Chapter 8

1.9K 53 0
                                    

Chapter 8

     Hindi na napigilan ni Beth ang umiyak.

Beth: Gusto ko nang umuwi. Please pauwiin niyo na ako. Please. Hindi na ako uulit. Hindi ko rin 'to ipagsasabi, pauwiin niyo lang ako. Please.

     Biglang gumalaw ang elevator pababa. Nasurpresa ang dalaga at parang gumagana ang pakiusap niya. Gumapang siya palapit sa kanyang mga gamit at bag at kinuha ang cellphone sa loob nito. Pagkabukas niya ng kanyang cellphone...

Beth: Ha?! Ano ba 'yan walang signal.

     Patuloy ang pag-andar ng elevator na pakiramdam mo ay wala na itong planong tumigil. Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang yakapin ang kanyang mga gamit at umupo na lamang sa may gilid. Umaasa na makakalabas din siya na buhay at makikita niyang muli ang kanyang pamilya. Biglang huminto ang elevator at muli ito'y nagbukas. Napapikit na lamang si Beth sa kanyang nakita sa sobrang takot at pangamba. Ang numero 5 na naman na nakadikit sa dingding na kaharap lamang ng elevator na kanina niya pang sinasakyan. Tinitigan ito ng dalaga nang biglang pumasok sa kanyang isip ang isang plano.

Beth: Emergency exit. Hagdanan. Tama. Sa may hagdanan ako bababa.

     Pareho lang ang itsura ng 5th floor sa floor kung saan naka assign ang kanilang departamento kaya alam niya kung saan niya makikita ang emergency exit. Pero naalala niya bigla ang taong nagpakita sa kanya kanina na nakatayo malapit sa pintuan. Kaya bago siya lumabas ay lumapit muna siya sa may pinto at nakiramdam, wala na siyang naririnig na ingay. Kaya kinuha niya ang kanyang bag, nilagay niya sa kanyang balikat at kinarga ang ilang folders at journal na dadalhin niya sana sa bahay nila para tapusin. Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan  ang flashlight nito... at saka kumaripas sa pagtakbo!

     Agad na pinili ni Beth ang kaliwang bahagi ng hallway, lumiko siya dito at naglakad na may kasamang takbo. Diretso lang kanyang tingin gamit ang kanyang cellphone na siyang tanging ilaw niya sa napakadilim na hallway na iyon. Pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga. Pakiramdam niya ay wala na siyang nahihigop na oxygen papasok sa kanyang katawan. Punong puno na siya ng pawis. Alam na alam ni Beth kung saan siya papunta. Memoryado na niya ang daan at ang pasikutsikot. Liko dito, liko doon. Punta dito, punta doon. Sa kabila ng takot at kilabot na kanyang nararamdaman ay hindi pa rin nawawala ang pagiging matalino ni Beth. Hindi ito naging sagabal sa pag-alala niya kung ano ang dapat tahakin na daan papuntang exit.

     Habang nasa hallway ang dalaga papuntang exit, ay biglang may tunog siyang narinig. Isang tunog na pamilyar sa kanya at ayaw na niyang marinig. Ang tunog ng paghinga. Ang taong nakatayo kanina malapit sa elevator ay sinusundan siya. Sa sobrang bilis ng kanyang galaw ay naabutan pa talaga siya ng masamang elemento, kung gaano kabilis ang kanyang paglalakad ay ganon din ito.  Hindi talaga lumingon si Beth, patuloy lamang siya sa kanyang ginagawa. Habang bumibilis ang kanyang paglalakad na kung titingnan mo ay takbo na ay biglang nahulog ang ibang papel mula sa loob ng folder na hawak-hawak niya.

Beth: Ah!

     Pero hindi na ito pinulot ng dalaga. Naglalakad pa rin siya habang ang taong nasa likod niya ay walang tigil naman sa kakasunod sa kanya.

     Sa wakas at tanaw na ni Beth ang salitang EXIT na siyang tanging nakabukas na kulay pulang ilaw. Ilang hakbang na lang at maabutan na niya ito, pero ang lalaking nasa likod niya ay ilang hakbang na lang rin ay maabutan na rin siya.

     Agad na nilagay ni Beth ang kamay sa harapan niya at siyang unang humawak sa pinto. Agad niyang hinawakan ang emergency bar, pinindut at inangat ito at nagbukas naman ang pinto... at nakapasok nang ligtas ang dalaga.

Beth: Ha! Ah! Hah! Hah! Hhhhhhh... hah!

     Napahiga si Beth bigla sa sahig sa pagpasok na pagpasok niya. Pilit na hinahabol ang kanyang hininga. Sa wakas ay narating din niya ang destinasyon niya. Ang tanong, uubra kaya ang pinaplano niya?

Matakot Ka! (Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora