Chapter 19

1.7K 49 1
                                    

Chapter 19

     Biglang tumahimik muli ang lahat. Hindi na gumagalaw ang sasakyan at tumigil na rin sa pag-iyak ang dalaga. Nang biglang, may kakaibang kamay ang bumutas sa bubong ng kotse at pumasok sa loob. Pilit na hinahawakan ang dalaga. Hindi masabi ni Stacey kung anong klaseng kamay ang pumasok sa kotse niya, pero ang tanging alam niya ay hindi ito kamay ng tao.

     Malakit ito na may matutulis na mga kuko na kulay itim na parang sa kabayo pero mahahaba nga lang, mabuhok at medyo kulubot na ang braso.

     Pilit na iniilagan ng dalaga ang kamay. Sinuksok niya ang sarili sa ilalim ng kotse, sa may apakan para hindi lang siya mahuli nito. Nang wala nang mahawakan ang kamay ay tumigil din ito at muling lumubas.

     Pero sa paglabas nito ay sumilip naman ang nilalang sa butas. Nakakatakot ang mga mata nito, parang mata ng pusa, pero nanlilisik na parang sa agila na nakakakita ng dagang makakain niya. Ilang segundo din itong nanatili sa butas, pinagmamasdan lang ang dalaga sa loob. Saka ito... tuluyang umalis sa ibabaw ng bubong ng kotse.

     Sa sobrang takot at kaba ay parang hindi na makahinga si Stacey. Tumayo siyang muli at umupo sa driver seat. Pilit niyang binabalik ang paghinga niya nang normal nang naalala niya ang security guard ng parking area na iyon. Hindi gaanong malayo mula sa pinagparkingan nila ng kotse ang guard house. Kaya naman, bago siya lumabas ay nagmasid muna siya. Tiningnan niya muna ang paligid. Parang wala na naman ang nilalang na hindi niya pa matukoy tukoy. Pero para makasiguro, ay kinuha niya ang kanyang cellphone na wala nang pakinabang, binuksan niya ang bintana at hinagis sa harap ng kanyang sasakyan. Nang bumagsak ito sa sahig at gumawa ng ingay ay agad niyang sinarang muli ang bintana at nakiramdam. Wala namang lumabas o umatake man lang sa cellphone na ginawa niyang bitag, para malaman niya kung nasa paligid pa ba ang kakaibang nilalang na iyon. Pero wala talagang nagpakita. Kaya naman nagdesisyon siyang lumabas na lamang ng kotse at humingi ng tulong sa guwardiya.

     Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Una niyang nilabas ang kanyang kaliwang paa tapos ang kabila. Tumayo siya at tuluyang lumabas mula sa sasakyan. Sinara niyang muli ang pintuan at dahan-dahang naglakad papalayo ng kotse na nakapaa. Nang nasa harapan na siya nito ay ginala niya ang kanyang paningin sa paligid at wala na nga ang nilalang na umatake sa kanya kanina. Nang nakumpirma na niya ito ay agad siyang kumaripas nang pagtakbo. Napakabilis nang kanyang takbo, kailangan niyang marating ang guard house sa lalong madaling panahon para makahingi na siya ng tulong. Lingon siya nang lingon sa kanyang likuran at wala namang humahabol sa kanya. Huling liko na lang at mararating na niya ang kanyang destinasyon. Nang sa pagliko niya ay sumalubong sa kanya ang nilalang na nakatayo sa harap ng guard house hawak-hawak ang putol na ulo ng hihingan niya sana ng tulong.

Matakot Ka! (Book 2)Where stories live. Discover now