Chapter 2 -- 18th Birthday of HOPE

19.6K 369 67
                                    

Imperial Series III by Aya_hoshino

------Akira's POV------

Sumilip ako sa pinto ng kwarto ni ate Kai at ni ate Nayomi. Roommates kasi sila kaya nasa iisang kwarto lang sila. Tulog si ate Nayomi habang si ate Kai naman ay may tinitipa sa kaniyang laptop.

"Ate Kai." Pumasok ako sa loob at nagtuloy-tuloy sa kaniyang kama at tumabi sa kaniya. Agad niyang sinara ang kaniyang laptop bago siya humarap sa akin.

"Ate Kai anong ginagawa mo?" Usisa ko rito.

"Akira bakit gising ka pa?" Di niya sinagot ang tanong ko.

"Huhu, sinipa kasi ako ni kuya Cyrus sa mukha eh!" Sumbong ko sa kaniya. Kami naman ni kuya Cyrus ang roommate kaya madalas niya akong nasisipa sa mukha. Sa likot niya kasing matulog ay tumatawid hanggang sa kabilang kama ang paa niya para manipa.

"Hay ang likot naman kasi nun eh." Komento ni ate Kai.

"Ate anong sinusulat mo?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Ah ito? Ito ang kasaysayan kung bakit nagkaroon ng cute na Akira ang Imperial Family." Saad niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang natatarantang si manang Lily. "Kai, andiyan na ang mga mafia!"

"Akira magpanggap ka nang natutulog." Inalalayan niya ako pahiga sa kama niya and kissed me on the forehead.

Paalis na sana siya ng hilahin ko siya pabalik. "Ate Kai, ika-labinwalong kaarawan mo na ngayon di ba? Happy Birthday!" Bati ko rito.

Di niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha. "Salamat, sleep tight baby boy, kailangan mo ng lakas para protektahan ang ating angkan sa hinaharap." Hinaplos niya ako sa noo at saka hinalikan.

Pumikit na ako at pinilit ko ang aking sarili na makatulog.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng tunog ng papalanding na chopper kaya napadilat ako at si Nayomi naman ay nagising sa ingay nun.

"Si ate Kai ba kinukuha na nila?" Naalimpungatan nitong tanong.

Tango lang ang sagot ko.

Dali-dali siyang nagtatakbo palabas kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Pagdating sa labas ng kweba ay nagsi-labasan din pala ang mga pinsan ko sa kani-kanilang mga kwarto kaya sabay-sabay naming hinabol si ate Kai.

"Ate Kaiiiiii!!!!" Tawag naming lahat sa papaalis na si ate Shekainah.

Bago pa man nakasakay sa helicopter si ate Kai ay lumingon muna siya sa amin. Pinahid niya ang mga luha niya at saka nagtatakbo pabalik sa amin. Doon na kaming lahat nag-iyakan. Nakakalungkot isipin na makakaalis nga kami sa isla pero kailangan naman naming maghiwa-hiwalay.

"Tandaan niyo lagi ang mga bilin ko ha." Paalalang muli ni ate Kai.

"Oo ate Kai pangako." Koro naming magpipinsan.

"Alalahanin niyo, walang Levi Moldovan at Tristan Garcia na poprotekta sa atin kaya mag-ingat kayo dun. Di rin natin maaasahan ang tulong ni daddy Ses dahil alam niyo naman na di pa niya matanggap ang pagkawala ni Darius. Ayaw din makialam ni papa Dylan, tito Jay at tito Clifford dahil baka mas mapahamak lang tayong lahat. Si tito Artemi naman at ang Imperial Brothers kailangan mag-concentrate sa mga negosyo natin upang masigurong may mga mamanahin pa tayong lahat." Mahaba niyang litanya.

"Mana? Sila ang kailangan natin hindi pera!" Pag-angal ni Tamaki.

"Nasasabi mo yan ngayon Maki dahil nabibigay naman dito sa isla lahat ng pangangailangan mo pero sa oras na lumabas ka na dun makikita mong kailangan natin ng pera upang mabuhay. Kaya maaasahan ko ba nag kooperasyon niyong lahat?" Tanong ni ate Shekainah sa amin.

Imperial Series IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon