21st Break: Monday Flashback

ابدأ من البداية
                                    

Lihim akong napangisi nang makita ko ang taranta sa mga mata niya. Naglilikot ang mga iyon na parang naghahanap ng tulong sa mga kaklase niya. Kinagat ko ang dila para pigilan ang sariling tumawa nang umiwas sila ng tingin sa kanya.

Heh, sa pagtsitsismisan lang pala kayo magaling.

"It should be about academics." tanong niya na pilit itinatago ang kaba at pagkapahiya.

Oh, my bad. Ngumiti ako at tinanguan siya. Should I ask her the basic? Or not? Hmm...

"Okay. What's the longest word in the dictionary?" Tumaas ang kilay ko nang may magtaas ng kamay. "I'm not talking or asking anyone aside from her so, no one will answer me but her."

Ilang minuto na pero hindi pa rin siya sumasagot. Nakakainip, ha.

"Tss. Time's up. Sayang ka. Ang ganda-ganda mo pa naman kaso bobo ka." Sarkastiko akong ngumiti. "I'm Alesia Montes and I really hate it if somebody's doing my job. Sorry for that, ma'am. Nakahanap na rin ako ng upuan kaya uupo na ako. You can continue discussing your lesson, Miss. I won't listen to you, anyway."

Ibinulong ko na lang ang huling sinabi at naupo na sa bakanteng upuan na malapit sa bintana. At siyempre, kaysa makinig ay sumubsob ako sa mesa para matulog. Hindi ko sila sinuway dahil isa akong mabait na estudyante kun'di dahil ayaw kong sila ang gumagawa ng gawain ko.

Huh! Ako lang dapat ang sakit sa ulo ng mga naririto.

KUMUNOT ang noo ko nang makitang nagkakagulo ang mga etudyante, lalo na ang mga babaeng estudyante na todo kung mag-ayos ng sarili.

Para namang may magbabago pa sa pagmumukha nila.

Mahigpit kong hinawakan ang tray na may lamang pagkain ko at naghanap na lang ng mauupuan. Kanina pa ako nagugutom at malapit na akong mawala sa mood. Ngunit, subalit, datapwat, may isang nilalang ang babangga pa yata sa akin. Bumuntong-hininga ako at mabilis na hinubad ang kanang sapatos ng hindi ginagamit ang kamay. Ang kanang paa ko ay sa noo niya lumapat. Hindi naman ako takot masilipan dahil sa halip na safety short ang doble ko sa palda ay ang jogging pants ang ginamit ko. Oo, nakauniporme na ako at alam kong baduy para sa iba ang suot ko pero wala akong pakialam. Dito ako komportable at ako naman ang magsusuot.

"Tsk." Inirapan ko ang babaeng nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Ibinaba ko na ang paa ko at dumiretso sa mesa na parang walang nangyari. "Muntik ng masayang ang pagkain ko ro'n, ah."

Doon ko lang din napansin na tumahimik pala ang cafeteria pero ilang segundo lang ay nag-ingay na ulit. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin at rinig na rinig ko ang bulungan ng ilan sa kanila patungkol sa akin. Karamihan ay reklamo sa ugali ko bilang transferee pero umaasta agad na mayabang at kung ano-ano pa.

Dito rin pala ay may mga tsismoso at tsismosa. Sabagay wala nga pala silang pinipiling lugar. Inignora ko sila at nagpatuloy sa pagkain. Iyon nga lang ay hindi rin nawawala ang mga paepal sa buhay ko.

Naikuyom ko ang kamao sa sobrang inis ngunit pinanatili kong kalmado ang mukha ko kahit na may nagbuhos ng malamig na tubig sa ulo ko.

"Oh! Ikaw pala yan, birdbrain!" natutuwang saad ko nang makita kung sino ang pangahas. Siya lang naman ang nakasagutan ko kanina sa classroom. "Aba't nag-call your friends ka pa."

May kasama siyang dalawang babae na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin.

"You—"

Pinutol ko sa pagsasalita si Birdbrain classmate sa pamamagitan ng pagtaas ng kanang kamay ko.

"Alam mo na ba ang sagot sa mga tanong ko?" Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "First, Alesia's father has six daughters; Amy, Gela, Marie, Drea and Mika. What's the name of the sixth daughter? Second, what's the longest word in the dictionary? Huwag mo akong kausapin kung hindi mo alam ang sagot diyan."

Inubos ko ang pagkain at hindi pinansin ang naistatwang mga babaeng ito. Tumayo ako at tinitigan siya sa mata.

"Ako si Doktor Quack at inirerekomenda ko sa iyo ang pag-aaral kahit limang beses sa isang linggo." Ngumisi ako at umalis na roon.

Simula noon ay hindi na niya ako ginulo pa. Wala na ring nagtangka na i-bully ako na siyang ikinatuwa ko ng lubos. Sa simula rin ay maraming teacher ang nagrereklamo sa akin dahil sa ginagawa kong pagtulog sa klase pero natigil din iyon ng patunayan kong may ibubuga ako sa akademiks kahit hindi ako nakikinig sa mga itinuturo nila.

At doon ako nagsimulang maging hangin sa mga mata nila na mabubuhay lang kapag tinatawag ang pangalan ko o 'di kaya ay may nagawa akong hindi kayang gawin ng mga kaklase ko.

ZOMBREAKحيث تعيش القصص. اكتشف الآن