Chapter 15: Dark Field on Campus

5.8K 171 22
                                    

All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2014

"Hugo's POV"

      Second day ko ito ngayon sa academy at mas lalong lumalakas ang enerhiyang nararamdaman ko. Isang charm signature, kaya naman ay napagpasyahan kong libutin ang buong kampus mamaya pagkatapos kong magturo sa klase ko.

"Nakuha niyo ba ang simpleng paraan para isagawa ang barrier spell?" tanong ko sa mga estudyante ko. Iilan lang naman sila. Mahigit sampu lang at kabilang dito si Snow.

"Opo!" sagot ni Snow sa akin. Kaso yung ibang kaklase niya ay di maipinta ang mukha. Nahihirapan yata sa pinapagawa ko. Simpleng barrier spell lang naman, isang class C spell. Mainam na panlaban sa mga offensive charms.

        Spells and Curses ang subjects na hinahawakan ko. Nga pala sa larangan ng pangkukulam o witchcraft ay may levels o class ang mga spells at sumpa. Class D o ang mga mahihinang spells at madaling i-cast. Class C for those defensive spells and Hex. Class B for offensive and highly destructive spells. At Class A for bloodline Spells and Curses, yung mga minanang kapangyarihan mula sa salinglahi. Pinaka malalakas sa lahat.

        So far si Snow lang ang meron nun dito. Meron siyang mga ancestral curse and spells at ang dalawa nga dun ay nagamit niya sa akin nung nagharap kami sa kagubatan ng Cremul. Malakas ang lahing pinagmulan niya kaya may potensyal siyang maging malakas.

       Pero ano ba? Hindi ko dapat ituon ang sarili ko sa pagtuturo. May bagay akong gagawin!

"Yan na muna sa ngayon mga bata. I have to do something." and after that ay nagpalabas ako ng mga familiars na anyong ibon. Yari ito sa berdeng liwanag at lumilipad ito paikot sa akin habang may manipis na sinulid na gawa sa charm na nakakunekta sa likod ng aking ulo.

"O, sya aalis na ako." tumalikod na ako at lumabas ng silid. Allowed akong gamitin ang charm ko sa campus dahil nirequest ko ito kay Principal Williams.

     Para mas mapadali ako sa mga gagawin ko.

Hahanapin ko ang pinangagalingan ng charm na naaamoy ko sa hangin.

"Sir, Hugo." bigla ay narinig kong tawag ni Snow.

"Yes?" tanong ko.

"Ang libro mo." sabi niya at inabot ang librong naiwan ko.

"Ahh... nawala sa isip ko eh. Nagmamadali kasi ako." sagot ko. "Salamat!"

"Your welcome! Nga pala bakit ka nga nagmamadali?" tanong niya na medyo nag-iba ang ekspresyon ng mukha. Nagdududa ba siya?

"Gusto mo bang malaman?" balik kong tanong.

"Oo, baka makatulong ako sayo." sabi nito sa akin.

"Alright, but before I tell it to you, promise me na ililihim mo muna ito sa iba." mabuti narin at may mapagsabihan ako at ng may makatulong din sa akin.

     Tumango lang ito sa akin.

Dinala ko siya sa isang di mataong parte ng campus bago ko sinabi sa kanya.

"ANO?" sigaw nito,

"Ang bibig mo.." saway ko sa kanya.

"Ay, sorry!" kinalma agad nito ang sarili bago nagsalita.

"May dark field sa campus? Nakakagulat lang kasi. Hindi ba ito na-detect ng charm field na bumabalot sa buong academy?"  dadag niyang tanong.

"Hindi, dahil naka-conceal ito at hindi pa lubusang gumagana. Kulang pa sa lakas." sabi ko.

Amber's Fire: The Cursed CharmΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα