Paki-usap aking kaibigan,
Wag kang sumuko at ipagpatuloy mong lumaban,
Wag mong isipin na kami'y walang paki alam,
Sapagkat lagi kaming nag-aalala at ika'y aming binabantayan...Paki-usap kaibigan ko,
Wag mong isipin na wala kang kwenta,
Wag mong isipin na nag-iisa ka,
Dahil andito lang kami na lagi mong makakasama....Kaibigan tandaan mong nandito lang kami kapag kami'y iyong kailangan,
Maaari mong sabihin sa amin ang mga problemang iyong pinagdadaanan,
At para narin ika'y aming matulungan,
At lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin,kaibigan..
👭👭👭👭👭
YOU ARE READING
Poems
PoetryPs: Hindi po lahat ng mga tulang nandito ay sa sakin. Merong tula dito ay gawa ng mga kaibigan at classmates ko. Meron din dito ay mga tulang nagustuhan ko. Salamat😊