19

1K 32 34
                                    


Nagiinom naman kami ngayon and told Rei na nandito kami sa bar malapit sa hotel na pinag stay-an namin. Kaya lahat sila andito now, except kay Tito and Tita and the kids.

I'm kinda tipsy na rin kasi nakailang shot na kami ni Ruru ng hard drinks na iniinom namin kanina. Daming tourists na umiinom rin, mostly lasing na. Ayoko kasi magpakalasing dahil gusto kong kausapin si Ricci... pero mukha hindi kasi kanina pa siya inom ng inom pinaglalaruan pa nga nila Brent at mga kapatid niya... na-miss daw niyang uminom. Nakikipag socialize naman si Ruru sa mga tropa ko pero most of the time ako yung tinatabihan niya kasi nga nagaalala din siya sakin baka anong gawin ko... lalo na medyo lasing na si Ricci tas di sila mapaghiwalay ni Anne.

"Pauline, oh" nagulat ako sa taong nasa harap ko, kanina halos maglampungan na sila ni Ricci ha? Bakit nasa harap ko 'to?

"Hey, chill... wag kang ma-awkward-an, i never got the chance to introduce myself properly..." i looked at her sabay tingin sa paligid namin, everyone's having fun dapat ako rin diba?

"I'm Anne, nice to meet you. Ang ganda ganda mo pala pag malapitan 'no? All of our encounter was super far ka sakin kaya i don't see your face properly... malabo din kasi mata ko." inabot niya yung beer sakin

"Di ako umiinom ng beer"

"Oh sorry. My bad" kumuha siya ng vodka and gave it to me.

Tinanggap ko naman yon and said "Nice to meet you also. You look pretty din"

Small talk lang, tinawag din kasi ako ni Rei and medyo lasing na siya actually silang lahat. Ayoko lang uminom ng sobra kasi baka pati ako malasing na rin. Pinag mamasdan ko lang sila dito since ako at si Ruru lang ang nakaupo si Ruru kasi medyo nahihilo na kaya tumabi sakin. Nagsasayawan kasi sila sa dance floor. Yung iba nawawala na, si Ricci kasama si Rasheed. Di ko na din makita yung mag-asawa Paraiso. Grabe ilang oras palang sila dito pero lasing na agad, hard drinks kasi mga tinira. No chill.

"Hi ulit." nagulat na naman ako biglang gewa na upo ni Anne sa tabi ko.

"Hello." awkward kong sabi, medyo di niya siguro narinig kasi lumapit siya sakin... grabe lasing na din 'to.

"Ikaw!" hinawakan niya mukha ko, omg. She's sooo drunk. Hinawakan ko agad kamay niya para ialis sa mukha ko.

"Bakittt mo iniwan bestfriend koooo? Di mo ba alam lahat ng pinagdaaanan namin ha?" lahat ng sinabi niya pino-pro long niya, lasing na nga.

Bestfriend. Bakit bestfriend? Hindi ba silang dalawa ni Ricci? Pinagitnaan pa ako ng dalawang alagain, yung isa natutulog sa balikat ko, yung isa naman nagrarant sakin.

"Alam mo sobrang nagseselos ako sayoo, pero galit din akoo... tama nga siya, sobrang ganda mo, sobrang bait mo, lahat nasa iyo na ata-"

"Lasing ka lang, Anne. Tatawagin ko na si Ricci" putol kong sabi sa kanya.

"Hindi! No! Makinig ka sakin! Ginagalit mo ako... grabe mahal na mahal ka parin ng bestfriend ko... hanggang ngayon pauline, tapos ano? andito ka na parang wala lang?"

"Wala kang alam" sabi ko sa kanya, ayokong pumatol sa lasing kaya tiningnan ko si Ricci busy parin makipag inuman kay Dihia at Ahia.

"Dyan ka nagkakamali, umalis ka diba? Iniwan mo si Ricci nung mga panahon kailangan ka niya. Kaya tama sila, buti na lang lumayas ka nung panahong dapat mag prpropose na siya sayo. I don't want to see him suffer. Sobrang nakakadurog ng puso. Iniwan mo siya dahil di ka na masaya? Go. Now, fucking back off, Pauline. Wag kang umasa na parang habol na habol sayo si Ricci kasi masaya na kami."

That's it. Tumayo ako. Iniwan ko silang dalawa ni Ruru dun... Nilapitan ko sila Ricci at hinala siya. Nagulat naman siya at nagpahila din.

"Bakit ba?"

Don't give up on us, love | Ricci RiveroKde žijí příběhy. Začni objevovat