9

985 32 9
                                    


Nag-iimpake naman ako ngayon, minadali ko na dahil alam kong any minute darating si Ricci. Umuwi din kasi ako agad dito kasi sabi ko sunduin na lang ako ni Kali dito para ihatid sa airport.

Gusto kasi niya na samahan ako pabalik ng manila pero hindi ako pumayag dahil darating si Kailee dito next week dahil dito nila icecelebrate yung anniversary nila.

Wala na akong pili pili ng damit dahil lahat nilalagay ko sa maleta ko. Minamadali ko na kasi ayokong mag pagabot kami ni Ricci.

Ayoko siyang makita dahil up to the last.. baka pag nakuha na naman niya ako mag bago na naman isip ko. Baka hindi na naman ako umuwi.

Kasi alam na alam niya kung pano ako kunin ulit eh, isang luhod lang niya, makita ko lang siyang umiiyak, mangangako lang siya na magbabago siya. Alam na alam niya kung pano ako kunin.

Dali dali kong sinara yung dalawang maleta ko dahil alam kong nanjan na si Kali nagaantay sa labas. Hinubad ko rin yung necklace na binigay ni Ricci nung pag punta namin dito. Iiwan ko na lang dito.

Lahat ng picture frames sa side table namin pinagtatapon ko at dali daling lumabas. I was about to contact Kali na tulungan ako... pero nagulat ako nung paglabas ko sa sala.

Nakaupo si Ricci dun. Inaantay ako. Naka-face siya sa may bakuran namin. Glass kasi kaya kitang kita niya yung labas, yung swimming pool. Nung narinig niya yung mga maleta at pag sara ko ng kwarto namin, napatayo at napatingin siya sakin.

Tutulak ko na sana yung mga maleta pero lumapit siya sa akin. Amoy na amoy ko yung alak nung paglapit niya.

"Wag kang lalapit." Nakatayo siya sa harap ko. Pagitan namin yung dalawang maleta.

Kitang kita ko naman na sobrang mugto ng mata niya, he's a mess.

"Please... let's talk."

"Ayoko na, Ricci." bigla naman siyang lumapit at niyakap ako nagulat ako sa ginawa niya kaya nagpumiglas ako pero dahil sa laki niya, hindi ko nagawa.

"Pauline.. i'm so sorry. Di ko kakayanin na mawala ka sakin. Please wag mo akong iwan." iyak niyang sabi.

"Gagawin ko lahat, hahayaan ko magaral ka ulit, maguumpisa ulit tayo, di nako magiging selfish. Ibibigay ko lahat. Anong gusto mong gawin ko, Pau?" Ni-hindi ko siya mayakap pabalik. Sobra akong nandidiri sa kanya.

"Palayain mo na ako, Cci." i said between my sobs.

Umiiling siya, hanggang ngayon nakayakap parin siya sakin.

"Hindi ko kayang gawin yan.. napakahirap nang gusto mo, pauline. Para mo akong winasak paulit ulit." nagpantig na naman tenga ko sa sinabi niya kaya naglakas loob ako na kumawala sa yakap niya at harapin siya.

"Itigil na natin, ayoko na mag explain sayo. Paulit ulit na lang"

"No" hawak niya naman ako ngayon both arms. "Walang aalis, please pauline. Not now. Don't give up on us, please please"

"Ni-minsan ba Inisip mo ako, Cci? Kasi sana naririnig mo yung mga sinasabi mo."

"Sa loob ng ilang taon nating pagsasama, wala akong ginawa kundi suportahan ka kung san ka masaya, kung san alam kong mas mapapabuti ka."

"Love, ple-" I interrupted him.

"No, Ricci. Pakinggan mo ako. Kasi mahal, hirap na hirap ako! Ayokong manumbat dahil ginusto ko 'to. Ginusto ko 'tong sistema nating dalawa."

Don't give up on us, love | Ricci RiveroWhere stories live. Discover now