Five

81.9K 1.8K 264
                                    

Third Person POV

Alas-sinco ng umaga nagising si Dana. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog sina Tiffany at Tamiya kaya hindi niya ito ginising at dahil maaga pa din naman.

Bago siya bumangon sakanyang higaan ay pinagmasdan niya muna  ang mukha ni Tiffany. Napapaisip pa rin siya kung saan nakuha ni Tiffany ang ganoong kahaba na sugat.

'Parang nahiwa kung saan' sa isip ni Dana.

Nagsimula ng maligo at mag ayos si Dana. Pagkatapos 'non ay naisipan niyang lumabas para kumain.

Paglabas niya ay medyo madilim pa ang paligid samantalang alas-sais na ng umaga. Wala rin siyang nakikitang estudyante na naglalakad sa hallway.

'Bakit ganoon? Nakakapagtaka' sa isip isip ng dalaga.

Nagsimula na itong maglakad papunta sa cafeteria ng 13th Class. Nang makarating siya doon ay wala man lang taong kumakain pati na rin ang mga staff wala din. Kumakalam na ang tiyan niya.

'Bakit walang tao? Gutom na gutom na ko'

At dahil sa walang tao sa loob ng cafeteria ay naisipan niyang lumabas ng Royal Academy para maghanap ng bukas na makakainan dahil baka ikamatay niya pag hindi siya kumain. OA magreact si Dana pagdating sa mga ganitong bagay. Kilala kasi siya na matakaw at mahilig sa pagkain at kapag hindi daw ito nakakain ay baka ikamatay niya ito.

Habang naglalakad siya papuntang gate ay may nakita siyang tao na nakatayo. Nakatalikod ito sakanya at nakasuot ng itim na jacket at itim na jeans. Nagtaka naman siya pati wala ang guard sa tabi ng gate.

Pagkalapit na pagkalapit ni Dana sa taong nakatalikod ay kinuhit niya ito at kinausap.

"Hello? Kuya? Excuse me, Can I go out? I'm really really hungry" sabi nito ngunit wala siyang nakuhang sagot.

"Hello??? Kuya???" pangungulit nito sa taong nakatalikod hanggang sa humarap ito sakanya. Makikita sa mukha ni Dana ang pagkagulat sa nakita. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot.

Ang lalaki ay nakasuot ng maskarang puti at ang disenyo ng maskara niya ay parang lifeless. (katulad siya nung maskara sa The Purge:Anarchy, mukhang lifeless. nasa gilid ang picture. minus niyo lang yun nakasulat na GOD)

"K-kuya?" mabulol bulol na sabi ni Dana.

Nakita niya namang naglabas ng kutsilyo ang taong nakamaskara. Kaya nadoble ang takot at kaba niya. Namamawis, namumutla at nagugutom na ang dalaga. Baka anytime ay himatayin siya.

"K-kuya? W-wag p-po" tumawa lang ng masama ang taong nakamaskara. Paatras naman ng paatras si Dana. Umiiyak na ito sa takot. Hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi rin siya makasigaw. Parang nanuyo ang lalamunan niya sa sitwasyon niya ngayon.

'S-sana s-sana, may m-makakita sa a-amin' pagdadasal nito sa kanyang isip.

Patuloy lang sa pag atras si Dana nang biglang may humawak sakanya sa likod at ipinaamoy ang panyo sakanya na may kakaibang amoy at may halong pampatulog na dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.

"Great Job, tama pala talaga si Uno sa pagpili sayo"

"Shut up and help me!!!"

"Chill. Aga aga, init ng ulo mo" agad naman niyang tinulungan ang kasama at dinala na ang katawan ni Dana.

- - - - - -

Tiffany's POV

"Aaaaaaahh!!!"

"Bakit may ganyan??!?"

"Sino gumawa nan??!!"

"Bakit nasa dorm natin yan?!!"

13th Class (COMPLETED)Where stories live. Discover now