8 - Girl group?

904 34 8
                                    

Jennie's POV

Nakatingin pa rin ako sa pinto kung saan lumabas si taehyung at jimin.

Hindi ko makalimutan yung pag ngiti sakin ni taehyung bago siya lumabas.

Gusto kong mainis pero kinikilig ako. Argh!

Bwisit ka talaga taehyung!

"Unnie? Sino yun?" biglang tanong ni rose sakin.

"H-huh? Sino?"

Biglang naningkit yung mata niya habang pinagaaralan ang mukha ko.

"Tell me, boyfriend moba yun?"

Nag crossed arms siya sa harap ko habang nakatingin sakin ng matalim.

"H-hindi ko alam eh.." Napakamot ako ng noo.

Totoo naman eh. Hindi ko talaga alam kung ano kami ni taehyung.

"Ano?! Eh bakit ganon makatingin sayo?! May gusto ba sayo yun?"

"A-ata? Hindi ko alam rosie. Basta masaya kami pareho kung ano kami ngayon."

Napabuntong hininga nalang siya.

"Ano bayan! Akala ko pa naman mag kakalovelife kana!" Pag mamaktol niya.

Natawa naman ako sa reaction niya.

"Kala mo lang yun."

"Tss! Wag kanga unnie! Eh diba nanliligaw sayo yung suga? anyare?"

"Tumigil na siya, ewan ko don kung bakit."

"Hays. Mga lalake talaga ang bilis mag sawa!"

Tumayo siya at hinawakan yung kamay ko.

"Mag bihis ka ng pang swimming unnie. Hahanapan kita ng jowa ngayon din! Wag kana umangal!"

Hinila niya ako papalapit sa cabinet ko at dali daling kinuha yung swim suit ko na kulay green.

"Ano ba naman yan rosie eh." Nakanguso akong tumingin sakanya.

"Bakit? Wala naman kayo nun diba? Pwes mag laway siya! May gusto naman pala kayo sa isa't isa tapos ayaw kapang bakuran? Bilisan mo na mag bihis unnie tignan natin kung hindi mag laway yun!"

Hinila nanaman niya ako papasok sa banyo at hinagis sakin yung bikini ko.

Bakit parang ang init ng ulo naman netong si rosie? Ano bang kinain nun?

O baka gutom lang kaya pinapabilis ako mag bihis?

"Bilisan mo na unnie nagugutom nako!" Biglang sigaw ni rosie sa labas ng pinto.

Tama nga ako, gutom nanga ang gaga.

Na choice na ako kundi suotin nalang tong bikini. Andito ako para mag enjoy kasi next week tadtad nako ng trabaho.

Wala pang limang minuto lumabas nako ng banyo.

"Waaaaah!!! Ang sexy mo unnie!!! Yiiiieeeee mag lalaway na siguro sayo yun!" Kinikilig na sabi rosie.

Sana nga.

"Dami mong daldal mag bihis kana dun para makababa na tayo." Inirapan ko siya.

"Tss! Sungit mo talaga kahit kelan!" inis niyang sinarado yung pinto.

Nag suklay nalang ako ng buhok. Balak kong mag lugay nalang ng buhok kasi baka mag dry yung buhok ko kapag itinali ko.

Maya maya pa ay lumabas na si rosie suot suot yung pink niyang bikini.

"Sexy mo ah? Sinong inaakit mo?" Nginisian ko siya.

• HOLD ME TIGHT (Jnk × Kth × Jjk) [ ON - GOING ] •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon