Chapter 9

41 2 0
                                    

Chapter 9

“A penny for your thoughts?” Biglang umangat ang mata ko kay Jessica mula sa pagkakayuko. Up until now I still had the hangover sa nangyari kanina. Hindi parin ako makapaniwala that Simon was capable of such a scheme.

“Why did he do it?” Isang tanong ang ibinato ko sa kaniya habang naka-kalong-baba.

She frowned. “Well hindi ako ang makakasagot niyan kundi siya.” Ininguso niya si Simon na kasalukuyang kausap ang kaibigan niyang si Alex sa cellphone niya.

“Ehh ikaw bat mo naman pinatulan pa ang kalokohan niya?” Nagtataka din kasi ako kung bakit may conspiracy na naganap sa kanila. Surely alam ni Jess kung anong nararamdaman ko kay Simon pero ibang usapan naman kasi may proposal pa na para kang nasa movie. Pinapaasa pa nila ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pati ako…

Natawa naman siya bigla sa tanong ko. “Sus! Pero umamin ka kinilig ka noh?”

“Hindi ako tuod and I like Simon. Sino bang hindi kikiligin nun?” Pagtataray ko.

“Yun naman pala ehh. Hayaan mo na iyong tao. Tanungin mo nalang siya mamaya. Magpapakasal na kayo bukas first thing in the morning. Aren’t you excited? Ito ang gusto mo right?” Oo nga pala. Bukas na bukas magbabago na ang status ko. At least for eight months. Bigla ko namang kinuha ang phone ko at tinawagan si tito Vince for a pre-nuptial agreement.

“Kung sana totoo lahat to tatalon talaga ko sa bangin sa sobrang saya.” Sabi ko.

May sumagot naman sa kabilang linya. Pagkababa ko ng phone kunot noo namang nakatingin sakin si Jess.

“A pre-nuptial agreement?” She asked.

“Uh-huh” Tango ko naman.

“Why?”

“Why not?” I countered. “Maghihiwalay kami in time. At alam mo naman ang batas regarding conjugal properties”

“Sabagay tama ka. Talk to him. Mukhang madami pa kayong kailangang pag-usapan. Aalis nadin ako magkikita kami ni Rico…” Pagkatapos ay ngumiti siya.

Tumaas naman ang kilay ko hanggang kisame sa narinig ko. “Now I know kung bakit lately iba ang ngiti mo. Lande!!” Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya sabay baton ng tissue sa akin.

“We’re just friends okay?”

“Naku huwag kang showbiz Jess. Hindi tayo artista, antagal na nating magkaibigan…alam ko ang liko ng bituka mo.” I smiled at her.

She rolled her eyes at me. Pero nagpatuloy ako. “I hope this time you will patch things up.”

Tumayo na siya at ganon din ang ginawa ko and gave her a tight hug. Pagkatapos ay naglakad siya papunta kay Simon para magpaalam. Tinignan ko lang sila habang nag-uusap at niyakap ni Jess si Simon bago umalis ang kaibigan ko.

Pagkaalis naman ni Jessica ay nilapitan ko si Simon. We really need to talk! Maglalakad n asana ko papunta sa kaniya but suddenly nag-ring ang phone ko may message ako from Tito Vince.

From: Tito Vince

Message: All set angel. Pagkatapos niyang mapirmahan ipabigay mo sakin agad bago matapos ang araw nato. Asa unit mo na ang documents na kailangan mo.

Think about it again…

Nagreply naman ako agad para magpasalamat. Nilingon ko naman si Simon na nakikipagtawanan sa isang customer, may hawak pa sa brasong nalalaman ang babae.

DEAL AND MARRY HER?Where stories live. Discover now