Wish 12

75 8 8
                                    

(Day passed)
[Chantelle]
Lumipas ang araw at naging maayos naman ang ocular visit ni President. Hindi ko parin magawang makausap siya tungkol kay Jimmy.

Elle, I have important meeting today with the SSC officers. I give you an update regarding sa magiging meeting. Ikaw muna ang bahalang mag assist kay tito. Mahabang paliwanag ni Axel.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

Nagpaalam na si Axel kaya ako ang naiwang magbantay dito sa conference room. Kasalukuyan kasing nasa meeting ang tatay ni Jimmy kasama si dean at ang board.

Iniwan ko na muna si Jimmy sa bahay. Sobra talaga akong nag-aalala sa kanya lalo pa't lagi kong kasama ang tatay niya.

Lumipas ang minuto at natapos na ang meeting kaya naman agad kong nilapitan si President.

Where's Axel, iha? Tanong nito sa akin.

May important meeting po siya with my fellow officers, ako po muna ang makakasama ninyo. This way po.

Ganun ba. Hindi na ito muling nagtanong pa at bahagyang sumunod sa akin.

Nang makarating kami sa office ay agad itong naupo sa office chair.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

Bakante po ang oras na ito kaya po magpahinga po kayo, mamaya pa pong 1pm ang continuation ng meeting ninyo. Pag inform ko dito. Mamaya din po ay darating na ang inorder na pagkain po para sa inyo.

Thank you. Si Axel anong oras siya makakabalik?

Maya-maya din po ay nandito na siya kailangan lang po talaga niyang tapusin ang meeting. Sagot ko dito.

I see. I guess natutunan sakin ni Axel ang maging hands-on sa mga responsibilities. I'm very proud of him. Masayang papuri nito kay Axel. Hindi ko naman maiwasang masaktan para kay Jimmy.

Napakuyom ang kamao ko. Sana ganun din kayo ka proud kay Jimmy kagaya ng pagka proud ninyo kay Axel. Wala sa sariling nasambit ko. Huli na ng mapansin ko na dapat ay sa sarili ko nalang ito sinabi at hindi na isinatinig pa. Sorry po. Sabay iwas ko ng tingin. Aalis na sana ako ng magsalita ito.

Y—You know my son?? I-I mean ka close mo siya?? Seryoso ko siyang tiningnan.

Kaibigan ko po siya, at nakwento niya po sakin kung anong relasyon meron kayo. Huminga ako ng malalim. Wala ng atrasan ito Chantelle!

Para kay Jimmy...

Nung una po ayaw ko maniwala kay Jimmy dahil baka nadadala lang siya ng galit niya, pero mukhang tama siya. Alam ko pong wala ako sa posisyon para magsalita pero nakita ko po kasi kung gaano nasasaktan si Jimmy. Simula po ng maospital si Jimmy nagawa ninyo na po ba siyang madalaw kahit isang beses lang? Mabuti pa po ang school nagagawa ninyong bisitahin pero si Jimmy hindi ninyo magawang bigyan ng oras. Hindi ko po ito sinasabi para magmakaawa sa inyo para bigyan ng oras si Jimmy dahil alam kong ayaw ni Jimmy na gawin ko ito. Sinasabi ko po ito dahil gusto kong magising kayo... na malaman ninyo na kailangan kayo ni Jimmy... na kailangan niya kayo bilang ama niya... hindi man aminin sakin ni Jimmy pero matagal na po niyang inaasam na maramdaman ang pagmamahal ninyo bilang ama niya. Huminga ulit ako ng malalim. Tatawagin ko nalang po kayo pag ready na po ang pagkain na ihinanda para sa inyo. Sa labas lang po ako kung may kailangan kayo. Pagpapaalam ko dito bago tuluyang lumabas ng office.

Pagbukas ko ng pinto.

Axel! Gulat kong tawag dito. K—kanina ka pa? Natataranta kong tanong dito.

Jimmy in a bottleWhere stories live. Discover now