CHAPTER 4

3 0 0
                                    


GRAMP'S WISH

Naisipan kong sumabay kumain sa Lolo ngayong araw bago siya tutulak sa opisina.

"Lolo, please I hope you don't mind my asking about this but, do I really have to marry—Third?" panimula ko sa gusto kong sabihin.

Napalulon ako ng laway ng tumigil ito sa pagbabasa ng dyaryo at tumingin sa akin ng mariin.

"Is there any problem between you and Thirdie?" anito habang tinatanggal nito ang eyeglasses.

"Almost four years na kayong engaged and I wonder kung bakit ngayon ka lang nagtanong sa akin ng ganito?"

"It's just that, I just realized it now Lolo, I am seventeen and I haven't explored the world yet. My friends are busy going abroad every holidays and breaks and I just stayed here. I know that you want me to go but because I do not want to leave you alone here, I stayed. And when I graduate, I wanted to do it Gramps. I want to have my own boutique, my galas, my exhibits or my own business. I want to explore more and I don't want to get married yet"

"I know that princess. I know. But this, this agreement I had with Juancho is a long overdue. Matagal na namin itong plano, henerasyon pa ito ng iyong ama, pero nagkaanak kami ng puro lalaki kaya't hindi namin naisakatuparan ang hangad na maging buo at totoo na ang aming pamilya because hindi naman pwedeng magkatuluyan ang ama ni Third at ang daddy mo. Kinalimutan namin iyon noon, pero ng magkaanak sina Alex at Benedict sa kanya-kanya nilang asawa, they are the ones who want to continue this. Bago mamatay ang ama mo sa aksidenteng iyon, nag-usap kami na tila ba isa iyong pamamaalam ngunit hindi ko binigyang pansin. He wants to betroth you to Alex's son and no one else. Ito ang hiling ng iyong daddy na sinuportahan naman ng iyong mommy Charlize ng buong puso."

I sighed, tuwing ginagamit ni Lolo ang mga pangalan ng aking mga magulang ay pakiramdam ko'y katabi ko sila at nginingitian ako, sabay ng pakiramdam na niyayakap ako, gaya ng nararamdaman ko ngayon.

Tumango ako sa sinabi ni Lolo sa akin. Wala naba akong magagawa tungkol dito? Siguro pag nalaman ni Lolo ang disgusto ni Third ay baka magbago din ang isip niya? Hindi ko alam.

"Princess.. You are the most important treasure in my life. Ikaw ang natitira kong kayamanang iniwan sa akin ng iyong Lola Gladysia, hindi kami pinalad na magkaanak ng marami. Gaya din ng iyong ama. Ikaw ang iiwanan ko ng lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng pitumpo't apat na taon. Alam kong hindi ito ang gusto mong gawin, ang mamahala ng negosyo, dahil alam ko kung ano ang gusto mo, you want fashion and the likes. That's why we need Third para tulungan ka. His parents want this too; they are very vocal about this when they are still alive kaya laging topic ang kasunduang ito sa hapag tuwing bisita natin sila rito sa bahay noon. Third is a good guy princess. I am ready to die once you get married to him. Hinding-hindi ako mag-aalala sa hukay kung siya ang makakasama mo sa buhay"

"You are scaring me Lolo. Please don't say that"

"Oh, my princess... I am too old, I am prepared. Gusto ko ng makita ang Lola Gladysia mo. I miss them you know; I miss your daddy as well. Oh, hush now apo, don't cry in the middle of our meal"

"You are scaring the hell out of me Lolo"

"You consider this as my death wish princess, matatahimik ako kapag si Third ang magiging asawa mo. Hinding-hindi ka niya pababayaan."

Oh, Lolo. Kung alam niyo lang ang stand niya sa sitwasyong ito. It will really break your heart immensely.

"You sure you are not hiding something from me Lo? It seems like you're dying and you're not telling me the truth. Kaya ka nagmamadaling ipakasal ako!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Enduring LoveWhere stories live. Discover now