Pinagtagpo pero hindi itinadhana

33 23 0
                                    

Bakit mo pa ako pinasaya?
Kung maghahanap ka lang pala ng iba.
Nasaan na yung mga katagang " ikaw lang sapat na "
Bakit tila nagbago at kinalimutan mo bigla.

Bakit ka nag-aalala?
Sa tuwing ako'y may problema.
Hanap-hanap ko parati ang iyong presensiya,
Kasi nga mahal kita.

Bakit mo pa ako pinasaya?
Nung mga panahong tayo'y ayos pa.
Ngayon ikaw naman ang dulot nitong
Lungkot na aking dala-dala.

Tinanong kita kung
" Bakit di ako? At bakit siya? "
Ang naging sagot mo ay
" Simple kasi iba siya, at iba ka. "

Kaya mula noon pinilit
Kong dumistansiya,
Kahit parati kitang naaalala,
At sinubukan kong wag nang ichat ka.

Nasasaktan ako pero kung siya na at
Masaya ka sa piling niya,
Handa akong magparaya kahit ikakadurog ng aking puso't kaluluwa.

Oo marupok ako pero sa
Pagkakataong ito,
Hindi na ako maghahabol sa'yo
At hahayaan ko na lang kayo.

Kakalimutan kita kahit ako'y nahihirapan.
Bubuuin ko ulit ang aking sarili,
At ipapangakong hindi na muling sasaktan.

Sana pala di na lang tayo nagkakilala
Para hindi ako nasasaktan ngayon ng sobra-sobra.
Isa tayo sa mga naging halimbawa ng
" PINAGTAGPO PERO HINDI ITINADHANA. "

---------
Mariel Ramirez😘 ( Classmate / special friend)

PoemsWhere stories live. Discover now