Chapter 1 -- Meet the Third Generation

29.8K 444 69
                                    

Imperial Series III by Aya_hoshino

-----Shekainah's POV-----

Muling lumitaw ang isla sa pusod ng dagat kaya nagkaroon na naman kaming magpipinsan ng pagkakataong makita ang araw. Kapag ganitong mga panahon ay nagbababad kami sa ilalim ng init ng araw at naglalaro sa buhanginan.

"Kuya Earth! Kuya Earth! Turuan mo naman akong mag-magic!" Hiling ng pinaka-bata sa aming magpipinsan na si Akira.

"Oh sige ba." Agad naman nagpaunlak ang aking kapatid na si Earth.

Habang nagpapamalas ito ng kaniyang angking galing ay binuksan ko ang lagi kong bitbit na laptop at nagsimula na namang magtipa. Kailangan ko kasing isulat ang mga ugali at talento ng 3rd Generation upang wala akong makaligtaang detalye.

Una na nga diyan ang kapatid kong si Earth. Matangkad, gwapo at lalakeng-lalake sa tindig at porma. Biniyayaan ng maumbok na adams apple na siyang dahilan yata ng malalim niyang boses. 12 years old pa lang siya ngayon kaya alam kong may mas ilalalim pa ang boses niyang yun sa hinaharap na siyang magbibigay kilig sa mga babaeng makikilala niya.

Bukod sa kakisigan ay may angking talento din siya sa pag-mamagic gamit ang mga cards kaya naman tinawag namin siyang Earth 'The Card Master' Ocampo. Di namin alam kung saan niya nakuha ang kakayahang yun basta nawili na lang siya sa panonood ng mga magic shows sa youtube at inidolo na lang niya bigla si David Blaine, ang world's greatest magician.

Nung magsimula na siyang mag-magic ay pinalibutan na agad siya ng mga pinsan namin na sina Clyde, Cyrus, Nickel, Nayomi, Acer, Tiffany at Akira. Wala siyempre si Tamaki dahil nagmumukmok na naman yun sa kaniyang kwarto. Pati ako ay nakatanga sa harapan ng aking kapatid upang tingnan ang ipamamalas niyang galing.

"Sa apat na card na ito, pumili ka Akira ng isa at tandaan mo sa iyong isipan."

"May napili na ako kuya." Sagot naman ni Akira.

"Sige, ibulong mo sa mga pinsan natin ang napili mong card at siguraduhin mong di ko maririnig."

"Opo kuya." Agad kaming binulungan ni Akira at ang sabi niya ay king of Hearts ang kaniyang napili.

Nung okay na ang lahat sa King of hearts ay winagayway na ni Earth ang anim na cards. "Mawawala ang card na napili mo!" at boom pinakita nga niya sa amin na naglaho na yung card na napili namin. 

Napakurap-kurap si Akira at napasigaw. "Nawala nga! Nawala nga! Ang galing! Ang galing galing!"

"Woah! Nawala talaga!" Maging si Clyde ay di mapigil ang pagkamangha. 

Pati nga ako ay napa-palakpak.

"Kuya turuan mo ko!" Pamimilit ni Akira at panay pa ang hila sa laylayan ng puting damit ni Earth.

"Wag kang makulit Akira, magic trick yun kaya secret lang dapat." Saad naman ni Earth habang hinahawi ang mararahas na kamay ng bunso namin.

"Sige na kuya pamimilit pa rin nito."

"Hay oo na tuturuan kita kapag 18 years old na tayo." Napilitang saad ni Earth.

"Ay ang daya!" Pinadyak-padyak pa ni Akira ang kaniyang paa.

Matapos maalala ang tungkol sa mga edad-edad ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at dumistansiya sa aking mga pinsan upang makapag-isip. Lumayo ako hanggang sa di ko na sila marinig pero natatanaw ko pa rin naman ang mga kilos nila mula sa kinatatyuan ko.

"Ang saya nila." Saad ng palapit na si lola Lily.

"Oo nga po eh." Pilit akong ngumiti.

Imperial Series IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon