Chapter 23

1.7K 57 3
                                    

Chapter 23

     Pagkalipas ng isang linggo ay agad na sinimulan ang pagpapatayo ng building. Kahit na Hapon si Engineer Kumura ay naging mabait siya sa kanyang mga tauhang puro Pilipino. Maging ang architect na kasama niya na si Architect Juan Valdez.

     Sa pamamagitan ng kanilang talino at kaalaman na pinagsama ay nakakasigurado ang mga Broce na maganda ang kalalabasan ng lahat.

     Napakabilis ng proseso, ilang buwan pa lang ang nakakaraan eh may nakikita na silang malaking resulta. Hindi kasi tipid sa budget ang proyekto. Sa yaman ba naman ng mga Broce ay kaya nilang magpalabas ng milyong - milyong piso matuloy lang ang inaasam nila.

     Umulan man o umaraw ay patuloy pa rin ang operasyon habang ang mag-asawa naman ay nasa loob lang ng tent pinapanuod ang mga manggagawa habang basang basa na sila na parang mga basang sisiw sa gitna ng ulan. Wala silang pakialam, kailangang matapos ang lahat sa lalong madaling panahon.

     Nang isang araw... sa bahay ng mga Broce.

Sr. Fernando: What?! I told you already that everything must be done in one year only! One year and you said yes! And now you are telling me that it's impossible?

Eng. Kumura: Yes, I admit I told you that, when we still have the original plan. But right now you are demanding additional floors and improvements.

Sr. Fernando: I don't care, make it happen. This is my money and I am paying you to work for me. One year and that's it. End of discussion.

     Napaupo si Sr. Fernando sa kanyang upuan sa loob ng kanyang opisina sa kanilang bahay sa sobrang galit. Kinuha ni Eng. Kumura ang blue print na nasa mesa at umalis nang tuluyan ng kwarto. Agad namang sinundan ni Magdallena ang binata sa labas habang si Sr. Fernando ay walang pakialam na nakatitig lang sa bintana. Sa labas... sasakay na sana ang engineer sa kanyang sasakyan nang hinila siya ni Magdallena papuntang hardin. Nagtago sila sa isang mayabong na halaman na puno ng mga bulaklak.

Magdallena: I'm so sorry about what happened, he's just not in the mood that's all. He will be fine by tomorrow, you'll see.

Eng. Kumura: He always feel that he's the king of the world and he can have whatever he wants.

Magdallena: Please don't give up the project. Please.

Eng. Kumura: For you, I wont.

     At agad na hinalikan ng binata ang magandang señora.

Magdallena: Thank you. I can't imagine myself not to see you even just in a day.

Eng. Kumura: Me too.

     Napangiti ang ginang sa sinabing 'yun ng kanyang lihim na karelasyon.

Magdallena: You have to go now.

Eng. Kumura: I love you.

Magdallena: I love you too.

     At muli binigyan niya ng pagkatamis-tamis na halik si Magdallena at saka tuluyang umalis sakay ng kanyang kotse.

Matakot Ka! (Book 2)Where stories live. Discover now