Untitled Part 1

12 0 0
                                    



Enduring Love

CHAPTER 1

PRINCE CASPIAN

"Good morning Gramps.. How are you today?" She asked her Lolo while he is sipping his cup of coffee at the rear porch. I watched him as he folded the newspaper he's reading and turned to her.

"Good morning to you too, my princess" the old man said and kissed her temple while inviting her to come and sit beside him.

"I would like to go out today Gramps, let's go out together. It's Saturday, we should go to your Golf Club!" She gleamed in excitement while in an animated gesture in front of the Don. Natawa ang matanda sa tinuran ng kanyang nag-iisang apo.

"Pasensiya kana apo, hindi tayo maaring umalis ngayong araw dahil merong darating na bisita. May mahalaga kaming pag-uusapan at may ipapakilala ako sa iyo. Balang araw, siya ang magiging asawa mo. So, now will you be a good girl and go to your Yaya Isabelle. Doll up, princess. Be very beautiful today."

"But, will you promise that we'll go to your Golf Club next weekend?"

"Yes princess! We will, now go to your Yaya Isabelle" utos ng matanda sa fourteen years old na dalagita. Tumango ito at tumakbo sa naghihintay na Yaya sa bulwagan ng malaking bahay.

Matapos na siyang bihisan ni Yaya Isabelle ng isang bestidang kulay pink, ang paborito nitong kulay. Naka ayos ang buhok nitong naka-braid pa, pink din ang sapin nitong doll shoes sa paa. Nakasuot ng eyeglasses at mayroong pink na braces sa ngipin.

"Ya? Do I look pretty now?" tanong nito sa Yaya.

"But of course! Palagi naman iyan anak. Gaya ka na nga sa Yaya oh.." sabi ng kikay na Yaya habang hinahaplos ang malambot at pinkish na mga pisngi ng dalagita.

"Are you sure Ya? Do you think magugustuhan na ako ng mapapangasawa ko?"

"Ano? Ano ba iyang pinagsasabi mo diyan? Marinig tayo ng Lolo mo baka paluin ka noon sa pwet kung anu-ano ang sinasabi mo. Batang-bata pa ito.. kuuuu... malalagot tayo kay Don Ruiz niyan.."

"Yaya.. siya ang nagsabi noon."

"Ganoon ba? Nerereto ka ba ni Don Ruiz?" may pagtataka namang tanong ni Isabelle sa dalaga.

"I don't know Ya, he just told me that I will be meeting someone here sa house, that's why nga you dolled me up diba?"

"Sus! Eni-english mo na naman ako eh. Sige na, sabi mo eh." Sang-ayon ng kikay nitong Yaya sa alaga.

Pagdating ng hapon ay may isang itim at makintab na Audi ang pumarada sa garage nag kanilang bahay. Lumabas doon ang isang matandang nakatungkod at nakasuot ng cowboy hat. Lumabas naman sa driver's seat ang isang matangkad na lalaki at lumapit sa matanda. Nakikita nang dalaga ang pagdating nga mga panauhin mula sa lanai, natatandaan niya ang matandang nakatungkod, si Don Juancho iyon. Matalik na kaibigan ng kanyang Gramps. He is with the guy who went out of the driver's seat, she thought driver nito ito, but to her surprise sumunod ito sa main door ng kanilang bahay habang nakikipag-shake hands sa kanyang Gramps. Did they know each other? She asked herself silently.

She saw him talking to her Lolo at the entrance door, napapanood niya ito mula sa kinatatayuan niya, he is tall, so tall at that, a bit dark and well, handsome. He has sharp and prominent nose, na klarong klaro niya kahit nasa malayo siya. Medyo mahaba ang buhok nito na umabot ng hanggang balikat.

Wala ba siyang kilalang barber?

"He is so rugged" she mumbles.

"Ang gwapo naman niyang binata na iyan anak, baka iyan na ang ipapakilala ng Lolo mo sayong magiging asawa mo?"

Enduring LoveWhere stories live. Discover now