Chapter 9 (11/19/14)

Magsimula sa umpisa
                                    

            Nagtaka ako bigla sa sinabi ni Cupid, “sundo? Anong sundo?”

            Tumingin siya sa bintana, “ayun oh.”

            Agad akong napatayo at sumilip sa bintana. Laking gulat ko nang may makita akong kotse na nakaparada sa tapat ng apartment namin at doon ay nakasandal si Sir West at mukhang may iniintay.

            “What the hell is he doing here?!”

            “Malamang eh dumadamoves sa’yo.”

            Nag-madali ako bigla sa pag-aayos ng gamit ko.

            Anong oras pa kaya siya nandiyan sa tapat ng apartment ko? At ba’t niya ako sinusundo?!

            “Cupid, ikaw na mag hugas ng pinggan ha!”

            “Ba’t ako?!”

            “Nang may silbi ka naman!”

            “Wow lang! Wala ba akong silbi? Samantalang kung wala ako, edi lahat na nang tao eh tuluyan nang hindi naniwala sa forever.”

            “Ewan ko sa’yo!”

            Basta ko na lang isinaksak ang mga kagamitan ko sa bag. Ni hindi ko na nakuha pang ayusin sa pouch ko ang mga make-up ko.

            “Sige bye!” paalam ko kay Cupid nang hindi siya tinitignan dahil busy ako sa pag check ng bag ko kung lahat na ba ng gamit na kailangan ko ay nailagay ko.

            “Ah, saglit Jillian.”

            Inangat ko ang tingin ko kay Cupid at nagulat ako na nasa tabi ko na pala siya.

            “Wag na wag mong aalisin ang compass sa leeg mo ha?”

            “Alam ko.”

            “At… kung may mapansin ka mang kakaiba, sabihin mo agad sa akin ha?”

            Tumingin ako sa bintana ng kitchen ko at nandoon pa rin si Sir West at nag-aantay. Itinuro ko siya kay Cupid.

            “Siya. Siya ang kakaiba sa buhay ko ngayon.”

            “Hindi ganyang kakaiba! Given na siyang maging kakaiba kasi na-pana mo siya eh. Basta trust your instinct. Pag may napansin kang hindi tama, sabihin mo agad sa akin.”

            “Okay fine.”

            “At mananalangin na lang akong katiwa-tiwala ang instinct mo.”

            Sinimangutan ko lang si Cupid pero ‘di ko na kinontra. Mamaya eh hindi pa mag hugas ng pinggan ‘yan.

            “Aalis na ako,” paalam ko ulit sa kanya.

            “Bye! Ingat! Enjoy kayo ng boss mo!” pahabol niya habang palabas na ako ng pinto.

            Dali-dali kong nilapitan si Sir West. Akala ko maaga ako! Pero mukhang mas maaga ata siya! 7:20am pa lang. Anong oras kaya ‘to kung bumangon?

            “Sir West!”

            Napalingon siya sa akin at agad na ngumiti.

            “Oh, Jillian.”

            “What are you doing here?”

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon