Two

103K 2.5K 890
  • Dedicated to Nathaniel
                                    


Tiffany's POV

Hindi ko maialis ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa pinakang taas ng bahagi ng kwartong ito. Makikita mo sa mukha niya ang pagkagulat.

Siguro hindi niya inaasahan na makikita niya pa ulit ako.

na magkikita pa ulit kami.

Hindi ko rin naman inaasahan iyon.

Matagal tagal na rin simula nung huli ko siyang makita. Ang laki na ng pinagbago niya.

Si Silver. Si Drake Silver Valentine.

Ang kaisa isahang lalaking inibig ko dati.

"Ms. Rochefort, don't just stand there. Please find a seat so I can proceed to my discussion. There's a lot of chairs here" galit na usal ng guro. Tumawa ang iilan sa loob ng klase. Mga mapang-asar na tawa.

Nangingibaw naman ang tawa ng isang babae. Napalingon ako roon at pinagmasdan siya habang naglalakad. Maganda siya, maputi at mayroon siyang kulay blonde at mahabang buhok. Kahit na nakauniporme siya ay makikita mo ang magandang built ng katawan niya na akala mo ay isang model. Mayroon siyang matangos na ilong at kulay rosas na labi. Ganoon rin ang kanyang pisnge. Kung pagmamasdan mo naman ang mata niya ay kulay green ito.

Tumigil naman siya sa pagtawa at tumaas ang kilay niya. Isa lang masasabi ko.

mataray

"Done checking me out?" Sabi nito. looking directly into my eyes. Tsaka niya naman binalingan ang apat na babae na kasama niya roon. "Hay nako girls, nadagdagan na naman ang mga insecure!" pagpaparinig nito na alam ko namang sa akin niya lang naman ipinararating.

Hindi ko na lamang ito pinansin at umupo na sa napili kong upuan.

Hindi ako insecure.

Walang bintana ang kwartong ito. Hindi tulad sa ibang eskwelahan na tinadtad ng bintana. Hindi tuloy ako makakalanghap ng sariwang hangin.

Air-conditioned rin ang buong silid na ito. Iyon ang ayaw ko sa lahat lalo na pag sobrang lakas ng hangin na magmumula sa AC. Mabilis akong lamigin. Siguro kung nasa antartika ako ay wala pa ang isang araw mamatay na ako sa sobrang kalamigan.

"I need to introduce myself again. I am Mrs. Pastrana I will be your mentor for the whole year. So I was saying, ipapaliwanag ko na lang ulit ito dahil may dalawa tayong tranferee so all in all 20 lang kayo sa klaseng ito. Maunti at pili lang kayo dahil espesyal kayo"

"Espesyal? Ha! Kaya pala may special treatment kami rito! Ang pag usapan at layuan ng mga kapwa namin estudyante!!" Sarkastikong sabi ng lalaki. Sa itsura pa lang ng lalaking ito parang siya ang namumuno sa klase. May authority.

"Shut up Mr. Crisostomo!! I know you'll do everything for the sake of your classmates as the president of this class!" Hindi na muli nagsalita yung Si Crisostomo daw. Kaya naman pala siya ganyan dahil siya ang presidente ng klase.

Nagsalita naman ang babaeng mataray kanina "Tsk. tsk. Jake, ayaw mo 'non? mga takot sila sa atin. Hindi sila lalaban sa kahit anong gusto nating sa kanila" Nakangiti ng nakakaloko ang babae.

"Shut up Georgina!!" sabi nung Jake which is the president. Inirapan lang naman siya ni Georgina.

Pangalan pa lang, alam mo nang mataray, maganda at mayaman.

Hindi naman pinansin ng guro iyon dahil kung titingnan mo siya. Nakahawak na ito sakanyang sentido. Halatang nanakit ang ulo dahil sa mga kaklase ko.

"Kaya kayo napunta sa seksyong ito dahil kayo ang mga estudyanteng mayayaman, matatalino, sikat at may mga angking kakayahan. Ngayon lamang nagkaroon ng 13th class at maswerte kayo na kayo ang kauna-unahang batch"

13th Class (COMPLETED)Where stories live. Discover now