Chapter 5: Dark and Light

8.1K 287 46
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories

"Snow's POV"

    Gosh! Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Too much to handle na. Ang simpleng friendly match ay parang naging war zone. Involve pa ang dalawang kaibigan ko. Hay naku, ano na naman ba ito?

  

    The new girl Amber, hindi ko alam na meron pala siyang ganong tendency na magalit. Nakakatakot ang charm niya sobra. Iba sa pakiramdam at alam kong malakas ito. Higit na mas malakas sa apoy ni Jett. Biruin mo, sinalo lang niya ang apoy ni Jett using her hands at hindi man lang siya napaso. Buti nalang ginamit ni Ariela ang charm niya para patayin ang charm ni Amber. Dahil kung hindi, tustado si Jett ng sarili niyang apoy. Parang nagkaroon kasi ng bounce back effect ang charm ni Jett kanina ng mahawakan ni Amber. 
.

Delikado ang charm niya... Dapat mag-ingat si Ariela siya pa naman ang makakaharap ni Amber.

.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila Jett at Ariela kasama ni Collin.

.

"Ano, ayos lang kayo?" I asked Ariela.

.

"Yes, ayos lang Snow." sagot niya sa akin pero hindi maipinta ang itsura niya.

"O, what's with that look?" hindi ko napigilang itanong.

"Snow, ang charm niya..." sagot ni Ariela na medyo hanging.

"Anong nasa charm niya?" si Collin ang nagtanong.

"Hindi ko napatay ang charm niya Snow, Collin." sagot niya sa amin. "Nagkaroon lang ng charm reaction kaya sumabog ang mga charm namin nang magdikit ang mga ito."

.

"Anong ibig mong sabihin Ariela. Hindi umiepekto ang charm mo sa kanya? Meron bang ganun?" sabi ko.

.

"Hindi ko alam Snow. Muntik ka na kanina Jett! Buti na lang umabot ako." sabi ni Ariela na medyo teary eyed na.

So ibig sabihin nito critical sana ang lagay ni Jett if hindi umabot si Ariela sa tamang oras. Nakaramdam tuloy ako ng takot. Takot sa charm ng bago naming kaklase. Isang charm na hindi kayang patayin ng Special Charm ni Ariela. Meron bang ganon?

.

"Amber's POV"

     Inaalalayan ko parin si Marco dahil nanghina siya sa nangyaring match. Plus iniinda pa niya ang injuries niya sa katawan.

.

"You can let go now. I'm ok na." he said nung makaupo na kami.

.

"No you're not!" napalakas kong sabi. But I don't even care. "Kailangan mong magamot."

.

"Nagpatawag na ako ng Nurse Amber. She'll be here any moment." sabi ng teacher namin.

.

"Well then, ihahatid ko nalang si Marco sa clinic. Matagal pa naman ang match ko." sabi ko.

.

"Well you have a point there." sabi ni sir Chase tapos napangiti. "Pero alam mo na ba kung saan ang papuntang clinic?" tanong niya.

.

"Hindi po. Magpapasama nalang ako kay Mira." wala akong ibang maisip na iba.

.

"Ok, you may go. But, be right back before fifteen minutes ok.?"

Amber's Fire: The Cursed CharmWhere stories live. Discover now