Panimula

4.5K 79 0
                                    

Panimula

Limang kabataan ang nakatayo sa harap ng isang napakalaki at napakataas na gusali. Isa sa mga kilalang lugar sa Maynila. Ang lumang gusali na pagmamay-ari ng mga Broce, isang prominente at maimpluwensyang angkan sa buong siyudad mula pa noong panahon ng pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nasa harap lang sila nito, pinagmamasdan ang katanyagan ng naturang estruktura ng ilang segundo. Sa ilalim ng sikat ng araw sila'y nakatayo habang nakalagay ang kamay nila sa kanilang noo para proteksyunan ang mga mata sa matinding init ng panahon. Napakaraming tao sa kalsada, rush hour kasi. Lunes na lunes, unang araw ng pagpasok sa trabaho at eskwela. Hindi na pansin ng magbarkada ang daang-daang mga taong nakapaligid sa kanila, naglalakad paroo't parito.

Si Jake ang tisoy ng barkada. Anak mayaman, sporty, cool, habulin ng mga babae. Si Pink naman ang birhen, ang mahinhin, anak ng isang pulitiko. Si Joaquin, ang probinsyano pero ang pinakamatalino sa grupo. Si Raquel ang pinaka-astig sa barkada. Limang hikaw sa kaliwang tenga, tatlong hikaw sa kabila, dalawa sa ilong isa naman sa dila. At ang panglima, si Miguel ang bunso, isang simpleng tao na may simpleng pangarap. Ang makapagtapos at makatulong sa mga magulang.

Jake: Ano? Tuloy ba natin? Mamayang gabi?

Pink: Sigurado ba 'yan? Baka naman wala tayong makukuhang scoop diyan ha.

Joaquin: According to my research puno ng kwento ang lugar na 'yan. Kaya sigurado ako 100% na ang gusali at ang nakaraan niyan ang magliligtas sa ating pag-aaral para sa last at final project natin.

Raquel: Oo nga naman. Alangan namang maghahanap pa tayo ng iba at baguhin ang plano. Wala na tayong panahon. Mabuti nga napakiusapan ng mga magulang ni Pink ang mga Broce na payagan tayong kumuha ng scoop sa loob ng property nila mamayang gabi. Kaya tuloy natin 'to, okay?

Miguel: Agree ako. So anong oras?

Pagsapit ng gabi, eksaktong alas diyes ay nagkita-kita ang magkakaibigan sa labas ng gusali. Kakarating lang ni Pink sakay ng mamahaling sasakyan nila na Jaguar na kulay Charcoal Grey.

Pink: Sige po manong, pakisabi na lang kay dad na tatawag na lang ako pagtapos na kami dito. Huwag niyo na po akong hintayin. Sige po salamat. Ingat po.

Wika ni Pink sa kanilang driver bago ito umalis at iwan siya sa kanyang mga kasama sa kalagitnaan ng gabi sa labas ng lumang building.

Jake: Ano pasok na tayo? Huwag na tayong mag-aksaya ng oras.

Agad na naglakad ang lima papuntang gusali, inakyat nila ang hindi gaanong mahabang hagdanan papunta sa entrance ng naturang lugar. Palingon lingon sila at minamasdan ang paligid. Napakatahimik ng lugar. Konti lang ang mga posteng nakabukas. Medyo malamig ang simoy ng hangin. Napakabilog ng buwan, napakaliwanag at pinapalibutan ito ng konting mga ulap.

Joaquin: Nasaan na ba dito ang security, hindi ba nasabihan ng mga magulang mo ang mga Broce Pink na ngayong gabi tayo pupunta at kukuha ng scoop?

Pink: Abay malay ko. Wala naman po kasi ako noong nag-uusap sila.

Raquel: Naku hanapin na lang natin ang security sigurado nandyan lang 'yan sa paligid. Miguel buksan mo nga ang flashlight.

Miguel: Ah oo, wait lang.

Agad na kinuha ng binatilyo ang flashlight sa loob ng backpack na dala-dala niya sa kanyang likuran. Binuksan niya ito at ginawang mata nila sa madidilim na bahagi ng lugar. Malapit na nilang marating ang entrance ng building at wala pa rin silang nakikitang gwardiya.

Jake: Tao po! Nandito na po kami, ang mga studyanteng kukuha ng konting scoop! May tao ba dito?!

Miguel: Hello...! Manong?!

Nang narating na ng lima ang main door ng gusali....

Raquel: O ano, dito na lang ba tayo? Tatayo, tutunganga?

Pink: What do you mean?

Joaquin: Ang ibig niyang sabihin, hindi ba tayo papasok eh nandito na lang din naman tayo.

Pink: Wala 'to sa pinag-usapan ng mga magulang ko at mga Broce na mag tretrespassing tayo.

Jake: O sige nga. Ano ang naiisip mong paraan?

Nag-isip ang dalagita ng paraan ngayong walang security guard silang nakikita simula nang dumating sila na siya sanang sasama sa kanila na mag-ikot sa buong gusali para sa gagawin nilang project.

Pink: Okay fine. Pero paano kung mahuli tayo, at akalain nila na mga magnanakaw tayo at pagpuputakan nila tayo. At isa pa, parang nakalock naman 'yang pinto eh, paano tayo makakapsok?

Pagkatapos na bigkasin ni Pink ang mga katagang 'yon ay biglang nagbukas ang pinto ng konti nang kanya-kanya lang. Nagtinginan ang lima.

Jake: Hangin. Masyadong malakas na kasi ang hangin. Kaya pumasok na tayo.

Walang takot na pumasok sa loob ang binata at binuksan ng malaki ang pinto para sa mga kaibigan.

Jake: O ano na? Let's go.

At nagpatuloy sa paglalakad papasok ng gusali habang ang apat ay nagtinginan sa isa't isa at agad na sinundan si Jake. Nang nakapasok na ang lima sa loob ay muli, nagsara ang pinto nang mag-isa.


Matakot Ka! (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon