Ate Barbie, who is sitting behind us, leaned in between me and Ayumi.

"May nagsabi ba sa inyo na pupunta kayo rito? This is supposed to be a secret." tanong niya. Umiling naman kami pero napaisip ako kung may napagsabihan ba ako. Maybe I told Zian? Pero hindi naman nagkakalat ng ganong bagay ang kakambal ko at hindi naman masyadong big deal ang pagpunta namin dito for me to tell him.

Ilang saglit pa ay pinaupo na ang lahat at pinaalalahanan na i-silent mode o i-off ang mga mobile phone para hindi makasagabal sa play. The lights dimmed and the music started to play.

I suddenly missed my high school days. Napaka aktibo ko noon pagdating sa musicals at pagpeperform. Nakakalungkot lang dahil noong nagcollege ako ay hindi ako nakasali sa kahit anong extracurricular activities ng eskwelahan dahil abala ako noon sa audition at training. Bihira lang din akong makasama sa gala ng mga kaibigan ko because I have to go straight sa Aspire or at home to rest.

Binigyan ng standing ovation ang cast nang matapos ang play. The director and staff also made an appearance.

"Thank you so much for making time watching.."

Habang nagsasalita ang director ay kinalabit ako ni Ayumi kaya napatingin ako sa kanya.

"Punta lang kami ni May sa restroom," she said. I tried to glance at May kahit medyo madilim but Ayumi blocked my vision.

"Sige. Sama niyo sina Ate baka mamaya dumugin kayo sa labas," I told her. Tumayo naman ang assistants nila at sinamahan sila palabas ng hall.

Sa dressing room kung nasaan si Eugene na kami nagkita-kita. Sobrang nagpapasalamat si Eugene dahil naisipan ni Amy na dalhan siya ng pagkain dahil hindi raw siya nakakain ng maayos kanina bago magsimula ang play because of nervousness. She's busy eating while we're waiting for the others.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Amy nang makapasok ang dalawa sa kwarto.

"Nako. Ang daming fans na nakaabang sa labas ng banyo kanina. Ang hirap tuloy umalis," kwento ng assistant ni May.

We took photos and talked inside. Naibilin daw ni Cellyn na magdidinner kami sa isang restaurant pagkatapos nito to celebrate the success of our solo activities.

"Well, ang movie na lang ni Ziana ang huli. After the promotions and all, you're off to release your mini album," Cellyn informed us. "While she's busy, makipagcooperate na kayo sa composers para sa mga solo songs niyo."

Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon at kumakain na ng main course. Hindi gaanong nakikinig si Amy at Eugene dahil gutom ang dalawa, sina Ayumi at May naman ay parang may sariling mundo sa kabilang dulo ng mesa. Our assistants and drivers are seated at the other table sa loob nitong private function room.

"Naglabas na ng balita na magkaka-movie kayo ni Conrad at sa isang araw na rin ang script reading," patuloy ni Cellyn. She seems not to mind that I'm the only one listening to her.

"Medyo magiging hectic na po pala ang schedule ko," kumento ko.

"Yes. Ganon din naman sa mga kagrupo mo. Nakatanggap ako ng offer to give Eugene a small acting stint pero irereview pa namin iyon at si Amy naman ay magja-judge sa isang talent show."

"How about Ayumi and May po?" tanong ko. Cellyn tilted her head tila may sinusubukang alalahanin.

"Ah! Si Ayumi may modeling stint uli for an international brand maybe at Japan or Korea. As for May, wala pa akong natatanggap."

While serving the desserts, nagpaalam ako na pupunta lang sa restroom. Tatayo sana si Ate Barbie para samahan ako but I told her that I can go there alone, mukha namang walang fans sa labas. I grabbed my bag at lumabas ng function room. Tahimik lang ang restaurant at mukhang hindi naman abala. There were only a few guests but they're all celebrities, businessmen or high profile individuals. Na-conscious tuloy ako sa paligid. Good thing we decided to wear semi-formal clothes.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now