantang sabi ni Jimmy at hindi mapalagay kung ano ang uunahing gawin.

Baliw ka ba?!!! Eh di dalhin mo ako sa hospital!!!! Inis na sabi ko dito dahil ako pa talaga ang tinanong niya eh ang sakit-sakit na ng tyan ko.

Agad naman niya akong binuhat at dinala sa hospital.
————————————————
Panibagong chapter na naman ang bubuksan sa buhay namin ni Jimmy. Isa lang ang masisigurado ko na magkakasama namin haharapin ang bagong chapter na ito, lalo na ngayon na madadagdagan na kami ng bagong miyembro sa aming pamilya.

Humarap man kami sa maraming pagsubok ay worth it naman lahat dahil nagsilbing aral ito sa amin para maging matatag sa lahat ng posibleng dumating sa amin.

Wala na akong ibang mahihiling pa, dahil masaya at kontento na ako sa buhay ko kasama si Jimmy at nang magiging baby namin.

————————————————
A/N: End of Special Chapter. ❤️

See you sa next kong story. 😉

Any guess kung sino ang portrayer? 😊

Jimmy in a bottleWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu