Setting the Fire

58 5 0
                                    

A Chance To Be With You
by MeasMrNiceGuy

Chapter 9: Setting The Fire

Narrator:

Three months after the incident of Akiko ay back to normal na ulit ang magkakaibigan. Pero magulo pa rin ang isip ni Akiko. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay panibagong pagsubok na naman ang kanyang masasaksihan.

....

Asia: Bessy, bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo?

Akiko: Ah. eh. Wala Bessy. Huwag mo akong intindihin. Tara punta na tayo ng music class natin. Baka hinihintay na tayo ni RJ doon.

Asia: Are you sure? Kilala kita, baby girl. Alam kong malalim ang iniisip mo. Tungkol ba ito sa nangyari sa iyo three months ago?

Akiko: Hay naku! Ang kulit mo din no? Actually, yes. Hindi pa rin kasi nagsi-sink-in yung nangyari sa akin at sa lalaking nagligtas sa akin.

Asia: Uy, mukhang tinamaan ka yata sa unknown savior mo noh? He-he.

Akiko: Hoy, hindi ah. Part of me wants to know him at para magpasalamat na rin sa pagligtas niya sa akin. Pero ang gumugulo sa isip ko ay yung sinabi ng lalaki sa akin na boss niya. Hindi ko alam kong kilala ko ba yung boss niya o hindi.

Asia: Hay naku, bessy. Huwag mo na masyadong isipin yung killer, rapist, or whatever we call that guy. Ang mahalaga ay buhay ka at nandito ka pa rin sa harap ko. At saka pinaimbestigahan na rin ng family mo yung nangyari hindi ba? Kaya huwag ka na masyadong mag-isip ng kung anu-ano diyan.

Akiko: Pero malakas ang kutob kong nandito lang siya sa tabi-tabi at nagmamanman sa atin... sa akin. If I am not mistaken, target niya yata ang mga mahal ko sa buhay. Kasama ka na dun at si RJ.

Asia: Oh my gosh! Huwag kang manakot, bessy. Don't worry, malalagpasan din natin ito. At kung sakaling ako ang target niya, matagal na akong ready. Palaban na kaya tong si Asia ngayon. Hindi na rin ako basta-basta natatakot sa sino mang magtangka sa akin. Kaya let's go!

Akiko: Hay naku. Basta, bes, we have to be careful. Okay?

Asia: Of course, bessy. You can count on me.

....

Narrator

Lingid sa kaalaman ni Akiko ay natatakot rin si Asia pero hindi niya ito pinapahalata. Ayaw niya kasing makita siyang weak. Gusto niya matapang siya sa lahat ng bagay.

Ang hindi rin nila alam ay may isa na namang tao ang nagmamasid at nag-e-eavesdropping sa kanilang pinag-uusapan.

3rd POV

"Matapang ka pala ha? Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo. You will be my next victim kaya humanda ka sa akin Asia. Prepare to be burn and die alive!"

....

Sa student council office...

Dahil si Asia ang President ng student council ay nagpatawag siya ng meeting sa buong council officers. Ito ay para ipaalam sa lahat ang last projects nila for this year bago sila gumradweyt.

Pagkatapos mapag-usapan ang tungkol doon ay dinismiss niya naman agad sila. Naiwan muna siyang mag-isa sa office para ma-double check kong mayroon pa siyang nakaligtaang sabihin sa meeting nila.

Nang masiguradong tama naman ang lahat at wala siyang nakaligtaan ay pumanhik na siya para lumabas ng office. Mag-aalas otso na kasi ng gabi. Palabas na siya sana ng office nang may natanaw siyang isang nakamaskara sa labas ng bintana ng council. Nakangiti ito pero hindi niya maaninag kung babae o lalaki. Nanlaki na lamang ang kanyang mata nang makita niyang may dala itong container at pinagbubuhos ito sa labas ng council office.

A Chance to be with You (the continuation of Loving My Ugly Best Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon