Chapter 19: Weaken (Charm Eater)

4.8K 159 8
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulaypinoy Stories 2015

.

Hello sa lahat! It's been what? Two months since my last update. Medyo natagalan ng kaunti kasi pinag-iisipan ko pang mabuti ang ending nito.

Alam kong na-miss nyo tong story na ito. At nalalapit na ang pinaka aabangang pagtatapos! Oo mga two chappy na lang po at matatapos na ito.

Meron na ba kayong clue on how things will end up?.....

Hehehe...... Magpapasalamat narin ako sa lahat ng tumangkilik sa story na ito at sa iba ko pang mga akda. Lagi pong napapasali sa Top 30 Hot stories ang ilan sa mga gawa ko. Namely sa Adventure at Science Fiction categories po. And it won't be posible kung wala ang support ninyo.

Kaya naman po ay inspired akong magsulat dahil dun at sa mga nababasa kong positive reviews about my stories. Not just here in wattpad, pati narin sa iba pang websites po. THANK YOU VERY MUCH!

Hidi ko na pahahabain to ok..

Back to story....

.

"Snow's POV"

Nagpapalitan kami ng kapangyarihan ni Acacia. Mabilis at malakas talaga ang taglay nitong charm. Pero ganon din naman ang nararamdaman ko sa aking sarili. I feel somehow different now. Kasama ko si Collin na humaharap sa kanya at sa isang pagsalakay ni Collin ay nakakita ako ng pagkakataong matamaan si Acacia.

Nang tamaan ito ng gintong liwanag ay agad itong sumabog. Pero alam naman naming hindi sya ganong kadaling mapatay. Ang kaninang si Maria na lumaban sa earth dragon ay wala na. Natalo nito ang kaaway kaya nagpatuloy itong sumunod sa kinaroroonan nila Ariela.

"Wala ka nang matatakbuhan Acacia." sigaw ni sir Hugo dahil balot na ng nyebe ang buong gubat. Lumalamig na ang paligid namin at pansin kong humihina ang kapangyarihan ng enchantress.

"Devine Circle!" nagcast ako uli ng isang spell. Pinaikot ko ito sa paligid namin ni Collin at ng mga kasama kong casters.

"Hindi maaari! Iisa lang ang kilala kong nakakagawa nyan!" sabi ni Acacia.

"Si Aesh, hindi ba?" sagot ko.

"Sorry to disappoint you, I'm one of her descendant." dagdag ko pa.

Itinaas ko ang hawak kong wand at itinutok sa kalangitan. Buong lakas akong nagconcentrate.

"Blinding Light!" sumigaw ako ng buong lakas.

Magmula sa himpapawid ay may lumabas na nakakasilaw na sinag at direkta itong tumama sa kinaroroonan ng tatlong Acacia.

"Ahhh!.... Hindi ito pwede!" nagsusumigaw sya.

"What happened?" nagtanong si Collin. Pansin kong hingal na hingal ito at may mga iilang sugat sa braso at binti.

"Pinutol ko ang kanyang ugnayan sa kagubatang ito. Pero may isa pang Acacia na malayang nakakagalaw. Ang tunay niyang katawan Collin." sagot ko.

Natigil narin ang paglabas ng mga kakaibang nilalang sa paligid at muling naging payapa. Sugatan na sila Miss Serena, sir Chase at sir Hugo pati narin si Senior Sebastian at ang ibang mga charmers. At maaaring may mga nasawi pa yata.

"Magaling Snow!" pilit na ngumiti si Sir Hugo kahit na nahihirapan itong igalaw ang kaliwang braso dahil sa may malaking hiwa dito na patuloy na nagdurugo.

"Hugo, Chase halina kayo dito at gagamutin na iyang mga sugat nyo." nagsalita si Miss Serena.

Pumunta ang mga ito sa isang malawak na damuhan na di malayo sa amin kasama ng mga iilang mga healers na pinatawag ng principal.

Amber's Fire: The Cursed CharmWhere stories live. Discover now