Chapter 15: Dark Field on Campus

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong gagawin natin tungkol dito?" tanong ni Snow.

"Wala kang gagawin kundi maging mapagmatiyag. Baka isa sa mga kaklase mo ang may gawa nito. Habang ako ay magiging abala sa paghahanap sa focal points ng field na. Para mapigilan o mapahina ko man lang ito. Naka set na ang field at tanging ang caster lang ang makakapagpatigil ng activation nito." mahaba kong salaysay.

     Nagpalabas pa ako ng lima pang familiars at pinakalat ito sa buong paligid. Gamit ng hiding spell ay ginawa kong invisible ang mga ito para hindi mapansin ng ibang charmers.

"Bumalik ka na, at kikilos narin ako." pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis narin akong naglaho gamit ng aking charm.

      Una kong napuntahan ang likod ng sophomore building. Sa may damuhan. Nakita ko ang isang malaking bato. Nang lapitan ko ito ay nagulat ako. May charm residue doon. Nilabas ko ang aking staff at pinatong ang dulo nito sa bato. Bigla ay umilaw ito at lumabas ang isang markings mula dito.

"Isang 'Sigil' ?" yun ang aking nasabi ng makita ko ang marka.

      Tinignan kong mabuti ang marka. Kakaiba ito sa mga sigil na nakita ko. Hindi pamilyar at mukhang gawa ng isang malakas na charm. Isang caster lang ang maaaring makagawa nito isang malakas na caster. Pero sino naman dito ang gagawa nun? Kahit hindi ko alam ang magagawa ng sigil na ito ay tiyak kong makakasama sa buong academy.

      Kung may traydor man, ano ang dahilan niya? Kainis, kaya ko lang pahinain ang epekto nitong sigil pero hindi ko mapipigil ang field na gumana. Hinawakan ko ang Sigil mark at ginamitan ng charm ko. Nagfade lang ito at hindi lubusang nawala sa bato. Nakita kong umuusok ang palad ko. Napaso sa ginawa kong hakbang.

"Lintik naman oh" sabi ko. Kailangan kong maging maingat, hindi ko alam kung sino ang kaaway ngayon. Maging sina Chase at Serena ay pinagdudahan ko na. Isip Hugo, mag-isip ka!

     Natunton ko pa ang ilan sa mga Sigils at pinahina ko ang lakas nito. Nagkalat ito sa buong campus na tila pinalilibutan ang kabuuan nito. Ano bang balak ng may gawa nito? Balak ba niyang ikulong ang lahat ng nandito sa academy?

     Duda ko ay isang containment field ang na-set up ng may ari ng sigil. At kung ganon man ay makukulong kaming lahat oras na itinaas na ang field. Walang makakasira nito kahit na ang special charm ni Ariela. Sa dami ng active Sigils na nagkalat sa paligid ay mahihirapan si Ariela na patigilin ito.

     Hindi na maganda ang mga pangyayari kaya kailangan kong gumawa ng hakbang.

Gamit ng charm ko ay naglagay ako ng simpleng spell sa paligid ng bawat sigils sa campus. Ito ay upang maabisuhan ako sakaling may gumalaw sa mga ito. Sa pamamagitan nito ay malalaman ko kung sino ang salarin.

      Natapos ang buong araw at napagod ako sa aking ginawang paghahanap ng mga focal points. I was walking sa lobby ng makasalubong ko ang dalawang estudyante. Isang magandang babae na mahaba at medyo kulot ang dulo ng buhok at isang matangkad na lalaking nakasunod dito.

"Late na mga bata. You should be on your dorms." sabi ko sa mga ito.

Huminto ang mga ito sa harap ko.

"May dinaanan lang po, sir.." sabi nung lalaki.

"Hugo, call me sir Hugo." pagpapakilala ko.

"Marco nga po pala, And this is Amber." pakilala nito sa akin.

So, this is Amber? Such a beauty pero may kakaiba sa kanya. Sa kanilang dalawa. They both smell like Dark Magic pero di naman sila mukhang magi o mage na gaya ko at ni Snow.

Amber's Fire: The Cursed CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon