Naaalala ko pa ang araw na ako'y iyong niligawan,
Sinabi mo sa aking mahal mo ako at ito'y iyong papatunayan,
Pinapakilig mo ako sa mga matatamis na salitang iyong binibitawan,
Pero hindi ko akalaing ganon kabilis mo ako susukuan...Inaamin kong wala pa akong balak na ika'y sagutin,
Dahil sa isip ko'y pag-aaral muna ang dapat unahin,
Naging kampante ako na ako'y iyong hihintayin,
Pero nabalitaan kong may ibang babae kanang pinapakiligin...Ilang linggo ang nagdaan,
Nabalitaan kong kayo na nung babaeng bago mong nililigawan,
Siyempre nung una'y magkahalong sakit at dismaya ang aking nararamdaman,
Pero napag-isipan kong maging masaya na lang sa inyong pag-iibigan...Dedicated to Zyndrell Felix.
👩💔👨
YOU ARE READING
Poems
PoetryPs: Hindi po lahat ng mga tulang nandito ay sa sakin. Merong tula dito ay gawa ng mga kaibigan at classmates ko. Meron din dito ay mga tulang nagustuhan ko. Salamat😊